7th Chapter

9.2K 455 57
                                        

VII:
First Day

***

BAS' POINT OF VIEW

HIS current secretary was a bubbly and plus-sized 35-year old fashionista named Amanda. Pagkarating pa lang namin sa opisina ay iniwan na ako ni Josh sa kanya para i-train.

I was in awe dahil sa ganda ng kompanya. Malinis, high-tech at dominant colors ang black, white and gray. The environment was quite intimidating, especially because of the people around us na mukhang walang bukas kung magtrabaho.

Napansin ko na ang stiff nila mula no'ng dumating si Josh. Lahat ay nakaharap sa PC na para bang kakainin ang kanya-kanya nilang computer. He was, indeed, a monster boss.

"Chill ka lang. Ganya'n talaga si Sir Josh, mala-demonyo kung umasta minsan. Pero mabait 'yan. Masyado lang talagang seryoso sa negosyo."

"Parang ang hirap yatang ma-imagine na mabait siya," pabiro kong sagot.

"Believe me, naiintindihan kita. I've been working for him since he was just starting at hanggang ngayon ay nagugulat pa rin ako sa mga sigaw niya," natatawa nitong wika. "But if you get to know him well, mare-realize mong mabait talaga siya. He has a soft spot for his employees. Lahat ng nagtatrabaho rito ay well-compensated at kung anu-anong perks and bonuses pa ang natatanggap."

"Dapat lang naman, 'no. Pambayad man lang sa trauma na dinaranas nila dito."

"He takes care of his employees. Nagagalit man siya kapag under pressure, he makes sure na hindi siya umaatake ng below the belt. He can be harsh but he knows how to control his temper. Lahat ng 'yan ay unti-unti mong madi-discover the longer you work for him."

"Kung magtatagal ako."

"Of course magtatagal ka. Sa nakikita ko, mukhang fast-learner ka naman. Madali mong matututunan ang trabaho ko. Ang sikreto lang talaga para maka-survive ka sa boss natin, kabisaduhin mo ang mga gusto at ayaw niya. For example, he prefers strong black coffee, no creamer. Gusto rin niya na 3 PM pa lang, alam na niya ang schedule niya for the next day. He's usually extra grumpy during Mondays and a bit laid-back on Fridays. Take note: a bit lang, ah."

Habang nagsasalita siya ay kumuha kaagad ako ng papel at isa-isang inilista ang mga iyon. Natawa siya sa ginawa ko.

"What? Mas mabuti nang makabisado ko lahat ng ayaw at gusto niya kung gusto ko pang mabuhay."

"Silly. Don't make it sound like he's a real monster."

"Parang gano'n kasi, eh."

"Dapat maayos ang schedule niya kung ayaw mong masigawan. He needs at least ten to fifteen minutes to be inside his office before his first appointment. You should also remember to prioritize his most important clients. 'Pag sinabi niyang reschedule a certain meeting, i-reschedule mo kaagad. 'Pag sinabing cancel, i-cancel mo ora mismo. Batas ang bawat salita niya sa kompanyang ito."

"Grabe. Kaloka naman pala talaga ang lalaking 'yon."

"Don't disturb him when he's busy or extremely pissed off. Wala siyang pakialam kung hindi pa siya nakakapag-lunch kapag may tinatrabaho siya. So, don't remind him to eat, kasi mabubulyawan ka lang. Secretary ka niya, hindi nanay. Hayaan mo siyang makaramdam ng gutom at kusa 'yang magpapa-order ng pagkain. In speaking of foods..." May inabot siyang papel sa'kin. "Listahan 'yan ng mga favorite restaurants niya. D'yan siya usually nagpapa-take out."

Tinanggap ko naman ang listahan. Feeling ko kailangan kong pag-aralan ang mga ito buong magdamag na para bang magkakaro'n ng exam the following day.

"Amanda, pupunta na ako sa meeting. Is everything ready?" tanong ni Josh na biglang lumabas mula sa opisina niya.

Romancing JoshTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon