33rd Chapter

6.9K 404 99
                                    

XXXIII:
New Client

***

BAS' POINT OF VIEW

ANO ba ang pwedeng mangyari sa loob ng five years? Marami.

A lot has happened since the night I left him. Nagbago ang buhay ko sa paraang hindi ko alam ay posible pala. Leaving Josh was one of the hardest things I've done in my life. Totoong minahal ko siya. Wait, hindi pala minahal kasi hanggang ngayon ay mahal ko pa rin naman siya. Iyon lang siguro ang hindi nagbago sa loob ng limang taon. I've never stopped loving him.

Kung dati 'pag nagbabasa ako ng dyaryo, diretso kaagad ako sa showbiz balita at horoscope, mula no'ng nagkahiwalay kami, una kong tinitingnan ang business section. Nagbabaka-sakali kasi ako na baka makikita ko siya doon at magkakaro'n ako ng update sa buhay niya kahit tungkol lang sa negosyo. Sinuswerte naman ako minsan. May mga nababasa akong articles tungkol sa tuluyang paglago ng Heraldez Construction despite the controversies na hinarap ng pamilya nila nitong mga nakaraang taon.

"Hoy, ano na? Nakatunganga ka na naman d'yan sa picture ni Josh," saway ni Pattie sa akin nang maabutan akong nakatitig sa mukha ni Josh na nasa laptop ko. "Kaloka kang bakla ka. Busy tayo ngayon, wala tayong panahon para d'yan sa kalandian mo."

Nakapag-decide kami na isara na lang ang restobar at mag-venture sa ibang business. Since nakapag-aral ako ulit at degree holder na ako, napagkasunduan naming pumasok sa events management. Maraming connections ang mga kaibigan ko na naging masugid na clients namin. Mag-i-isang taon pa lang kami few months from now, at sa awa ng Diyos, lumalagong-kabuhayan naman ang peg ng business namin.

"Ano'ng kaguluhan itey?" ani Max nang maabutan kami sa office.

"Itong kaibigan natin, naabutan kong nag-e-emote sa harap ng picture ni Josh."

"Tumingin lang sa picture, emote agad? Hindi ba pwedeng gusto ko lang pagandahin ang umaga ko sa pamamagitan ng pagtitig sa napakagwapong mukha ng ex ko?"

"Alam mo, bakla, limang taon mo ng ipinagmamalaki na ex mo si Josh Heraldez. Oo na, naniniwala na nga kami. Pero ex na nga, 'di ba? Meaning, tapos na. Five years ago pa," prangkang wik ni Max na ikinasimangot ko.

"Aray! Ang sakit mo namang magsalita."

"Mabuti 'yan at nang matauhan ka na sa ka-gagahan mo. 'Wag kang balik ng balik sa past. Asikasuhin mo ang present at future mo. At alam mo kung pa'no gagawin 'yon? Mag-focus ka sa business natin at hindi 'yong titig ka ng titig sa picture ni Josh. Ang creepy mo, bakla," Pattie harshly said, rubbing salt to the wound.

"Minsan, nagdududa na ako kung mga kaibigan ko ba talaga kayo." Tumayo na ako at kinuha ang shoulder bag at folders na nasa desk. "Pero, sige, may point naman kayo. Magtatrabaho na ako. Kayong dalawa, asikasuhin n'yo ang catering para sa wedding anniversary nina Mr. & Mrs. Mendez. Pati na rin 'yong sikat na banda na gusto nilang tumugtog sa party, ah."

"Bakla, na-contact na nga namin ang manager ng banda na 'yon, 'di ba? At ang sabi, hindi raw pwede kasi fully-booked na sila until end of the year," paliwanag ni Max.

"Wala akong pakialam kung kailangan n'yong lumuhod o lumuha ng dugo para mapapayag sila. Big clients natin ang mag-asawang Mendez at ayokong mapahiya tayo sa kanila. Ang swerte natin na tayo ang kinuha nila kahit ang bago pa lang natin sa industriya. Kaya ang gusto ko, makuha natin ang bandang gusto nila. Maliwanag ba?"

Napatanga ang dalawa sa mga sinabi ko. Dahan-dahan silang tumango na parang mga robot. Aya'n, trabaho pala ang gusto ninyo, ah. Magaling akong magloko at mag-ilusyon, pero once nag-work mode na ako, nagiging seryoso ako. I was determined and driven to give our clients the best result possible kaya gagawin ko ang lahat to meet their demands.

Romancing JoshTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon