XXXI:
Escape Plan
***
BAS' POINT OF VIEW
OUT OF THIS WORLD. Iyon lang ang masasabi ko habang kasama ko ang tatlong Heraldez sa loob ng opisina ni Josh. Kasama ko ngayon sina Ice at Cade para pagplanuhan ang gagawin naming pagtakas kay Edeline. I was more than glad na marami ang tutulong sa akin para masiguro ang kapakanan ng pamangkin ko... namin. Because they still treated Edeline as their niece despite knowing the truth.
"I can't believe na hindi pala natin kapatid si Kuya Rafael. I mean, he's been so nice to us," naguguluhang wika ni Ice habang nakahiga sa sofa. Feel-at-home ang peg ng kolokoy.
"Pwede ba, Ice, move on ka na. I-sink in mo na sa utak mo na hindi nga kayo magkadugo pero pwede n'yo pa rin naman siyang ituring na kuya. Ang mahalaga ngayon ay magkasama sila ni Edeline," iritadong sabi ko at ipinaikot ang mata.
"Ang sungit mo ngayon, Bas. Meron ka ba?"
"Anong meron?"
"'Yong ano, alam mo na."
"Sira. Wala akong matris."
"Eh, ba't masungit rin si Kuya Josh ngayon? May matris ba siya?"
"Naririnig ko kayo," ani Josh sa malamig na tono. "Pwede ba, this is not the right time for jokes. We're in a serious situation here."
"Nagsalita ang wagas kung makahirit kagabi," pabulong kong komento.
"Did you say something?"
"Wala."
Nagtama ang mga mata namin at nagsukatan. He's been cold to me the whole day which was understandable given what happened last night. Pero ang nakakainis lang, feeling ko wala siyang karapatang magalit sa'kin. Gago siya. Sino ba ang nanakit sa'min? Eh, ano ngayon kung nasaktan ko siya kagabi? He simply got a dose of his own medicine, 'tapos maggagalit-galitan siya sa'kin? Galing!
Kaya bahala siyang magsungit. Hindi ako magpapatalo.
"I'm fairly certain that you two got some issues," istriktong singit ni Cade na kanina pang nakatayo at nakatingin lang sa'min. "But I'm also sure that if you don't get your shits together, we're just wasting our time here."
"Wala akong issue," Josh denied na nakaupo sa table niya, looking like a high and mighty CEO. "So, iyon na ba ang plano natin?"
"Yes," was Cade's confident response. "Itatakas natin si Edeline mamayang gabi. Magkukunwari tayo na ipapasyal natin ang bata pero ililigaw natin ang mga guards. I'll ask some of my guards to help us as well to make sure na magtatagumpay tayo. Alam na ba ni Rafael ang address kung sa'n tayo magkikita?"
"Oo, alam na niya."
"Pa'no kung hindi natin mailigaw ang mga guards?" nag-aalalang tanong ni Ice.
"Relax. Maybe you don't know me enough, but I always know what I'm doing."
"Sigurado ka, ah?" sabi ko. Hindi rin kasi ako mapakali. Pa'no kung magkaro'n ng aberya? I couldn't risk Edeline's safety here.
"Don't worry too much. Aalagaan natin si Edeline. Hindi siya mapapa'no. We'll make sure na magkakasama na sila ng ama niya."
"And we have a Plan B," Josh declared bagay na nagpagulat sa aming lahat.
"May Plan B? Ba't hindi ko alam 'yan? I told you guys to always keep me updated. Exciting pa naman 'to," inis na wika ni Ice.
BINABASA MO ANG
Romancing Josh
RomanceALLUSTREA MEN Series I: Josh Gabriel Heraldez When his sister died after giving birth, walang choice si Bas kundi ang alagaan ang pamangkin niya sa murang edad. Napalaki naman niya ito ng maayos dahil sa pagsusumikap niya. Her niece, Edeline, grew u...