XVI:
Good Parenting 101***
JOSH'S POINT OF VIEW
I HAVE NEVER felt this happy in my entire life. The kind of happiness that felt like my life was headed on the right track. Pakiramdam ko, tama ang lahat sa buhay ko. I have done something for myself and it felt so rewarding.
Matagal na akong nakakaramdam ng kakaiba 'pag kasama ko si Bas. At first, I thought I was just fond of him. I mean, it wasn't hard to like someone like him. He was so bubbly and funny. Parang kahit na anong mabigat na sitwasyon ay kaya niyang pagaanin. Akala ko natutuwa lang ako sa kanya.
Until one day, I found out that his effect on me was getting stronger. Hindi na normal. Parang hindi nabubuo ang araw ko 'pag hindi ko siya nakikita o naririnig, which wasn't so hard to fulfill since he was my secretary and he was required to work closely with me everyday. Mas lalo kong napagtanto na nagkakagusto na ako sa kanya when I started being possessive no'ng nakita ko siyang kausap si Chris.
I didn't want to see another man being with him. The thought of him falling for someone else didn't sit well with me. Trust me, I've never been jealous, pero nagawa akong pagselosin ni Bas.
"Okay ka lang?" nakangiti niyang tanong nang lumapit siya sa'kin sa kinauupuan kong bench sa lilim ng isang puno. Inabutan niya ako ng bottled water.
"Yeah, I'm good. Thanks." Tinanggap ko ang tubig at ininom iyon since kanina pa ako nauuhaw dahil sa init ng panahon. "Where's Edeline?"
"Naglalaro sila ng mga kaklase niya."
Family Day na sa school nila at kasalukuyang nagkakaro'n ng thirty-minute break bago ang susunod na game. I never thought I would attend this kind of event, but if meant spending time with my niece and Bas, so be it.
"Ang galing mo sa sack race kanina, ah," natatawa niyang sabi at tumabi sa'kin.
"Magaling? Eh, natalo nga kami."
"Naka-third place naman kayo. Hindi 'yon talo."
"'Pag hindi first place, talo 'yon para sa'kin."
He chuckled at napalingu-lingo. Kung iba siguro ang gumawa n'on, baka nainis na ako. Pero si Bas ang pinag-uusapan natin dito, eh. He was an exception to almost every rule I have set in my life.
"Tanggalin mo nga ang ganya'ng klase ng mentality. Maging masaya ka at matuto kang i-appreciate ang mga achievements mo."
"Yeah, small achievement."
"There's no such thing as small or big achievements. Basta achievement, period."
"Fine." Itinaas ko ang mga kamay ko tanda ng pagsuko. "Talo na ako, attorney."
Natawa siya at tinampal ako.
"Gago!"
Natigil lang kami sa pagbibiruan nang biglang lumapit si Edeline sa amin. Mukhang wala siya sa mood dahil nakabusangot ang mukha niya. Naupo siya sa gitna naming dalawa ni Bas.
"Hey, what's wrong?" nag-aalala kong tanong.
"Ba't parang bwisit na bwisit ka?" tanong naman ni Bas.
"Watch your mouth, please."
"Hindi ko nga makita ang bibig ko," was his sarcastic reply and rolled his eyes. Imbes na mainis, bahagya na lang akong natawa. "Baby, may umaway ba sa'yo?"
![](https://img.wattpad.com/cover/187424988-288-k778567.jpg)
BINABASA MO ANG
Romancing Josh
RomanceALLUSTREA MEN Series I: Josh Gabriel Heraldez When his sister died after giving birth, walang choice si Bas kundi ang alagaan ang pamangkin niya sa murang edad. Napalaki naman niya ito ng maayos dahil sa pagsusumikap niya. Her niece, Edeline, grew u...