XXVIII:
Always A Heraldez
***
BAS' POINT OF VIEW
THE plan has been made. Two days from now ay palalabasin namin na magbabakasyon kami sa Baguio kasama si Edeline. Pero ang totoo, makikipagkita kami kay Kuya Rafael para ipakilala silang mag-ama sa isa't-isa. Alam kong mahirap iyon para kay Josh dahil napamahal na rin siya sa pamangkin namin, pero kailangan niyang gawin kung ano ang tama.
I honestly didn't know where would this leave me. For sure, kailangan ko na ring umalis sa mansyon ng mga Heraldez kung wala na si Edeline. Pero hindi rin ako sigurado kung gusto ko bang sumama kay Kuya Rafael. Masyadong magulo ang buhay niya ngayong plano niyang maghiganti. Hindi ko alam kung tama ba na makasama ni Edeline ang isang ama na puno ng galit ang puso.
"Before I let her go, I wanna spend more time with her," seryosong sabi ni Josh pagkatapos naming planuhin ang pagkikita nina Edeline at Kuya Rafael.
"Sure."
"Mami-miss ko siya. She's such a lovely kid at napamahal na siya sa'kin."
Gusto ko sanang itanong kung si Edeline lang ba ang mami-miss niya? Ako ba, hindi niya ba ako mami-miss? Hindi ba siya napamahal sa'kin? Attraction lang ba talaga ang naramdaman niya kaya may nangyari sa amin? Was I the only one who fell in love? Hindi rin ba niya ako nagawang mahalin pabalik?
But those questions were'nt necessary since we're about to part ways. Once na ibinigay na namin si Edeline sa ama niya, wala ng koneksyon sa aming dalawa. Edeline was our only connection kaya kami nagkakilala at nagkasama. Without her in between us, there wouldn't be an us.
"Mag-bonding kayo. Pwede mo siyang ipasyal sa mall, mag-swimming kayo o 'di kaya mag-roadtrip. I'm sure magugustuhan 'yon ni Edeline."
"We'll stay in my resthouse tomorrow. Nasa isang isla iyon dito sa Allustrea."
"May resthouse ka?" Hindi ko alam kung bakit pa ako nagulat. Syempre, he was a millionaire who could buy anything. Hindi na rin ako magtataka kung sa kanya ang buong islang iyon.
"Yes. Pumunta tayo do'n."
"Tayo? Akala ko ba, si Edeline lang ang gusto mong makasama?"
"She'd want you to be there as well."
She'd want me to be there... not him. Hindi niya ako isasama dahil gusto niya akong makasama. Iniisip lang niya ang gusto ni Edeline. Oo nga naman, bakit ba kung anu-ano ang iniisip ko? We're done. Tinanggap ko na iyon, 'di ba? I've already made peace with the fact that we had was too good to be true, and it was over. Pina-experience lang sa'kin kung paano mapagtuunan ng pansin ng isang Josh Heraldez. Ngayong na-experience ko na, I shouldn't ask for more.
"Kayo na lang. Wala ako sa mood gumala."
"Bas..." He sighed. "I know I've hurt you and said a lot of awful things to you. But can we please forget about our own issues and focus on Edeline? Kahit pansamantala lang."
"You're making it sound like this is all my fault. Sino ba ang nanakit sa'tin?"
Hindi ko magawang salubungin ang tingin niya. Tumayo ako at tumingin sa bintana. This was a hard conversation. Sobrang fresh pa kasi ng sakit na dinulot niya sa'kin, 'tapos heto siya, asking me to temporarily forget about our issues for the sake of our niece. It made sense, but still, it was unfair. How could he say that gayu'ng ako ang nasaktan dito? Gago pala siya, eh.
BINABASA MO ANG
Romancing Josh
RomanceALLUSTREA MEN Series I: Josh Gabriel Heraldez When his sister died after giving birth, walang choice si Bas kundi ang alagaan ang pamangkin niya sa murang edad. Napalaki naman niya ito ng maayos dahil sa pagsusumikap niya. Her niece, Edeline, grew u...