VI:
Sight-Seeing***
BAS' POINT OF VIEW
HINDI ko sinabi sa kahit sino ang tungkol sa nakita ko kanina sa mall. Ayoko namang magkalat ng fake news. Gusto kong masiguro muna kung totoo nga bang si Kuya Rafael ang nakita ko bago ko sabihin sa kanila. Tsaka kung totoong buhay nga siya, there must be a reason kung bakit hindi siya nagpapakita sa pamilya niya.
I didn't hear anything from Josh mula kaninang umaga. Mukhang busy sa trabaho ang lalaking iyon. Hanggang gabi ay hindi siya dumating. Pinatulog ko ng maaga si Edeline since papasok na siya sa school bukas. It took her only a few minutes to fall asleep dahil siguradong napagod sa lakad namin kanina.
Pagkalabas ko sa kwarto niya ay bumaba ulit ako at uminom ng fresh milk sa kusina. Kailangan ko iyon para makatulog ako. Sigurado kasi akong mahihirapan ako mamaya sa pagtulog kakaisip kay Kuya Rafael.
"Ay, sir, nandito pala kayo," gulat na sabi ng isa sa mga katulong ng mansyon.
"Wow ate, ha. Kung maka-react ka, para kang nakakita ng multo. Hiyang-hiya naman ako sa fez mo."
"Sorry po. Ang dilim po kasi."
"Hindi ko na pinaandar ang ilaw. Aksaya sa kuryente, iinom lang naman ako ng gatas."
"Naku po, hindi issue sa mga Heraldez ang electricity bill. Dito sa loob ng mansyon, may liwanag ang buhay," natatawang sagot nito.
"Alam ko. Parang tumatae yata ng ginto ang pamilyang 'to, eh."
Natawa ang katulong.
"Sinabi n'yo pa. Ang yaman-yaman talaga nila."
"Dumating na ba si Josh?"
"Opo."
"Kanina lang?"
"No'ng umakyat po kayo para patulugin si Edeline, saka naman siya dumating. Hindi na siya umakyat para sundan kayo kasi baka raw makaistorbo siya sa pagtulog ni Edeline."
"Asa'n siya ngayon? Nasa kwarto niya ba?"
"Nasa pool po."
Umarangkada sa pagtibok ang puso ko. 'Tang ina, nasa pool raw si Josh ngayon. Ano pa ba ang gagawin niya do'n kundi lumangoy, 'di ba? Which means...makikita ko siyang topless! Pocha! Masisilayan ko na rin ang hubad niyang katawan. I wouldn't die of curiosity anymore.
"Sir, sa'n po kayo pupunta?" tanong ng yaya nang bigla akong tumayo.
"Ah, wala. Magpapahangin lang." "Gano'n po ba? Gusto n'yo po bang samahan ko kayo?"
Binigyan ko siya ng matamis na ngiti, pero deep inside, gustung-gusto ko ng sabunutan ang echosera at panirang katulong na 'to.
Ano, gusto niyang samahan akong mag-sight-seeing sa abs ni Josh? Aba, hindi pwede, 'no! Selfish ako. Gutom ako kaya akin lang ang pandesal ni Josh!
"Hindi na. Kaya kong magpahangin ng mag-isa."
"Pero sir, mas masaya kapag may kakwentuhan ka habang nagpapahangin."
"Ayoko ng kakwentuhan. Loner ako."
"Kung hindi n'yo po naitatanong, marami akong chismis tungkol dito sa Allustrea. Baka gusto n'yong makipag-chismisan."
"Mukha ba akong chismosa?" mataray kong tanong.
On a normal situation, siguradong makikipag-chismisan talaga ako sa kanya. Alam kong marami akong malalamang interesting trivias mula sa kanya. Pero may mas importante pa akong kailangang gawin.

BINABASA MO ANG
Romancing Josh
RomanceALLUSTREA MEN Series I: Josh Gabriel Heraldez When his sister died after giving birth, walang choice si Bas kundi ang alagaan ang pamangkin niya sa murang edad. Napalaki naman niya ito ng maayos dahil sa pagsusumikap niya. Her niece, Edeline, grew u...