XVIII:
Confessions in the Labyrinth***
BAS' POINT OF VIEW
HININTAY kong matapos si Edeline sa labas ng CR. Ayaw na kasi niyang nagpapasama sa loob ng banyo dahil big girl na raw siya. But since wala kami sa bahay, kailangang may nakabantay sa kanya sa labas in case raw na may dumating na "monsters" para kainin siya. Iba rin ang imagination ng batang 'to, ang likot.
It was actually a welcome distraction. Mas mabuti nang hintayin ko ang pamangkin kong matapos tumae, kesa wala akong ibang gawin kundi tingnan si Josh at Miracle na nag-uusap. Kailan pa ako naging masokista? Bakit ko ba binibigyan ng rason ang sarili kong magselos?
Pwede kayang umuwi na lang kami? Nakakahiya ng bumalik sa party pagkatapos umeksena ni Edeline. Isigaw raw ba na natatae na siya sa gitna ng isang sosyal na event na napapaligiran ng mga sosyal na tao. Nakakaloka ang batang 'to. Kaya ang ginawa ko, mabilis ko siyang hinila patungo sa banyo at nag-peace sign sa lahat ng mga nakarinig.
"Is everything okay?" Nagulat ako nang sundan kami ni Josh.
"Yeah, narinig mo naman siguro. Natatae lang 'yong bata."
"Bakit sumigaw pa siya?"
Kasi masyado akong busy kaka-usyuso sa inyong dalawa ng ex mo imbes na asikasuhin ang call of nature ng bata, gusto ko sanang sabihin pero hindi pwede. Nakakahiya kasi.
"Trip niya," sa halip ay sabi ko. Hindi ko rin naitago ang coldness sa boses ko. I didn't want to talk to him. Masyado pa akong nagseselos. Siguro bukas na lang 'pag naka-recover na ako.
"Do we have a problem?" he gently asked.
"Huh? Wala, ah." Humilig ako sa dingding at nag-iwas ng tingin. Hindi ako pwedeng tumitig sa gwapo niyang mukha kasi baka ma-distract na naman ako.
"C'mon, you can't fool me. I know you too well."
"Well, maybe you don't know me enough."
"That's it. We really have a problem," aniya sa siguradong tono. "Tell me what's bothering you."
"Wala nga, eh. Ba't ba ang kulit mo?" Taray, babaeng-babae ang pakiramdam ko, mga bakla. Pakihawakan naman ang dulo ng hair ko. Ang haba, eh.
"Because you're clearly bothered by something."
"Someone," I corrected him pero pwet ko lang yata ang nakarinig sa hina ng boses ko.
"Ano?"
"Wala."
"Bas." He gave a deep sigh to extend his patience.
Sorry siya, wala siyang karapatang mainis sa'kin. Ako lang ang may karapatang mag-beastmode dito dahil ako ang nagseselos at nai-insecure dahil sa pochang napakagandang dyosa niyang ex. Magkano ba'ng plane ticket pa-Thailand? Kailangan kong lumaban!
"Bumalik ka na sa party, Josh. Hinahanap ka na do'n."
"Not until you tell me what's wrong."
"Wala nga, eh. Everything's perfectly fine. It's a beautiful evening! Shining, shimmering, splendid! Ang ganda-ganda, grabe! Hooo!"
He eyed me suspiciously.
"Something's clearly bothering you. If you want this to work, we have to be open with each other. Sabihin mo sa'kin kung ano ang problema so we can address the issue right away."
BINABASA MO ANG
Romancing Josh
RomanceALLUSTREA MEN Series I: Josh Gabriel Heraldez When his sister died after giving birth, walang choice si Bas kundi ang alagaan ang pamangkin niya sa murang edad. Napalaki naman niya ito ng maayos dahil sa pagsusumikap niya. Her niece, Edeline, grew u...