XLII:Two Rings
JOSH'S POINT OF VIEW
HINDI ko na mabilang kung ilang beses kong naisipang kalimutan na lang ang plano. Bakit ba kasi pumasok pa sa isip ko iyon? May ibang paraan pa naman siguro para ipa-realize ko kay Bas that he needed to trust me more. Hindi na naman siguro kailangang ganito na kailangan kong magpanggap na ayoko na sa kanya. But I reminded myself that this was going to be worth it.
"Cade, ano, wala pa rin bang update?" inis na tanong ko sa pinsan ko when I called him first thing in the morning. I was inside my office, preparing for a meeting na magsisimula in a few minutes. Pero kailangan ko munang makausap ang pinsan ko bago umpisahan ang trabaho.
"Kailan ka pa naging makulit, Josh? You gotta stop pestering me first thing in the morning," he replied in an annoyed tone. But I didn't care kung nabubwisit na siya sa kakulitan ko. It's been three days at hindi pa rin niya ako binabalitaan.
"Magpu-propose na ako in two days. Kailangan kong malaman kung handa na ba ang lahat."
I have played a big role para magkatuluyan sila ni Claude kaya nangako siya sa'kin noon na tutulungan niya ako kay Josh. Kaya naman hiningi ko ang tulong niya para sa proposal ko kay Bas. He agreed since he owed me his lovelife in some ways. Ang sabi pa niya, siya na raw ang bahala sa lahat ng preparations. Ang kailangan ko na lang daw gawin ay sumipot sa venue na may dalang singsing.
He sounded really confident that he could really get the job done. But I was growing impatient because he wasn't giving me any updates. Gusto ko na tuloy magduda kung ginagawa nga ba niya ang trabaho niya.
"Relax, I've got everything covered."
"Siguraduhin mo lang. Paghihiwalayin ko talaga kayo ni Claude 'pag pumalpak ka."
"That's hardly gonna happen. Pero 'wag kang mag-alala, mangyayari ang proposal."
He didn't sound so reassuring kaya hindi pa rin ako mapakali. He ended the call kasi may kailangan pa raw siyang gawin. Kaya naman tinawagan ko si Max para kamustahin ang kalagayan ni Bas. I was worried that he was still brokenhearted at baka napapabayaan na niya ang trabaho niya.
"Ang kapal ng mukha mong tawagan ako!" Iyon kaagad ang sinalubong ni Max sa'kin. I grinned when I realized how loyal he was. "Sinaktan mo ang kaibigan namin 'tapos maglalakas-loob kang tumawag sa'kin? Aba, iba ka rin talaga, eh! Ano'ng kailangan mong gago ka?!"
"Max, please calm down."
"Calm down? Pa'no ako kakalma kung sinaktan mo si Bas? Wala akong pakialam kahit gwapo, mayaman at marami kang pandesal. Sinaktan mo si Bas kaya warla tayo, Josh!"
"Gusto ko lang namang kumustahin si Bas."
He laughed sarcastically.
"Ang kapal-kapal ng mukha mo! May gana ka pang mangumusta?! Wow! Iba rin, eh! Pero sige, pagbibigyan kita. He's doing great. Tapos na sa pag-e-emote ang kaibigan namin. He's over you."
"What? Ilang araw pa lang, ah." Hindi ko naiwasang maalarma.
"Aba, may masama ba kung ayaw niyang mag-drama ng matagal? Masama ba kung na-realize niya agad na sayang ang luha niya kung patuloy siyang iiyak para sa isang gagong katulad mo? Naka-move on na ang kaibigan namin kaya sana lang 'wag mo na siyang guguluhin pa."
Ba't parang gano'n naman yata siya kabilis naka-move on? Did he really love me? I mean, hindi naman sa ayokong maka-move on siya, ah. Hindi rin naman sa gusto ko siyang masaktan ng matagal. Pero nakakapagtaka lang na gano'n siya kabilis naka-recover.
BINABASA MO ANG
Romancing Josh
RomanceALLUSTREA MEN Series I: Josh Gabriel Heraldez When his sister died after giving birth, walang choice si Bas kundi ang alagaan ang pamangkin niya sa murang edad. Napalaki naman niya ito ng maayos dahil sa pagsusumikap niya. Her niece, Edeline, grew u...