XXIX:
The Evil Abuelo***
JOSH'S POINT OF VIEW
EVERYTHING happened too fast. We were just enjoying a short vacation to get the most of our remaining times together. Pero hindi ko inakala na sa gano'n hahantong ang gabing iyon. They quickly took us back to the mansion at pinapasok kaagad si Edeline sa kwarto niya. Pinasunod naman ako nina daddy at Abuelo sa study para mag-usap.
"Josh, pa'no nila nalaman ang tungkol kay Kuya Rafael?" pabulong na tanong sa'kin ni Bas nang samahan ko sila sa kwarto ni Edeline.
"I don't know. But Abuelo has a lot of sources. He's the most powerful man in the country kaya hindi malabong malaman niya ang mga plano ni Kuya."
"Pa'no ang plano natin na ibigay si Edeline sa ama niya? Matutuloy pa ba 'yon?" bakas ang pag-aalala sa boses niya. It was hard for me knowing that my hands were tied. When it comes to matters like this, sobrang limitado lang ang pwede kong gawin. Abuelo wasn't someone you'd want to mess with.
"Don't worry, gagawa ako ng paraan. Itutuloy pa rin natin ang plano."
"Pa'no?"
"Hindi ko pa alam sa ngayon."
"Pero kailangang malaman 'to ni Kuya Rafael para makapaghanda siya."
"Don't worry about it. Ako na ang bahalang kumausap sa kanya. Just please stay out of this, Bas. Hindi makakabuti sa'yo kung mas lalo kang maiipit sa gulo ng pamilya namin."
He was already too involved in our mess eventhough he didn't have to. Ang gusto lang naman ni Bas ay ang maalagaan ang pamangkin niya. Pero heto siya ngayon at nadadamay sa gulo namin. I felt bad for him.
"Basta siguruhin mo lang na hindi mapapahamak ang pamangkin natin, Josh."
"Of course."
Umalis na ako at kaagad na tumungo sa study room kung saan naghihintay si Daddy at Abuelo. They looked so serious and intense which made me even nervous. I've known them all my life and they have done nothing bad to me. Pero alam ko rin kung ano ang kaya nilang gawin sa sinumang magtatangkang kumalaban sa pamilya namin.
"Maupo ka, Josh," utos ni Daddy at pinaupo ako sa couch na kaharap nila.
"Ano'ng alam mo tungkol kay Rafael?" diretsong tanong ni Abuelo.
"I didn't know that he's back. I didn't even know that he's still alive." I chose to lie because I didn't want to get into his bad side. He would surely get mad if he knew that I was planning to betray him. "Ano po ba'ng plano ni kuya?"
"Gusto niyang gumanti sa pamilya natin. That bastard," he said in gritted teeth. Mas lalo akong nakaramdam ng takot. "After everything we've done for him, ito pa ang igaganti niya sa'tin? Pinalaki siya ng pamilyang ito! Binihisan, binigyan ng magandang buhay! That ungrateful piece of shit!"
"Papa, plese control your emotions. Alam mo namang hindi pa gaanong maayos ang kondisyon ninyo," dad reminded him. "At isa pa, alam naman natin kung bakit nagkakaganito si Rafael. He was certainly brain-washed by a Buenavides. Ang pamilya lang naman nila ang nakakaalam ng sikreto natin. They're using him to bring us down."
Abuelo laughed incredulously.
"And they really believe that they can bring us down? Mga hangal! Walang makakapagpatumba sa'ting mga Heraldez. We will remain as the most powerful clan in this country. At ang Allustrea... atin ang bayang 'to. Wala silang magagawa para agawin ang kahit na ano'ng 'meron tayo. Mananatili silang nakatago sa anino natin habang-buhay."
![](https://img.wattpad.com/cover/187424988-288-k778567.jpg)
BINABASA MO ANG
Romancing Josh
RomanceALLUSTREA MEN Series I: Josh Gabriel Heraldez When his sister died after giving birth, walang choice si Bas kundi ang alagaan ang pamangkin niya sa murang edad. Napalaki naman niya ito ng maayos dahil sa pagsusumikap niya. Her niece, Edeline, grew u...