XI:
Vulnerable Josh***
BAS' POINT OF VIEW
MAGLI-LIMANG minuto na yata akong nasa kusina at umiinom ng fresh milk. Hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Well, sino ba naman ang aantukin 'pag nakita mo si Josh na nagpe-play ng piano habang shirtless? It was the best and sexiest sight ever kahit silhouette lang iyon.
Naisipan kong bumalik na sa kwarto para subukan ulit matulog. Bahala na. Kung kailangan ko ulit magbilang ng tupa, eh 'di magbibilang ako.
Pero habang pabalik ako sa sala ay nadaanan ko na naman si Josh. He was still sitting in front of the piano. Hindi na siya tumutugtog, sa halip ay nakatingin lang sa kawalan. Mukhang malalim ang iniisip.
"Hindi ka pa ba matutulog?" Lumingon siya sa direksyon ko nang nagsalita ako.
"Maybe later."
"Matulog ka na, maaga ka pang gigising para magtrabaho bukas."
"Are you my mother?"
"Ang layo." Hindi ko tatanggapin na maging si Donya Botox Queen. Never!
"Then just mind your own business."
It was supposed to be my cue to back off and let him be, but I couldn't. Siguro matigas lang talaga ang ulo ko. Pero alam kong malungkot siya at kailangan niya ng makikinig sa kanya. So instead of going back to my room, I walked towards his direction. Tumayo ako sa tabi ng piano kaharap niya.
Dahil nga madilim, hindi ko gaanong maaninag ang mukha niya. Pero bakas na bakas pa rin ang matangos niyang ilong, ang mahaba niyang pilikmata at ang panga niyang sobrang sexy tingnan. Kita ko ang pagtaas-baba ng kanyang Adam's apple at ang malalalim niyang paghinga.
"What do you want?" tila pagod niyang tanong.
"Malungkot ka," I said matter-of-factly.
"I'm not," he denied and met my gaze. Pocha, para akong malulunod sa lalim ng titig niya. Napalunok ako sa sarili kong laway dala ng sobrang nerbyos. "Matulog ka na lang at hayaan mo ako dito."
"Kahit utos mo 'yan bilang boss ko, hindi ko pa rin 'yan gagawin. You know why? Because I've been sad a lot of times. Naranasan kong maging malungkot na walang kahit na sinong nakikinig sa'kin kasi nga wala na ang nag-iisang kapamilya ko. Kahit may mga kaibigan ako at kahit may Edeline rin sa buhay ko, iba pa rin 'pag si ate ang kausap ko. Iba pa rin 'pag kausap mo ang isang taong sigurado kang makakaintindi sa'yo."
"And you think you can understand me? You barely know me, Bas."
"Try me," nakangiti kong sagot habang pilit na tinatago ang kaba.
Umiling siya.
"No one ever understood me. Not even my own family."
"Iba sila, iba naman ako." I was really determined to help him. Hindi ko alam kung bakit gano'n na lang ang determinasyon kong tulungan siya. Dahil ba crush ko siya? "Trust me, gagaan kahit papa'no ang loob 'pag ikinwento mo sa iba."
"I'd rather not talk about it. I appreciate the offer, pero okay ako."
"Kung ayaw mong magkwento, then hayaan mo na lang akong tulungan kang makatulog."
"Pa'no mo naman ako tutulungan, eh ikaw nga mismo, hindi makatulog."
"Kung anu-ano ang trip ko 'pag hindi ako inaantok."
"What are you planning to do?"
Hindi ako kaagad nakasagot. Tumahimik ako saglit at nag-isip.
"Aha! Alam ko na!"
![](https://img.wattpad.com/cover/187424988-288-k778567.jpg)
BINABASA MO ANG
Romancing Josh
RomanceALLUSTREA MEN Series I: Josh Gabriel Heraldez When his sister died after giving birth, walang choice si Bas kundi ang alagaan ang pamangkin niya sa murang edad. Napalaki naman niya ito ng maayos dahil sa pagsusumikap niya. Her niece, Edeline, grew u...