XXI:
Wasted Josh***
BAS' POINT OF VIEW
NAPANSIN ko ang pagiging tahimik ni Josh mula nang ma-ospital ang lolo niya. He was acting colder than usual. Halos hindi ko na rin siya nakakausap na hindi tungkol sa trabaho. Alam kong may kinalaman iyon sa sagutan nila ni Cade. Hindi na rin kasi siya pwedeng pumunta sa ospital dahil ayaw siyang payagan ng daddy niya. He was extremely worried about his grandfather's condition and he was left with no choice but to rely on the news as if he was not part of the family.
I was worried but I didn't know what to do. Even my sense of humor didn't help to make him feel better. Palagi akong nagpapatawa at sinusubukan siyang pangitiin tuwing nakakausap ko siya, but he would simply give me a forced smile.
"Why is Tito Josh sad po?" tanong ni Edeline isang gabi habang pinapatulog ko siya.
"Is he?" patay-malisya ko namang tanong.
"Opo. He's not the same na po kasi, eh. Hindi na siya ngumingiti at hindi na rin siya nakikipaglaro sa'kin."
"Busy lang sa trabaho. Tsaka alam mo naman ang nangyari sa lolo n'yo, 'di ba?"
"I hope and I pray that he gets well soon po. Lolo said I'm beautiful daw po at kamukha ko daw ng daddy ko."
"Tama siya."
"Can I see my dad's picture po?"
Nanlamig ako sa sinabi ng pamangkin ko. For the past years, she never asked for her parents' pictures. Nakontinto na siya sa mga kwento ko tungkol sa mga magulang niya pero kahit kailan ay hindi naman siya naging curious sa hitsura ng mga ito. Basta nakikinig lang siya at nagtatanong ng kung anu-ano.
"Do you want to see his face?"
"Opo. At tsaka po si Mommy. Alam ko naman po na nasa heaven na sila, but I still want to see them kahit sa picture lang."
Parang kinukurot ang puso ko sa mga sinasabi ng pamangkin ko. Despite the fact that I did my best to raise her well, hindi maiiwasan na mangulila pa rin siya sa tunay niyang mga magulang. Kung sana hindi siya iniwan ni Kuya Rafael. Kung sana kasama lang niya ang ama niya ngayon, baka hindi ganito kalungkot ang pamangkin ko.
Napaisip na naman tuloy ako kung dapat ko bang sundin ang gustong mangyari ni Kuya Rafel. Tama ba na sumama kami sa kanya? Hindi ba iyon pagtatraydor kay Josh na tumulong na protektahan si Edeline? Pero mas may karapatan naman si Kuya Rafael na makasama si Edeline dahil siya ang ama nito.
'Ewan ko. Naguguluhan ako. Hindi ko na alam kung ano ang dapat kong gawin. Things were starting to become more and more complicated.
"Okay." Kinuha ko ang cellphone mula sa aking bulsa at binuksan ang picture nina Ate at Kuya Rafael na magkasama sa isang beach. Buntis pa si Ate sa picture na iyon at nakaakbay naman si Kuya Rafael sa kanya.
"My 'mom is so beautiful po."
"Oo naman. Ate ko 'yan, eh. Kaya nga maganda rin ako."
"I agree, Tito Bas."
I pinched her cheek. "Asus, bolera. 'Yan naman ang gusto ko sa'yo, eh."
"And my 'dad is so handsome. Lolo was right. I look like him."
"Para kang girl version ng ama mo."
"Do you think they'd love if they were still alive po?"
BINABASA MO ANG
Romancing Josh
RomanceALLUSTREA MEN Series I: Josh Gabriel Heraldez When his sister died after giving birth, walang choice si Bas kundi ang alagaan ang pamangkin niya sa murang edad. Napalaki naman niya ito ng maayos dahil sa pagsusumikap niya. Her niece, Edeline, grew u...