30th Chapter

7.5K 378 52
                                    

XXX:
Revenge Gone Wrong

***

BAS' POINT OF VIEW

BANTAY-SARADO kami ng mga gwardya. Daig pa namin ang mga preso. They made sure na hindi talaga makakalabas si Edeline ng mansyon. Palagi rin kaming kinakausap ng Abuelo nila, at promise, sobrang nakaka-nerbyos ng presence ng matandang 'yon. Kailan ba siya babalik sa Malacañang? Kailan ba siya tuluyang gagaling? Ayoko na siyang nakakahalubilo palagi.

"Ate, nakakaloka na ang mga nangyayari sa buhay ko... sa'min ng bagets mo," sabi ko ng gabing iyon. Mag-isa ako sa pool area at nakatingala sa mabituing langit. Pinatulog ko na si Edeline kaya pwede na akong magmuni-muni. "Para akong nasa loob ng isang teleserye. Grabe, ganito pala 'yong feeling, 'no? Kinakabahan ako. Hindi ko alam kung ano'ng susunod na mangyayari. Baka naman pwede mo 'kong tulungan since ikaw naman ang mas malapit sa Diyos."

Pumikit ako at ang Diyos naman ang mahina kong kinausap. Sa mga ganitong pagkakataon, wala na talaga akong ibang makakapitan kundi Siya lang. Alam kong may rason kung bakit nangyayari ang lahat ng 'to. Alam ko rin na hindi Niya kami pababayaan.

"Lord, ikaw na po ang bahala sa'min ng pamangkin ko. Sana naman hindi masira ang beauty ko sa mga pangyayari ngayon. Nakaka-stress na. Kanina lang, no'ng humarap ako sa salamin, napansin kong dumadami na ang wrinkles ko. Palaki na rin ng palaki ang eyebags ko, Lord. Parang pa-maleta na ang level. Nakakabahala. Pa-help naman po d'yan. Kahit hayaan N'yo na lang na makasama ng pamangkin ko ang ama niya. Gusto ko lang pong masiguro na malalagay siya sa maayos na kalagayan. Iyan na lang po ang wish ko. Kahit hindi na 'yong lovelife, kahit ang kapakanan ni Edeline na lang. Amen."

Nag-sign of the cross ako at ibinuka ang mga mata. Laking gulat ko nang tumambad sa'kin ang matipunong likuran ni Josh. He was wearing nothing but a black swimming trunk. Grabe, napalunok ako ng laway. Likod pa lang, nakakapaglaway na. Hindi pa rin ako makapaniwala na natikman ko na ang yummy na katawang 'yan. Ang masaklap lang, mukhang hindi ko na yata matitikman ulit. Pero, at least, na-experience ko, 'di ba?

Hindi na ako magpapaka-plastic. Aaminin kong nami-miss ko na siya. Ang sarap sabihin na okay na kami. Na kalimutan na lang namin ang mga masasakit na sinabi niya sa'kin. Pero hindi pwedeng gano'n, eh. I shouldn't lose my self-respect just because I was in love. I should always know my worth. I shouldn't let anyone hurt me and let them get away with it. Life shouldn't work that way.

Teka, ba't ba ako nag-e-english? Nakakita lang ng masarap na katawan, naging englishera na?

Aba, kailangan ko ng tumayo at umalis sa pool area. He knew that I was here that's why he was flexing his mouth-watering and jaw-dropping body in front of me. It was a trap. He was using mg weakness against me.

"Bas, katawan lang 'yan. 'Wag kang magpapadala sa maganda niyang katawan. Be strong, bakla. 'Wag kang maging marupok. Maraming magagandang katawan sa mundo. Hindi lang si Josh ang macho sa universe. Labanan mo ang kalandian mo," I told myself kahit alam kong mahirap iyon.

I stood up and was about to get back inside when he called me.

"Bas!"

Nanigas ang katawan ko. Hindi ko magawang lumingon because I was damn sure na magugustuhan ko kung ano ang makikita ko.

"Ano?" Pinilit kong magtunog-masungit.

"Nandito ka rin pala sa pool area. Hindi ka rin makatulog?"

"Actually, inaantok na ako. Kaya mauuna na ako, ah. Sige, bye. Good night."

Mabilis akong naglakad palayo to make sure na makakatakas na talaga ako sa kanya. But he moved quicker than me. Mabilis niya akong nahabol at nahawakan sa kanang braso.

Romancing JoshTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon