Chapter 4 - Untitled
"Get out of my heaaad! Urrgh!"
Kanina pa ko gumugulong sa kama ko habang nakatakip ang unan sa mukha. Si JB?! Fiance ko? Yung abnormal na yun?! Damn, I can't believe it.
12 am na pero gising pa din ako. Halo halo na ang laman ng utak ko ngayon, Yung break up namin ni Beb--I mean, Laurence tapos yung revelation kanina ni Mommy about kay JB. It sucks!
Pinilit kong matulog. Pero umabot pa nang 2 hours bago ako antukin. Ramdam ko na ang eyebags ko. Haaay!
***
Tomorrow
"Grey! Bakit mukha kang zombie?! Pwahahaha!" Bungad sakin ni Trixie. Haynako!
"Wala to. Puyat lang."
Sagot ko. Umubob lang ako sa desk ko, Wala pa naman yung prof namin eh.
Inaantok tlaga ako.
"Goodmorning class."
I heard my prof's voice. Aish!
"We have a transfer student. Let's welcome her."
Tahimik lang kami. Babae lahat ang students sa section namin. Nasa first block ngapala ako.
"Hi everyone! I'm Bella Cricket. Be good to me guys. Thanks."
Familiar voice. Familiar face. Siya yung Gf nang ex ko, ni Laurence. Aba, kaklase ko pala sya. Tss. Nice. Nice lang talaga! Note the sarcasm there.
Tumingin naman sya sa direction ko. She rolled her eyes. Taray ha. I just looked away. Nakaka suka yung mukha nya. Tss.
Natapos ang 1st subject ko. Mamayang 1 pm na ulit ang class ko. 11 am palang.
"Grey, Anong oras ang next class mo?" Tanong ni Trix.
"1 pm pa. Bakit?"
Sagot ko habang nag aayos ng gamit ko sa locker.
"Ahh. Amp naman. Di kita masasamahan tumambay. May class pa kasi ako mamayang 11:30 e. Actually, papunta na ko ngayon."
"Deh, okay lang. Sige punta kana. Bye. Ingat!"
Nag beso beso lang kami at umalis na sya. Palabas na sana ako ng Locker room nang makasalubong ko si Bella the bitch.
"Ow. Ikaw pala." Sabi nya habang naka ngisi. Psh.
I just smiled playfully at her, "Yeah."
Nilampasan ko sya with matching bunggo sa balikat nya. Huh!
"Nananadya ka ba?!"
Ay anubayan. Pikon agad.
"Sa tingin mo?"
"Wag ka ngang bitter. Tss. Porket pinag sawaan ka dyan ng boyfriend ko."
Nag init naman bigla ang ulo ko dun pero I stay calm and cool.
"Siya nga ba ang nagsawa? Tsk tsk. Look at you, Wala kang delikadesa, kakabreak lang nung tao. Patol ka agad. Wait, Di pala KAKABREAK LANG. Kami pa pala nung time na yun. Pero pinatos mo pa din. Hays. By the way, SAYO NA SYA. Wala na kong pakialam. Lalo na sa basurang dapat tinatapon na." I said and walked away from her.
Nasaktan naman ako sa mga sinabi ko. Pero hinayaan ko nalang. Parte to ng pagmo-move on. ACCEPTANCE. Tutal, Ikakasal naman ako eh. Masasaktan ko din sya kung saka-sakali, Mas mabuti mang inunahan na nya kong saktan. Bago ako pa ang makasakit. Someday, it will all makes sense.
BINABASA MO ANG
My Rude Husband (Revising)
Teen FictionNaranasan mo na bang maloko? Eh ang ipakasal ng mga magulang mo sa isang istranghero? At ang istrangherong ito pala ang gagamot sa sugatan mong puso at muling magpapa ibig sayo.