Special Chapter

6.5K 434 94
                                    


LETTER OF RESIGNATION

Dear Mr. Josh Heraldez,

   Ayoko na.
   Tama na.
   Ang shaket-shaket na.

   Please accept this resignation letter bilang patunay na pagod na pagod na pagod na pagod na ako sa'yo. Hindi ko kinu-kopya ang linya ng The Hows Of Us. Sadyang pagod na lang talaga akong masaktan ng paulit-ulit.

    I can no longer work as your personal assistant after everything you said to me. No matter how much I try to think that I can keep things professional, hindi talaga, eh. I can't disregard our issues lalo pa't mahihiya ang Antartica sa cold treatment mo sa'kin. Ba't 'di ka na lang kaya magbenta ng ice water at ice candy? Ang cold mo, eh!

   For the last time, hindi ko inilihim ang tungkol kay Kuya Raphael para saktan ka. Hindi ko iyon sinabi sa'yo dahil ayokong masaktan ka. Wala eh, pa-hero ako. Masyadong pa-bida. Aya'n tuloy, na-misinterpret at na-misjudge mo 'ko kaya ngayo'y nagdurugo ang puso ko. Charot. 'Wag kang tatawa, serious ako.

   Masiyahan ka sana sa piling ni Miracle. Bwisit na babaeng 'yon, siya pa rin pala talaga ang mananalo sa ending. Sabi na nga ba, eh. Para sa kanya ka talaga. Mas bagay nga naman kayo. Pero ito ang tatandaan mo: she can NEVER kiss better than me. At heto pa: mas magaling akong chumu—ah, basta. Mas magaling ako. Period. Maging miserable sana kayo forever bilang kabayaran sa pananakit mo sa'kin.

   Sinayang mo ang pagmamahal ko para sa'yo, sir. Oo, pagmamahal. Oo, in love ako sa'yo. Nahulog ang tatanga-tangang puso ko sa'yo! Ang galing mo kasing humalik, walangya ka! Sana hindi na lang kita minahal. Sana hindi na lang ako naniwala na posibleng magkatuluyan nga tayo. Kasi imposible talaga. Wala ka ngang tiwala sa'kin, eh.

    Kaya sa pagre-resign ko, isinusumpa ko na magmu-move on ako. Tatanggapin ko ang nangyari. Iiyak ako, maglalasing, pagkatapos ay muling babangon. Muling magmamahal. At 'pag nangyari 'yon, "hu u?" ka sa'king damuho ka! 'Wag na 'wag kang babalik sa'kin dahil hindi ako magaling mag-recycle.

   Thank you for giving me an opportunity to work with a brilliant businessman like you. It was an honor to be the personal assistant of Heraldez Construction's CEO. But now, I'm signing off. Ayoko na. Vavush!

Sincerely Yours,
Bas Ramirez

Romancing JoshTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon