Chapter 7 - Serves you right!

10.9K 232 8
                                    

Chapter 7 - Serves you right!

"Ako na magdadrive! Dali na pangeeet!!"

Reklamo ko kay Jbnget. Hahaha. Jbnget na ang tawag ko skanya nuh. Short for James Brian Panget.

"Ako na lang. Baka mamatay lang ako sayo ng maaga! Engot ka pa naman." Reklamo nya.

Urrgh. Yan nanaman sya sa asal nyang ganyan.

"Ako na kaseee! Hmp." I pout my lips. Damot kasi.

Tsk. Ang sarap pa naman mag drive! Binili 'to ng daddy nya. Ganda nga eh. Mini cooper sya. Color sky blue with a little touch of Grey.

Bigla naman sya nag preno at pinark yung car sa gilid.

Lumabas sya.

Maya maya nasa may gilid ko na sya, Umikot pala sya papunta sa may car door sa tabi ko.

"Labas. Dyan ako! Gusto mong mag drive diba? Ge."

Halaaa. Bakit ang cold nya? Amp. Lumipat na ko sa driver seat.

Kinulbit ko sya bago ko binuhay ang engine.

"Oh? Ano pa bang problema? Tss."

Omoo. Galit sya saken!

"Wag ka namang magalit sakin Jbnget oh! Bati na tayo pleaseee?!"

*puppy dog eyes*

Tiningnan nya lang ako na parang nandidiri. Ugh!

"Ang panget mo talaga! Tsk. Oo na! Basta mag ingat ka! Wag tanga."

Sabi nya. Aish. Talagang napaka rude ng asawa ko. Sheesh!

@Lim-Cy University

Kahapon ko lang nalaman na sa mga magulang pala namin ni Jbnget ang School na to. Kaya pala.

"KYAAAAH!! Diba sya si James Brian Cy ng Ultimate phantom?! Kyaaah! Magta-transfer ba syaaa?!"

"OMOOOO!! Bakit nya kasama si Greeey?!"

"Diba anak sila pareho nang may ari ng School na to?!! Don't you girls heard the news? THEY ALREADY MARRIED!!"

"WHAAAAT?!! NOOO!"

Napatakip nalang ako ng tenga. Grabeee naman. Ang ingay.

Magtatransfer na nga si Jbnget dto. Request yun ng mommy ko pra daw mabantayan nya ko. Tsk.

"Lupet ah. Sikat na sikat! Jbnget is so famous! Hahaha." Sabi ko habang tumatawa.

"Tigilan mo nga ako Reyshengot! Tss."

Reyshengot?!! Eh?!

"Reyshengot stands for whaaat?!!"

Inis kong tnong. Nag grin naman sya bigla.

"Grey Shelle Engot! Hahaha."

*PUUK!*

Binatukan ko nga.

"Lecheee ka!" Sigaw ko.

"Hahaha. Engot ka naman talaga! Ikaw nga, JBNGET tawag mo sakin eh hindi naman ako panget!"

"Hindi nga ba? Panget mo kaya!!"

Bigla naman nya kong pinitik sa noo.

"Wag kang magsinungaling! I'm sure, Madaming magtatanggol sakin!"

Sabi nya naman sabay lingon sa mga babae sa may likod nmin.

"Hindi panget ang James namiiin! Ugh!!"-Froglet1

Mukha silang palaka eh.

"Oo nga! Ang hot nya kaya and he's so gwapo!"-F2

"Aha aha!"-F3

Makasali lang tong si Froglet 3 eh no? =__=

"Endearment namin yooon!! You don't fucking care, girls!"

Sagot ko sakanila at hinila na ang kamay ni Jbnget.

"Anong tinatawa tawa mo dyan ha?!"

"Endearment? Ayieee! Gumaganon kana Reyshengot ha! Hahaha. Para ka talagang tanga."

Pesteee! Walang galang tlaga to. Aish!

