10th Chapter

8.7K 439 81
                                    

X:
The Other Side of Josh

***

BAS' POINT OF VIEW

JAW-DROPPING. Who would've thought na mami-meet ko pala ang isang sikat na singer sa gabing iyon? But yeah, iyon nga mismo ang nangyari. I met Isaiah "Ice" Heraldez, ang bunsong kapatid nina Kuya Rafael at Josh. And, as expected, he was as gorgeous as his brothers. Kung makalaglag-panty na siya sa TV at sa mga videos niya sa Youtube, how much more in person?

Don't get me wrong, si Josh pa rin ang crush ko. But Ice... he was on a different level. It felt like his presence was larger than life, and I'm not exaggerating. Sobrang nakaka-starstruck talaga siya.

"I like your new secretary, kuya. He's very funny," natatawang sabi ni Ice habang hinahatid kami sa table namin. He was so humble and accomodating. Siya pa mismo ang nag-welcome sa'min pagkapasok namin sa restaurant.

"Yeah, he can also be annoying sometimes."

"Sir naman, 'wag n'yo naman akong sinisiraan sa kapatid n'yo," pabiro kong sita.

"O, akala ko ba hindi mo 'ko tatawaging sir 'pag hindi office hours?"

Kung pwede ko lang sanang kurutin sa singit si Josh, ginawa ko na. Sa halip ay pasikreto ko na lang siyang siniko. Nakakahiya kasi kay Ice. Baka isipin niyang wala akong respeto sa kapatid niya.

"Mukha namang bagay kayo," tuwang-tuwang sabi ni Ice.

"I'm straight," iritadong sagot naman ni Josh.

"Hindi ko naman sinabing romantically. Si Kuya, masyadong defensive," natatawang wika nito. "I mean bagay kayo bilang boss and secretary. Nagku-compliment ang personalities n'yo. And I think that's really great since you would be able to work well together."

"Pagpasensyahan n'yo na ang kuya n'yo, sir. May crush kasi 'yan sa'kin kaya masyadong defensive."

Sabay kaming natawa ni Ice. Mukhang mas magkakasundo yata kami.

"Oh, please, just call me Ice. Hindi ako komportable na sini-sir ako."

"Okay, Ice."

"So, here's your table."

Nasa pinaka-center iyon ng restaurant. Nakahanda na ang mga pagkain do'n na sa sobrang sosyal ay hindi ko na alam kung ano ang tawag. Basta mukhang mamahalin at maganda ang presentation.

"Thanks, Ice," pormal na sabi ni Josh at naupo na.

"Naku, sir, grabe naman ang customer service ng restaurant na 'to. Imagine, isang sikat na singer ang nag-welcome sa'min at hinatid pa kami sa table namin."

"I don't usually do this. But I have a huge favor to ask sa kapatid ko, kaya syempre, kailangang magpa-sipsip ng konti."

"No, Ice. Kahit magpa-sipsip ka nang magpa-sipsip sa'kin, you can't use my choper dahil kailangan ko iyon sa trabaho."

"Kuya naman. Isang araw lang naman, eh."

"Magpapa-impress ka lang sa babae mo, iistorbohin mo pa 'ko?"

"No, it's not like that. 'Di ba nga, sabi ko sa'yo, may gusto akong bilhing isla somewhere in Palawan? Gusto kong i-check if it's worth my money kaya hihiramin ko ang choper para less hassle."

"Asa'n na ba kasi ang choper mo?"

"Sira nga, 'di ba?"

"Eh 'di ipaayos mo. Ang yaman-yaman mo, 'wag mong sabihing wala kang pampaayos n'on? You can probably buy a new one right this moment."

Romancing JoshTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon