XLIV:
Yes...Finally!
***
JOSH'S POINT OF VIEW
KONTI na lang at makakalapit na kami sa yate kung saan ikakasal si Bas. It was hard since maliit na bangka lang ang sinasakyan namin at medyo maalon ng konti. Pero wala akong pakialam. I was growing impatient. Gusto ko lang talagang makapunta do'n kahit hindi ko naman alam kung pa'no ako makakasampa sa yate. Sisigaw na lang siguro ako. Ah, 'ewan. Basta bahala na. I have to do something.
"Parang ayoko na yatang ma-in love," biro ni Ice na sobrang chill lang na nakaupo at nagse-selfie pa para daw sa fans niya.
"Tanga, matagal ka ng in love," pambabara ko naman sa kanya.
"At least hindi ako umabot sa ganitong point."
"Tingnan natin kung ano ang gagawin mo 'pag hindi napunta sa'yo si James."
He knocked on the wood."Kuya Josh, ano ba, 'wag ka ngang magsalita ng ganya'n. Baka magkatotoo."
Napansin kong malapit na kami sa yate. Pinatay na ng bangkero ang makina at ako naman ay nagsimula ng mag-isip ng paraan kung pa'no ko makukuha ang atensyon ni Bas. May napansin kaming maraming tao sa yate. Mukhang nagsisimula na ang kasal. Fuck, baka nakapag-I do at exchange of vows na sila.
"Am I too late?" nagpa-panic kong tanong.
"Pa'no mo malalaman kung hindi mo siya tatawagin?" kalmadong sagot ni Cade.
I hate the fact na parang ako lang ang nag-aalala dito. Oo nga naman, this was none of their concern. Lovelife ko naman 'to, hindi kanila. Pero maski na. Makiramay naman sana sila.
"I don't know what to do. Pa'no ko siya tatawagin? Maririnig niya ba ako?"
"Kung mahal ka niya, maririnig ng puso niya ang pagtawag mo," sagot ni Ice na tawang-tawa. "Did I just say that? Fuck! 'Wag mong ipagkakalat sa fans ko 'yon, ah. Ang corny."
"Can you take me seriously? Namumroblema na nga ako dito, nagagawa mo pang magbiro."
"I wasn't joking, 'bro. You should try calling him. Sumigaw ka ng napakalakas kung kinakailangan. Kahit mamaos ka, sumigaw ka pa rin."
"Ano'ng isisigaw ko?""Darna!"
Susugurin ko na sana si Ice para upakan pero bigla namang gumalaw ang bangka. Oo nga pala, hindi kami pwedeng maglikot masyado kung ayaw naming bumaliktad ang sinasakyan namin. Pero humanda talaga sa'kin mamaya si Ice. Makakatikim talaga 'yon ng suntok.
"Bas!" I screamed at the top my lungs. Bahala na kung nagmumukha na akong tanga dito. I screamed his name again and again but to no avail. For sure, malakas ang music do'n sa yate at hindi na nila ako maririnig.
"Kuya Cade, 'di ba invited ka sa kasal? Then why are you here?" tanong ni Ice.
"Josh needs me more."
"Gago. Ipinagpalit mo ang libreng pagkain sa reception mamaya para tulungan ang hopeless romantic kong kuya?" pang-aasar ulit ni Ice. Sinamaan ko nga ng tingin.

BINABASA MO ANG
Romancing Josh
RomanceALLUSTREA MEN Series I: Josh Gabriel Heraldez When his sister died after giving birth, walang choice si Bas kundi ang alagaan ang pamangkin niya sa murang edad. Napalaki naman niya ito ng maayos dahil sa pagsusumikap niya. Her niece, Edeline, grew u...