XLIII:
Last FightBAS' POINT OF VIEW
DALAWANG singsing ang nakalahad sa harap ko ngayon. Ang tanong: alin do'n ang isusuot ko? Alam ko namang kunwari lang ang proposal ni Gabe, pero kailangan kong tanggapin iyon kung gusto kong ituloy ang plano namin ni Cade. But it would mean hurting Josh and I wasn't sure if I was capable of hurting him. Pero nagawa rin naman niya akong saktan kunwari no'ng pinaniwala niya akong ayaw na niya sa'kin. Hindi naman sa gumaganti ako pero parang gano'n na nga.
"Josh, tumayo ka," utos ko sa matigas na tono. I pretended like I didn't love him anymore. Mahirap umarteng ayoko na sa kanya gayu'ng ang gwapo-gwapo pa rin niya sa paningin ko lalo na't nakaluhod siya't nagmamakaawa. Baka bukas, endorser na ako ng shampoo dahil sa haba ng hair ko.
"Bas..."
"Minahal kita, pero—"
"Minahal? So are you saying that you really don't love me anymore?"
"Maybe I still love you. Pero konting-konti na lang." Napansin ko ang mukha ni Gabe na sinesenyasan akong itigil ang katangahan. "But the thing is, masyado mo akong nasaktan. Hindi ko alam kung kaya ko pang magtiwala sa'yo. And without trust, hindi talaga tayo magwu-work."
"I can earn your trust again. I promise you that. Just please give me one last chance."
"Magsasayang lang tayo ng oras. Ayoko na talaga, eh. Kaya..." Iniabot ko ang kamay ko kay Gabe. I saw how devastated Josh was. Parang nadurog siya sa ginawa ko. Ang hindi niya alam, mas nahihirapan ako sa ginagawa ko. 'Wag ko na lang kayang ituloy 'to? Kailangan ko ba talaga siyang pahirapan? Shit na malagkit naman, o.
"Thank you, Bas. I'll make sure that you won't regret choosing me," tuwang-tuwang pasasalamat ni Gabe habang isinusuot ang singsing sa daliri ko.
Josh remained kneeling, tahimik na nakatingin sa amin. I've never seen him look that sad and defeated. Napansin ko ang pamumula ng sulok ng kanyang mga mata hanggang sa unti-unting pumatak ang kanyang mga luha. I've never seen him cry like that. Kaagad niya namang pinahiran ang mga luha at dahan-dahang tumayo. Bagsak ang kanyang mga balikat na parang sumusuko na.
"I'm sorry, Josh..."
He nodded.
"I understand," mahina at mapait niyang sagot. "I did this to myself. Fuck, nasa'kin ka na eh, pinakawalan pa kita."
Nanginginig ang boses niya. Malayung-malayo sa matapang at powerful na boses ng isang successful CEO na nakilala ko. At that time, he was just like any other guy who got his heart broken.
"Pasensya na, pare. Hindi ko naman gustong masaktan ka, eh. But if it makes you feel better, nangangako ako sa'yo na pasasayahin ko si Bas," ani Gabe sa marahang tono.
"You better keep your promise," he replied. "You said that you can love him better. Although I don't believe that, but I still want you to prove me wrong. Patunayan mo na kaya mo ngang mas pasayahin pa si Bas. He's a very special person with a very big heart. He deserves all the love youu can give. He deserves every good thing in this world. Alagaan mo siya, 'wag mong pasasakitin ang ulo niya, at higit sa lahat... don't you ever break his heart. Or else... babawiin ko siya sa'yo kahit magkamatayan pa tayong dalawa."
My tears were threatening to fall. Parang lumulubo ang puso ko sa mga naririnig kong salita mula kay Josh. He was too sweet. He loved me so much. Pero hindi ko muna pwedeng ipahalata na affected ako sa mga sinasabi niya. But I told myself na tatapusin ko na ang dramang 'to as soon as possible.

BINABASA MO ANG
Romancing Josh
RomanceALLUSTREA MEN Series I: Josh Gabriel Heraldez When his sister died after giving birth, walang choice si Bas kundi ang alagaan ang pamangkin niya sa murang edad. Napalaki naman niya ito ng maayos dahil sa pagsusumikap niya. Her niece, Edeline, grew u...