13th Chapter

8.3K 492 106
                                    

XIII:
Confession

***

BAS' POINT OF VIEW

JOSH was acting weird for the entire week. Hindi niya ako masyadong kinakausap, bagay na madalas naman niyang ginagawa, pero pakiramdam ko may kakaiba sa pagkakataong 'to. Ni hindi niya ako magawang tingnan nang diretso. 'Pag nagkakamali naman ako sa trabaho, hindi niya ako pinapagalitan. He would just ask me to fix things and would return to being cold again.

I didn't know what's wrong with him. Mula no'ng pumunta kami sa mall, mas malamig na ang pakikitungo niya sa'kin. Wala naman akong kasalanan sa kanya, ah. I tried to act as if I wasn't bothered. I shouldn't be bothered, right? Wala akong ginawang masama. Siya lang ang abnormal. Pero hindi naman pwedeng hindi ako mag-alala. He was my boss and we worked closely with each other so we needed to get along well.

"Hindi ako makakauwi sa Allustrea ngayon," aniya nang hapong iyon.

"H-huh? Bakit naman? Tapos na ang trabaho mo ngayon, 'di ba?"

"I have to attend the premiere night of Nikka's movie. I will be her escort," he answered without looking at me. Ano, mas kaaya-aya ba sa paningin ang monitor ng PC niya kaysa sa'kin?

I gave a deep sigh and reminded myself na wala akong karapatang magselos. Pero mahirap gawin iyon kung isang demonyitang babae ang makakasama niya tonight.

"Wala ba siyang leading man na pwedeng gawing escort?" hindi ko naitago ang iritasyon sa boses ko.

"Horror film 'yon at wala siyang kapareha."

"Horror film? Aba, bagay na bagay nga 'yon sa kanya. Siya ba ang halimaw sa pelikula?"

"No, siya ang bida."

"Ay, gano'n? Sayang naman. Bagay sana sa kanya ang maging halimaw. Hindi na niya kailangang um-acting. She just have to be herself."

 "If you hate her that much, hindi mo siya kailangang pagsalitaan ng masama sa harap ko."

Mas lalong sumama ang loob ko. Talagang kinampihan pa talaga niya ang impaktang 'yon. Totoo naman ang sinabi ko, ah. Halimaw naman talaga ang Nikka na 'yon. Magandang halimaw, pero halimaw pa rin. At nakakalungkot isipin na nagkagusto si Josh sa kagaya ng babaeng 'yon.

"Ay, oo nga pala. Nakalimutan kong girlfriend mo 'yon. Pasensya na," was my sarcastic response.   

"She's not my girlfriend."

"But you're dating her."

"Magkaiba 'yon."

"Duh. Parehas lang 'yon, 'no."

"Well, not for me."

He finally looked at me. He looked so stressed. Nanlalalim ang gilid ng mga mata niya, parang ilang araw na walang maayos na pahinga. Pero hindi naman nabawasan ang kagwapuhan niya. He still looked sinfully gorgeous. But still, hindi ko pa rin maiwasang mag-alala sa hitsura niya.

"You seriously need to sleep more," puna ko. "When was the last time you looked at yourself in front of the mirror? Hindi porke't gwapo ka, confident ka ng magkaro'n ng eyebags."

"I know how to take care of myself." He glanced at his computer again. "You can use the choper. Bukas na ako uuwi sa mansyon." 

"Fine," pagsuko ko. "May albularyo ba sa Allustrea?" 

"What?"

"Albularyo."

"Bakit ka naman naghahanap ng albularyo?"

Romancing JoshTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon