XL:
Plan***
BAS' POINT OF VIEW
TAMA si Josh, I should trust him more. Napakabilis para sa'kin na mag-assume na kaya niyang gawin sa'kin iyon. I didn't even consider the possibility na baka si Miracle lang talaga ang may kasalanan sa nangyari. Pero who could blame me? Gano'n ba naman ang inabutan ko sa opisina niya, natural magiging dragon ako.
Wala akong nasabi. Kinain na kasi ako ng konsensya. The table has turned dahil ngayon ay feeling ko ako naman ang may kasalanan. I should have given him the chance to explain himself yesterday. Dapat pinakinggan ko muna siya bago ako nagbitiw ng mga masasakit na salita.
Despite everything, pinagluto pa rin niya ako. Tahimik kaming pareho sa dining table habang sini-serve niya ang niluto niyang tocino, egg and fried rice. Gumawa rin siya ng kape para sa'ming dalawa. We ate in silence at parehong nagpapakiramdaman. I wanted to say something pero hindi ko alam kung pa'no o sa'n magsisimula.
Masyado naman kasi akong nagpaka-feeling maganda. Talagang ako pa ang may ganang makipaghiwalay sa kanya, ah. Iba rin talaga ang confidence level ko, eh. Aya'n tuloy, hinihiling ko na sana hindi ko na lang sinabi iyon. Shit. Baka masyado kong nasaktan si Josh at ma-realize niyang mas mabuti pa ngang maghiwalay na lang kami. Pocha, I just ruined my chance of having an happy ever after with the guy who truly loved me.
Ang tanga-tanga ko.
"J-Josh..." mahinang tawag ko sa kanya. Bahala na nga. Hindi ako pwedeng magpadala sa pride ko, or else, I would realy lose him. Kung kaya kong lunukin ang 'ano' niya, siguro naman kaya ko ring lunukin ang pride ko.
"Yes?" seryoso niyang sagot nang hindi tumitingin sa'kin. Nakayuko lang siyang kumakain habang hinihintay akong magsalita ulit.
Pero napipi na naman yata ako. Umurong na naman ang dila ko at hindi ko na naman alam kung ano'ng sasabihin ko.
Bas, ano ba! Mag-isip ka! Ayusin mo 'tong bakla ka. Aya'n kasi, ang arte-arte mo. Tingnan natin kung saan ka dadalhin niyang pagiging pabebe mo, sermon ng konsensya ko.
"S-sorry," halos pabulong kong wika na tila pwet ko lang ang nakarinig.
"What did you say?" Inabot niya ang tasa ng kape at uminom roon.
Bakit parang wala siyang ekspresyon? Was he really fed-up? Tinanggap na ba niya ang pakikipaghiwalay ko sa kanya? Juskooo!
"Sabi ko, sorry," ulit ko sa mas malakas na boses.
"For what?"
"F-for not trusting you," I honestly answered. Tama, lulunukin ko na ang pride ko. I would own my mistakes dahil wala rin namang magandang maidudulot kung patuloy akong magmamatigas. Oo nga, nasaktan ako. Pero wala naman talagang kasalanan si Josh. At kung tutuusin, it was not Miracle's fault either because she didn't know that Josh was already taken.
"Good thing at na-realize mo na. You should've trusted me more. You should've believed me when I said that I would never cheat on you."
"Kaya nga sorry na, 'di ba?"
"Sa'n ba ako nagkulang?" sumbat niya at tinitigan ako. I saw pain crossed his eyes and it hurt me in more ways I could imagine. I was the reason why he was hurting...because I easily judged him. I didn't trust him enough.
"H-hindi ka naman nagkulang. Nasa'kin lang siguro ang problema," mapagkumbaba kong sagot. My tears were threatening to fall pero pinigilan ko iyon. Wala akong karapatang umiyak. Ako ang humihingi ng sorry, ako ang may kasalanan, kaya dapat hindi ako umiyak. I should make him feel my sincerity. "Masyado lang siguro akong threatened kay Miracle."
![](https://img.wattpad.com/cover/187424988-288-k778567.jpg)
BINABASA MO ANG
Romancing Josh
RomanceALLUSTREA MEN Series I: Josh Gabriel Heraldez When his sister died after giving birth, walang choice si Bas kundi ang alagaan ang pamangkin niya sa murang edad. Napalaki naman niya ito ng maayos dahil sa pagsusumikap niya. Her niece, Edeline, grew u...