IV:
Assumera ng Taon***
BAS' POINT OF VIEW
THE dinner went surprisingly well. I mean, aside from the fact na si Donya Botox Queen lang ang daldal ng daldal tungkol sa pamilya nila at kung ga'no sila kayaman, wala namang ibang nangyari na nag-trigger para lumabas ang sungay ko. Since gutom na gutom na ako ng oras na iyon, nag-focus na lang ako sa pagkain instead of listening to her nonsense talks.
Wala pa kaming isang oras sa loob ng mansyon, alam ko ng plano niyang gawing rich spoiled brat ang pamangkin ko. She kept on telling her na bibilhan niya raw ito ng maraming toys, they'd go shopping everyday at hahayaan niya raw itong pumili ng designs para sa room nito.
Don't get me wrong, I was so happy to see the excitement in Edeline's face. Kahit naman kasi ginagawa ko ang lahat to give her a comfortable life, hindi ko nabibigay lahat ng gusto niya. We had to live on a tight budget kaya kailangan naming maging praktikal.
"She'll be fine," Josh assured me nang lumabas kami sa kwarto ni Edeline. Mabilis na nakatulog ang bata dahil sa pagod.
"Hindi ba talaga pwedeng tumabi ako sa kanya?"
"Safe naman siya do'n sa loob ng kwarto niya."
"Alam ko naman 'yan. Ang dami ko kayang nakita na security dito sa loob ng mansyon. Ang sa'kin lang, baka magising si Edeline at hanapin ako."
"May mga katulong naman. They can attend to her needs."
"Sanay si Edeline na ako ang nag-aalaga sa kanya. Isa pa, kaya nga ako sumama dito, 'di ba? Because I want to personally take care of her."
"Yes, I know that. But you're also tired. You've had a long day and it would be best if you take some rest."
I couldn't help but grin.
"Concerned ka sa'kin?" mapanuksong tanong ko.
"Don't put meanings into my words."
"Asus, 'wag ka ng mag-deny. Nafu-fall ka na sa'kin, 'no?"
"I'm sorry, what?"
"Grabe ka, Mr. Heraldez. Masyado kang marupok. Hindi pa nga tayo masyadong close, na-fall ka na?" Marahang tinampal ko ang dibdib niya. Pocha! Ang tigas, baks! "Well, hindi rin naman kita masisisi. You know, I'm irresistable. Pero pasensya na, ah. Wala pa talaga sa isip ko ang pagbu-boyfriend. Strict ang parents ko. Oo nga pala, patay na sila. Pero mumultuhin nila ako 'pag nalaman nilang may jowa ulit ako after kong nasaktan sa pag-ibig."
"Hold up, I don't know what you're talking about."
Natawa ako ng malakas.
"Maang-maangan much?" Tinaasan ko siya ng kilay. "Don't worry, hindi ko ipagkakalat that you're into gays pala. That's completey normal, Mr. Heraldez. There's nothing wrong about falling for gays, especially kung ang bakla ay kasing-ganda ko naman."
"Mr. Ramirez—"
"Bas. I told you, to call me Bas, okay? Kung hindi ka pa ready na tawagin akong babe o honey, then Bas na lang muna."
"I'm sorry to burst your bubble, but I'm straight. I'm not into gays, and even if I am, hindi rin ako magkaka-interes sa'yo."
"At bakit naman, aber?" Napa-nganga ako sa pagkapahiya at pagkainsulto. Ang lakas ng loob niyang sabihin 'yon, ah. 'Kapal ng mukha.
"Because you're too annoying, and yeah, you're too assuming. But I would forget about this conversation since I know you're extremely tired kaya kung anu-ano na lang ang lumalabas sa bibig mo. Your room is right there." Itinuro niya ang hallway sa kanan namin. "Right side, second door."

BINABASA MO ANG
Romancing Josh
RomanceALLUSTREA MEN Series I: Josh Gabriel Heraldez When his sister died after giving birth, walang choice si Bas kundi ang alagaan ang pamangkin niya sa murang edad. Napalaki naman niya ito ng maayos dahil sa pagsusumikap niya. Her niece, Edeline, grew u...