23rd Chapter

7.5K 395 87
                                    

XXIII:

I Love You

***

BAS' POINT OF VIEW

NA-MISS kong magtrabaho sa restobar kahit papa'no. Iyon na kasi ang ginagawa ko sa nakalipas na mga taon. It was a friday night kaya hindi na ako nagtaka kung bakit maraming customers at kung bakit sobrang busy namin. I felt happy when I saw the familiar faces of our regular customers and even the new ones. Kaya naman ganada ako sa pagtatrabaho kahit pagod na ang katawan ko.

   Well, aaminin kong isa si Josh sa rason kung bakit sobrang energetic ako. Ikaw ba naman ang halikan ng isang kagaya niya, 'di ba? I mean, shit, french kiss din 'yon, mga baks! Parang nabuhay ang hasang ko. Nawala lahat ng pagseselos ko. Nawala sa isip ko ang isang perfect na babaeng kagaya ni Miracle.

   Inihatid ako ni Josh sa restobar kanina (after naming maghalikan sa elevator) at nangakong susunduin niya ako pauwi. Doon raw kami sa condo niya magpapalipas ng gabi since hindi na kami makakauwi ng Allustrea.

   "Alam mo, bakla, itigil mo na 'yang kaka-Wattpad mo. Nasobrahan ka na yata sa pagbabasa ng mga BL kaya kung anu-ano na ang iniilusyon mo," natatawang sabi ni Patty habang nasa loob kami ng maliit na office sa likod ng restobar. Medyo hindi na kami busy at mayamaya lang ay pwede na akong umuwi.

   "Ba't ba ayaw mong maniwala?"

   "Na nililigawan ka ni Josh Heraldez?" Tumawa ito. "Gaga, bakla! Ba't naman ako maniniwala d'yan?"

   "Kasi nagsasabi ako ng totoo." Malapit na akong mainsulto, ah. Ilang saglit na lang ay masasabunutan ko na ang matabang bakla na 'to. Walang kai-kaibigan.

   "Mas maniniwala pa akong pumuti na ang uwak kesa d'yan sa kwento mo."

   "Bakla, nakakasakit ka na ng damdamin, ah."

   "Baks, alam kong maganda ka. Napaka-feminine ng feautures mo at minsan nga ay mas maganda ka pa sa tunay na babae. Ang kinis pa ng kutis mo. Pero si Josh? Baks, ibang level 'yon, eh!"

   "Imposible ba talagang magkagusto s'ya sa'kin?"

   "Hindi naman. Siguro kung sasabihin mong ginayuma mo siya, maniniwala ako."

   Hindi na ako nakapagpigil. Sinabunutan ko ang gaga dahilan para mahulog ang suot niyang wig.

   "Walangya ka!" reklamo nito at isinuot uli ang wig.

   Naputol ang pag-uusap namin nang biglang tumawag si Josh. Ayu'n, kinilig na naman ako. Nginisihan ko si Patty.

   "Kita mo na? Tumatawag sa'kin, o."

   "Tumatawag lang, may gusto na? Iba rin, eh!"

   "Labas ka nga muna dito. I need some privacy."

   "Arte-arte. Babae ka? May matris ka?" biro niya pero iniwan naman ako para bigyan ng privacy. Mabuti't marunong naman palang makiramdam ang gaga.

   Nang makalabas na si Patty ay kaagad kong sinagot ang tawag.

   "Hello?" Syempre, nag-pabebe naman ako ng boses ko. Dalagang Pilipina kunwari.

   "Bas, tapos ka na ba d'yan?"

   "Yes. Pwede na akong umuwi."

   "I'm sorry, can you stay there for another hour?"

   "Huh? Bakit naman?"

Romancing JoshTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon