XX:
Cade Heraldez***
BAS' POINT OF VIEW
THE president's body was deteriorating. Habang tumatagal ay mas lalong tumataas ang tensyon sa paligid. Lahat ay kabado sa bawat update na binibigay ng doktor. Saglit akong nakasilip sa silid kung saan ito naroon pero hindi ako pumasok. I saw him attached with a lot of apparatus na tila iyon na lang ang mga rason kung bakit humihinga pa ito.
Josh was trying to look strong and unaffected pero hindi niya ako maloloko. Ramdam ko ang takot at pag-aalala niya which was understandable.
"Thank you for staying beside Kuya Josh," sabi ni Ice na umupo sa tabi ko sa labas ng ICU. "Alam ko na hindi na 'to parte ng trabaho mo bilang secretary niya."
"Ano ka ba, hindi mo naman kailangang magpasalamat. Kaibigan rin niya ako kaya handa akong dumamay. He needs me right now. And I know you need me, too. Kaya kung gusto mo ng makakausap, andito lang ako."
He gave me a gentle smile.
"Thank you. How I wish I have time para makapag-focus sa sitwasyon ng pamilya namin ngayon. But in a few hours, kailangan ko ng umalis para mag-record ng kanta."
"Ano? Eh halos wala ka pang tulog, ah."
"I don't have a choice but to sing. It's my job and we have a schedule to follow." Kita ko ang pagod sa mukha niya. Do'n ko napagtanto na hindi gano'n kasarap ang buhay ng mga sikat na singers kagaya niya. They have to stay professional despite their personal issues in life.
"Kaya mo pa bang kumanta? I know you have a great voice but I'm not sure if you can still sing that well kung wala kang pahinga."
"Bahala na ang producer kong mag-decide kung itutuloy namin ang recording o hindi. What's important is for me to show up."
"Siguro naman nakita nila sa news ang nangyari sa lolo n'yo. They'd surely understand kung hindi ka makakarating do'n."
"Yeah, I'm sure they'd understand. But, you see, for the longest time, a lot of people thought that I made it big because of my family's influence. My haters never took my talent and passion seriously dahil sa tingin nila sumikat lang naman ako dahil apo ako ng presidente."
"They're called "haters" for a reason."
"But still, I want to prove them wrong." Kita ko ang lungkot at frustration sa mukha niya. "Pero 'ewan ko ba, I already made it big in the international scene. Successful na ako maging sa ibang bansa. Pero parang hindi pa enough iyon para maniwala sila na deserve ko ang success na tinatamasa ko."
"Hindi ka talaga magiging masaya at kontinto kung nagpupursige ka para sa mga utak-talangka mong haters. Passion mo ang pagkanta and you're working hard to make your fans happy. Sapat na iyon for you to believe that you deserve to be a successful artist. Hindi nila kailangang maniwala na deserving ka. Ang importante, naniniwala ka sa sarili mo."
He gave me a lopsided smile.
"Finally, alam ko na rin kung bakit ka kinuha ni Kuya Josh na secretary."
"Huh?" I gave him a puzzled look.
"Hindi ko alam kung inuuto mo lang ako or something, but you sure do know how to make someone feel better."
I wasn't sure if I should be flattered sa sinabi niya o maiinis ako dahil inakala niyang inuuto ko lang siya. Here I was, giving him strength and words of encouragement, 'tapos sasabihin niyang inuuto ko siya? Aba, gago. Swerte siya, nakikisimpatya ako sa sitwasyon niya. Kung hindi lang dahil sa pinagdadaanan ng pamilya nila, makakatikim talaga siya ng suntok sa'kin. Aba, babakla-bakla lang ako, pero malakas akong sumuntok.
BINABASA MO ANG
Romancing Josh
RomanceALLUSTREA MEN Series I: Josh Gabriel Heraldez When his sister died after giving birth, walang choice si Bas kundi ang alagaan ang pamangkin niya sa murang edad. Napalaki naman niya ito ng maayos dahil sa pagsusumikap niya. Her niece, Edeline, grew u...