"Wag ka nga! Sapakin kita dyan eh!"

Tumawa lang sya at naglakad na ulit kami. Business Administration ang kinukuha nyang course.

Napatingin naman ako sa kamay namin. Di naman ganto ang pagkakahawak ko sa kamay nya ah? Tsk. Holding hands pala kami. Naka-interwined pa.

"Greeeey!! Chikaaa!"

Bigla nmang lumapit samin si Trixie. Uh-oh. Di ko ngapla nasabi sa kanya. Wala sya sa kasal eh. Konti lang naman kasi ang umattend sa wedding na yun. Family, relatives, businessmen/women na ininvite nila mommy.

Bumitaw naman ako kay Jbnget at lumapit kay Trix.

"Jbnget! Pasok na ko! Punta kana sa building mo! Salamat! Layas na!" Sabi ko.
Nahahawa na ko sa pagka rude nya ah.

"Wow ha! Ang bait mo talaga Reyshengot! Sige alis na ko. Mag ingat ka! Engot ka pa naman! Haha."

Sabi nya at umalis na. Ang daming nakatitig sa bawat galaw nya. Psh. Sikat nga talaga yung mokong na yun!

"Grey! Diba sya yung Vocalist nang Ultimate Phantom Band?! Sya pala yung ipinakasal sayo? Kalat yung balitang yun ah! Trending pa sa twitter! Halaa. Chika na!"

I sighed in defeat. Nagpunta kami sa garden. Tahimik dito e. Nagsimula na ko magkwento.

***

"WOAAAH! Grabehan Grey ah! Pero sana ako din, Magka asa--kahit Bf nalang sa isa sa mga Ultimate Phantom! Crush ko dun si Harry eh! Gwapo ba sya sa personal?!"

Natapos na kong mag kwento at ayan yung reaction nya. Psh.

"Di ko naman sila kilala sa pangalan eh. Ewan ko kung sino si Harry dun." I replied unsurely.

"Ay! Hehe. Sama mo nman ako Grey! Kapag nakasama mo sila, Text mo ko ha!"

Para namang kaclose ko yun. Pero pede din, bandmates sila at kaibigan ng asawa ko eh.

"Kung makakasama ko ulit. Tsk. Sige sige!"

Pumasok na kami sa first class namin.

8:30 am na. Maya maya, dadating na yung prof namin. Umupo na muna ako sa pwesto ko habang kinakalikot ko yung phone ko.

"Look who's here. The slut."

Tumunghay ako para tingnan kung sino yung nagsalita at kung ako ba ang kinakausap. Si Bella pala. Psh.

"Ow. The trashtalker."

I said while smirking.

"What did you just call me? Trashtalker?! I don't cuss!" She retorted. Tss.

"That's not what I mean. You're a trashtalker. In tagalog, BASURANG NAGSASALITA." Sabi ko habang naka cross arms.

Bigla namang nanlisik ang mata nya lalo na nang nagtawanan ang mga kaklase kong nakarinig. Nangingibabaw ang tawa ni Trix. Haha. Nice bestfriend!

"What?!! Anong sinabi mo?!!!"

Sigaw nya habang nakapamewang. Ako naman, Naka upo pa din.

"Hindi ako utusan at mas lalong hindi ka bingi. Kaya wag mo nang ipaulit. Umalis kana sa harap ko, Ayaw kitang kausap. Sinasayang mo lang ang laway ko. Back off!"

Dire-diretso kong sabi at umubob sa desk ko. Tsk. Serves you right.

Akala nya siguro, Loser ako. Pwes, Akala nya lang yun. Porket hindi ko sya pinatulan sa Park. Ha! Depress lang ako 'no. Pero ngayon, wag syang magmamatapang sakin. Ipapatikim ko sakanya ang sakit na pinaramdam nila ng gago kong ex! Ang cliche pakinggan pero yan ang nararamdaman ko eh.

My Rude Husband (Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon