26th Chapter

7.9K 437 125
                                    

XXVI:
Revelation

***

BAS' POINT OF VIEW

WHEN you're happy, it's easy to get lost into the illusion that everything was perfect. Na parang wala ng pwedeng sumira ng happiness mo. Na para bang hindi na matatapos iyon. Josh made me so happy to the point na nakalimutan ko na ang mga problemang dapat kong harapin.

   Kami na ba? Are we officially together just because we had sex a couple times? Wala na nga ba siyang feelings para kay Miracle? Kung magkakaro'n nga kami ng relasyon, ano ang magiging reaksyon ng pamilya niya? I was more than sure that his mother would react negatively. Maghi-hysterical ang Botox Queen na 'yon.

   After one week, a big news came not just for their family but for the entire country. The president finally woke up. Ligtas na raw ito sa panganib at kailangan na lang mag-recover.

   "I'm so happy," ani Josh habang nasa loob kami ng office niya ng hapong iyon. Tapos na siya sa lahat ng trabaho at ilang minuto lang ay uuwi na kami.

   "Ako rin, masaya ako na okay na siya."

   "My 'mom called me and she said na doon raw muna sa Allustrea tutuloy si Abuelo para magpagaling. Pagkauwi natin, kakausapin ko ng personal ang mga staff ng mansyon to make sure na magiging komportable si Abuelo doon."

   Tumango lang ako at ngumiti ng tipid. The thought of living under the same room with his Abuelo didn't sit well with me. There was something about the old man that made me uncomfortable to be near him. His aura was too dark and dangerous. Para bang wala siyang gagawing mabuti. He was too powerful and mysterious at the same time. Pero wala naman akong magagawa kung doon siya sa mansyon titira. Bahay nila iyon, nakikitira lang ako. Kailangan kong tiisin ang presensya niya.

   His cellphone suddenly rang. Syempre, hindi ko na naman maiwasang isipin na baka si Miracle iyon. Wala naman kasing masyadong tumatawag sa kanya after office hours. But when I checked his phone, unregistered naman ang number ng caller.

   "Hindi mo ba sasagutin?" tanong ko.

   "Unregistered number, eh. I don't wanna waste my time, baka prank call lang 'yan."

   "Baka naman importante."

   "Kung may kailangan siyang importante sa'kin, sana tumawag siya using the company's number to make sure na makikilala ko siya at kakausapin."

   Pero hindi ako mapakali. May something, eh. Hindi ko lang alam kung ano. Kaya kinuha ko ang cellphone mula sa desk niya at sinagot ang tawag. His mouth hang open. Hindi siguro inasahan na gagawin ko iyon.

   "Hello?"

   No one answered. Pero sigurado akong may tao sa kabilang linya dahil may naririnig akong marahang paghinga.

   "Bas, don't waste your time. I'm sure wala lang 'yang magawa sa buhay."

   "Kung nakuha niya ang personal number mo, I'm sure kilala mo ang taong 'to," mariing wika ko. "Hello, sino 'to?"

   "That's right. Josh knows me," sabi ng pamilyar na boses sa kabilang linya. Bumilis ang tibok ng puso ko. "Kilala niya ako. Kilalang-kilala."

   Hindi ako nakapagsalita. Panic ran through my system.

   "Ano'ng kailangan mo?"

   "Gising na si Abuelo. Siguro naman wala ng rason para makasama ko ang anak ko, 'di ba?"

Romancing JoshTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon