VIII:
Fairytales***
BAS' POINT OF VIEW
HININTAY kami ni Edeline na makauwi dahil hindi raw siya makatulog. Nag-alala na nga ang mga katulong kasi ayaw nitong pumasok pumasok sa room nito 'pag wala ako. Sabi na nga ba, eh. May pa-dinner-dinner pa kasing nalalaman si Josh, pwede namang sa mansyon na lang kami mag-hapunan. Tsaka kasalanan rin niya kung bakit kami natagalan. Masyadong subsob sa trabaho ang gago, eh.
"O, since nandito na ako, siguro naman matutulog ka na?" marahan kong sabi nang pumasok kami sa kwarto niya.
"Yes po." Naunang humiga si Edeline sa kama. "But I want to hear a bedtime story po, Tito."
"You shouldn't make her believe in fairytales. As early as now, dapat alam na niya ang realidad."
Nagulat ako nang narinig ang boses ni Josh sa likod ko. Hindi ko namalayang sumunod pala siya sa'min.
"Ano ba, 'wag ka ngang KJ," saway ko habang naghahanap ng story book na pwede kong basahin.
"What's wrong with fairytales, Tito Josh? Bad po ba 'yon?"
"Ay naku, 'wag mong pakinggan ang Tito Josh mo. Pinaglihi 'yan sa sama ng loob kaya bitter sa life."
"Like ampalaya po?"
"Tompak. Parang ampalaya."
"I'm not bitter," tila iritadong sagot ni Josh. "And no, princess, fairytales aren't bad. But they're nothing but a bunch of lies."
"Po?" Her eyes widened. Sabi sa inyo, eh. Eksaherada ang pamangkin ko.
"Yes, fairytales aren't true. Hindi mo pa maiintindihan kasi bata ka pa. But it's important that as early as now, hindi ka na magpapadala sa ilusyon na binibigay ng mga fairytale."
"I don't understand po. Six pa lang ako."
"Normal ka, baby. Ako nga, ang tanda-tanda ko na, 'di ko pa rin gets ang ka-bitter-an ng tiyuhin mo." Naupo ako sa tabi ni Edeline dala ang isang story book. "O, sige na, time for bedtime story na. Ito na lang munang Cinderella. Alam kong nabasa ko na ang story na 'to sa'yo, pero wala na akong ibang makita, eh."
"Gawa na lang po kayo ng sarili n'yong story. I don't want to listen to her story again po."
"Ah, gano'n?" Tumaas ang kilay ko. "Gagawin mo pa akong writer?"
"You made a story for me before, 'di ba po?"
Naalala ko nga na isang beses ay gumawa ako ng impromptu na bedtime story para sa kanya kasi wala na akong budget para bumili ng bagong story book.
"Nakaka-stress ka talagang bata ka. O, s'ya, sige na nga."
Nahiga siya habang si Josh naman ay nakaupo sa sofa bed na nasa gilid ng kama. I didn't expect him to stay. Ang akala ko nga ay didiretso na siya sa kwarto para magbihis 'tapos ay haharap na naman sa laptop para magtrabaho. Ano naman ang makukuha niya sa panonood sa'kin na nagpapatulog sa pamangkin namin?
But he stayed. He even gave me an amused look which made my heart beat so fast. Ang awkward. Parang hindi gumagana ang utak ko para gumawa ng kwento habang nakatingin siya. Naiilang kasi ako.
"Tito, start na," mahinang sabi ni Edeline. Ang demanding ng batang 'to, ka-lurkey!
"Okay, okay. Chill ka lang. Ehem." Nag-iwas ako ng tingin kay Josh para hindi ako ma-distract sa kagwapuhan niya. "Once upon a time, may isang prinsipe mula sa isang malayong kaharian na kinakatakutan ng mga tao sa paligid niya."

BINABASA MO ANG
Romancing Josh
RomanceALLUSTREA MEN Series I: Josh Gabriel Heraldez When his sister died after giving birth, walang choice si Bas kundi ang alagaan ang pamangkin niya sa murang edad. Napalaki naman niya ito ng maayos dahil sa pagsusumikap niya. Her niece, Edeline, grew u...