XIV:
Never Assume***
BAS' POINT OF VIEW
ACCOUNTING 101: Never assume unless otherwise stated.
Hindi lang naman sa accounting pwedeng mag-apply iyon. In our case, sobrang applicable n'on. What did Josh mean when he said he didn't like what he feels 'pag nakikita niya akong kasama si Chris? Ano ba ang nararamdaman niya? Galit, selos o inggit? All of the above? Baka naman, none of the above? 'Ewan ko.
Pero kung magiging assuming na naman ako, iisipin ko na it was an indirect confession. Para na rin niyang sinabi na may gusto siya sa'kin at nagseselos siya na nakikita akong may kasamang iba kasi gusto niya sa kanya lang ang atensyon ko. Pero babalik tayo sa isang rule sa accounting, never assume unless otherwise stated.
Kailangan kong marinig mismo sa bibig niya na gusto nga niya ako in a romantic kind of way. I didn't want to put meaning into his words, especially when he just left me after saying those words. Basta na lang siyang umakyat patungo sa kwarto niya pagkatapos akong ma-windang sa sinabi niya.
"You're unusually quiet," puna ni Josh habang nasa loob kami ng elevator the following day.
"H-huh? Medyo inaantok lang."
Napansin ko rin na pareho kaming mukhang puyat. Mabuti naman at hindi lang pala ako ang hindi nakatulog.
"You didn't get enough sleep?"
"Slight."
Tumahimik na siya hanggang sa bumukas ang elevator sa floor kung nasa'n ang opisina niya. All of the employees stopped their tasks and stood up to greet him. He simply nodded and walked straight to his office. I also offered them a smile at huminto sa desk ko na nasa labas lang ng office niya.
I turned on my PC at kinuha ang tablet kung sa'n nakalagay ang schedule niya for the day. May meeting siya two hours from now at alam na niya iyon. Kailangan ko lang siyang i-remind in a few minutes. Naupo muna ako sa desk ko at inayos ang mga kailangan kong gawin.
Nagulat na lang ako nang biglang may naglapag ng isang tasang kape sa mesa ko. Ang mas nakakagulat, kay Josh galing iyon.
"S-sir, ano 'to?"
"Kape," sagot niya na parang na-weirdu-han sa'kin. "Wala ka ngang tulog. Pati kape, hindi mo na kilala." That was supposed to be a joke but he sounded so serious kaya hindi ko alam kung pa'no iti-take iyon.
"No, I mean, bakit mo ako binigyan ng kape? Ako dapat ang gagawa ng kape mo. May inaayos lang ako sandali and then magtitimpla na ako."
"No need. I already made one for myself. Ginawan na rin kita."
"Bakit?"
"You're sleepy and I don't want you to be distracted dahil marami tayong kailangang gawin ngayon. It's going to be a busy day."
"I'm your secretary, you're not supposed to make coffee for me. Trabaho ko iyon."
"A simple thank you would suffice," seryoso pa ring sabi niya bagay na nagpakabog sa dibdib ko. Naalala ko na naman tuloy ang mga sinabi niya kagabi.
"Thank you," mahinang sabi ko.
"You're welcome." Tinalikuran na niya ako at bumalik sa loob ng opisina niya.
Napatanga ako at walang ibang ginawa kundi ang tumitig sa tasa ng kape na inilapag niya sa mesa ko. I couldn't believe it. Gusto kong kiligin pero hindi pa nagpa-process sa utak ko ang nangyari. Siguro mamaya, pwede na akong kiligin. Pero sa ngayon, nawi-windang pa rin ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/187424988-288-k778567.jpg)
BINABASA MO ANG
Romancing Josh
RomanceALLUSTREA MEN Series I: Josh Gabriel Heraldez When his sister died after giving birth, walang choice si Bas kundi ang alagaan ang pamangkin niya sa murang edad. Napalaki naman niya ito ng maayos dahil sa pagsusumikap niya. Her niece, Edeline, grew u...