V:
Questions & Suspicions***
BAS' POINT OF VIEW
ALLUSTREA was such a beautiful and picturesque town. I couldn't help but be amazed habang nakatayo ako sa terrace ng kwarto ko at pinagmamasdan ang napakagandang view sa harap ko. Kitang-kita ko ang prestine shoreline ng magagandang beaches nila, ang mga bundok at punong-kahoy at ang modernong mga establishments ng bayan. Makikita sa pinaka-sentro niyon ang simbahan na hindi naman kalayuan sa city hall.
Pakiramdam ko, sinadya ng mga Heraldez na ipatayo ang mansyon nila sa bundok para literal na titingalain sila ng mga tao. Knowing them, alam kong gusto nilang ipaalam sa lahat na mas mataas sila sa kahit na sino. They wanted everyone to be aware of how powerful they were.
"Tito Bas!" Naputol ang pagmumuni-muni ko nang narinig ang boses ni Edeline.
"Sir, hinanap n'ya po kayo pagkagising niya," sabi ng kasama niyang maid.
"Salamat po sa pagsama sa kanya dito." Sinalubong ko ang pamangkin ko ng mahigpit na halik at yakap. "Good morning."
"Good morning po."
"Nakatulog ka ba ng maayos?"
"Opo. Iyong room ko po parang pang-prinsesa."
"Oo, nakita ko nga. Ang ganda."
"Sir, sa'n n'yo po gustong kumain ng agahan? Pwede ko po kayong dalhan ng pagkain dito sa kwarto."
"Hindi na ho. Sa baba na lang kami kakain."
"Gusto n'yo po bang do'n kumain sa garden? Pwede n'yo pong sabayan si Donya—"
"Ay, naku, ayoko po. Baka mawalan ako ng gana."
Napansin ko ang pagngiti ng katulong na kaagad namang pina-pormal ulit ang ekspresyon. Hmm...mukhang hindi lang ako ang may ayaw kay Donya Botox Queen. Pwes, makikipag-chikahan ako sa mga katulong para makahanap ako ng mga kakampi na makaka-relate sa'kin.
Sabay kaming bumaba ni Edeline sa dining hall para kumain ng breakfast. Pinaghintay muna kami sandali habang hinahain pa ang mga pagkain namin. While waiting, nakinig lang ako sa kwento ni Edeline tungkol sa panaginip niya. Isa raw siyang prinsesa na binihag ng isang higanteng ahas and her prince charming came to rescue her. They were about to kiss in her dream pero bigla raw siyang nagising kaya hindi natuloy.
"Bakit parang bwisit na bwisit ka na hindi natuloy 'yung kiss?"
"Opo naman! Kiss 'yon, eh. Tapos si Prince Charming pa ang magki-kiss sa'kin."
"Baka may dahilan kung bakit ka nagising."
"Eh, ano naman po?"
"Kasi ang bata-bata mo pa para lumandi. Tigilan mo ako, Edeline, kung ayaw mong kurutin kita sa singit."
Nakabusangot siyang nagkamot ng ulo. Sakto namang dumating na ang mga katulong para i-serve ang pagkain namin. I was about to help them prepare the food but they quickly stopped me. Wala akong nagawa kundi bumalik na lang sa pagkakaupo. Pero sa totoo lang, I felt uncomfortable na pinagsisilbihan ako. Sanay kasi ako na ako ang kumikilos. I've been independent eversince my sister died.
"Good morning." Josh suddenly entered the dining hall looking so fresh and hot in a business suit. His hair was brushed up and he looked so sleek and formal.
"Good morning, Tito Josh!" Edeline greeted back enthusiastically.
"Good morning..." I murmured.
![](https://img.wattpad.com/cover/187424988-288-k778567.jpg)
BINABASA MO ANG
Romancing Josh
RomanceALLUSTREA MEN Series I: Josh Gabriel Heraldez When his sister died after giving birth, walang choice si Bas kundi ang alagaan ang pamangkin niya sa murang edad. Napalaki naman niya ito ng maayos dahil sa pagsusumikap niya. Her niece, Edeline, grew u...