12th Chapter

8.5K 444 69
                                    

XII:

Family Bonding

***

BAS' POINT OF VIEW

"JOSH?!"

I was beyond stunned to see Josh lying beside me that morning. Sino ba namang mag-aakala na tatabi siya sa'kin, 'di ba? Oo nga't assuming ako, pero kahit kailan ay hindi ko naisip na posibleng mangyari 'yon.

"Ang ingay mo," mahinang reklamo niya. His eyes were still half-closed.

"Ba't ka nandito?"

"Big deal?" Sinapo niya ang ulo at iritadong bumangon. "Kung alam ko lang na ganito ka pala kaingay sa umaga, sana hindi na lang ako dito natulog."

Alam kong gwapo siya, pero mga bakla, mas gwapo siya sa umaga! I mean, he looked extra hot with a messy hair. Jusko, bakit ang perfect niya?

"Bakit nandito na ako sa kwarto? Ang naaalala ko, nakatulog ako sa sofa. At tsaka bakit dito ka natulog sa kwarto ko?"

"I woke you up para palipatin sa kwarto pero ayaw mo. That's why I was left with no choice but to carry you here."

"Bakit pa? Pwede naman sanang sa sofa na lang ako. Sanay ako matulog sa kung saan-saan."

"A-ayokong may natutulog sa sofa," nauutal niyang sagot at nag-iwas ng tingin. Oh em gee... may hindi sinasabi si Mr. Sungit sa'kin!

"Pero ba't mo pa ako tinabihan?"

"Inabutan ako ng antok dito sa kwarto mo. At alam mo naman sigurong nahirapan akong matulog kagabi. Kaya sinamantala ko na ang pagkakataon na makatulog. Baka kasi mawala ang antok ko 'pag lumipat pa ako sa kwarto ko."

'Ewan ko ha, pero hindi talaga nagme-make sense ang mga rason niya. Parang mahirap paniwalaan. Hindi naman sa assuming ako... okay, fine, assuming ako. Pero nakakapagduda naman talaga ang rason niya, 'di ba? I didn't mind being carried by a Josh Heraldez and sleeping beside him but I just hope I knew the reason why. Nafu-fall na ba siya sa'kin? Chos!

"Hindi mo naman siguro ako ginalaw, 'di ba? Mukha lang akong malandi pero conservative talaga ako," biro ko pero sa seryosong tono.

Kumunot ang noo niya at parang gusto akong sapakin.

"You wish," inis niyang sagot at tumayo. Damn, hindi lang siya ang tumayo kundi pati ang... pocha, good morning, Jun-jun!

"Taray! Erect na erect, ah. Kulang na lang mag-salute," tukso ko.

"Normal lang 'yan sa umaga," he replied in a casual tone pero kita ko ang pamumula ng mukha niya. "Maligo ka na at magbihis. Marami pa tayong trabahong gagawin."

Umiling ako at binalot ang sarili ng comforter.

"Pwede bang mag-day off na lang muna tayo today? Bumabagyo naman, eh. Malamig ang panahon, ang sarap humilata buong araw. Nakakatamad kumilos."

"You're a secretary and I'm the boss. Kaya wala kang karapatang tamarin kung nagsisipag ang boss mo."

"Bakit naman kasi ang sipag-sipag mo? Hindi ba pwedeng mag-chill ka ng very light?"

"I don't have time to chill when I have thousands of employees who relies in me and in my company."

I sighed and rolled my eyes.

Pakonsensyahin ba naman ako sa mga kapwa ko empleyado. Syempre, ano naman ang laban ko do'n, 'di ba? I wanted nothing but the best for my fellow employees. Gusto kong lahat sila ay makinabang sa kasipagan ni Josh. Kaya maliit na sakripisyo lang naman siguro ang pagsabay ko sa kasipagan ng boss ko if it meant being able to help others. O, 'di ba, ang taray ko? Woman with a purpose ang drama.

Romancing JoshTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon