XLV:
Better Than Fiction
***
BAS' POINT OF VIEW
THE road to forever wasn't easy. Ang dami naming pinagdaanan, ilang beses nagselosan, nagkasakitan at nagpaikut-ikot na parang mga tanga. We both shed a lot of tears, we both got our hearts broken...but we both made a lot of realizations and learned important lessons which made us stronger now. Alam ko na sa pagkakataong ito ay mas makakaya na namin ang mga pagsubok ng buhay. Hindi na kami basta-bastang masisira ng selos o ng kung ano mang misunderstandings.
Not even his own mother can tear us apart. Oo, as expected, hindi naging maganda ang reaction ni Donya Botox Queen sa relasyon namin. Nag-violent reaction kaagad ang demonyang matanda.
"I've made my decision, 'ma. Narito lang kami para ipaalam sa inyo ang tungkol sa plano naming magpakasal. We're hoping na matatanggap mo kami, pero kung hindi naman, hindi ka namin pipilitin. Ipagdadasal na lang namin na sana dumating ang panahon na mas maging bukas ang isip at puso n'yo para sa'min," kalmadong paliwanag ni Josh.
Nasa sala kami ng mansyon ng mga Heraldez para sabihin sa pamilya nila ang tungkol sa gusto naming mangyari. Ice, Cade and Claude came with us para tulungan kaming i-explain sa pamilya nila ang sitwasyon.
"You're crazy if you think na matatanggap ko ang relasyon ninyo. Sirang-sira na nga ang reputasyon ng pamilya natin mula no'ng makulong ang daddy mo at mamatay ang Abuelo ninyo, dadagdag pa kayo ng ganitong klaseng eskandalo?!"
"Wala naman po kaming scandal," hindi ko napigilang sumingit. "Minsan po gumagawa kami ng scandal sa loob ng kwarto, pero promise, secured ang mga videos namin sa cellphone ko."
Sabay na napasinghap ang lahat ng nakarinig. Napansin ko naman ang pamumula ni Josh na mahigpit na hinawakan ang kamay ko at pinisil iyon.
"Just don't say anything," bulong niya sa nahihiyang tono.
"Nice one," natatawang bulong ni Ice sa'kin. Nakita ko namang palihim na nag-thumbs up si Claude sa'kin. Si Cade naman ay nagpipigil ng tawa.
"Josh, are you really sure about this?" malumanay na tanong ng glamurous at young-looking na si Amethyst Heraldez, ang mommy ni Cade. "It was a shock to us when we learned that our son was into same-sex relationhips. Aaminin ko na kahit tinanggap ko ang relayson nila ni Claude ng maluwag sa dibdib, minsan ay hindi pa rin ako makapaniwala na nangyayari nga ito. Hindi madali 'to para sa'min. 'Tapos ngayon ay malalaman namin na pati pala ikaw ay... hijo, I just want to make sure that you're one-hundred percent certain about this."
"Yes, tita. Siguradung-sigurado na po ako. Mahal ko na si Bas kahit noon pang nakatira siya dito sa mansyon kasama si Edeline. I've never stopped loving him throughout the years. Kahit no'ng nagkahiwalay kami ay hindi ako na-in love sa kahit na sino despite all the girls who flirted with me,"
"Ibigay mo sa'kin ang listahan ng mga babaeng lumandi sa'yo, ipapakulam ko," singit ko na naman.
"Hindi, hindi ko talaga 'to matatanggap. Kung wala lang sa kulungan ang daddy mo, I'm sure tututol rin siya sa relasyon ninyo," galit na namang wika ni Donya Botox Queen. O, sige na nga, tatawagin ko na siyang Donya Consuelo Heraldez since magiging mother-in-law ko na siya in the future. "Your father will never agree to this!"
"But he's not here. He's in jail, paying for his sins," matigas na sagot ni Ice. Kinabahan naman ako nang makita kung gaano siya kaseryoso. Ice was usually playful kaya lahat ay natatahimik 'pag siya na ang nagsalita ng seryoso. "He's still our father but I don't think his opinion still matters to us, 'ma."
BINABASA MO ANG
Romancing Josh
RomansaALLUSTREA MEN Series I: Josh Gabriel Heraldez When his sister died after giving birth, walang choice si Bas kundi ang alagaan ang pamangkin niya sa murang edad. Napalaki naman niya ito ng maayos dahil sa pagsusumikap niya. Her niece, Edeline, grew u...