Chapter 18 - Be your everything
Malapit nang magsimula tumugtog ang Ultimate Phantom Band. Yay! Kitang kita ko ang aking asawa. Nag se-set up na sila. First time ko syang maririnig na kumanta kaya excited na excited na 'ko.
Nasa VIP seats ako at ang katabi kong si Trix, sa pangalawang row.
"Uy girl! Nakita ko yung paghalik sa pisngi mo ni James ha! Mukhang nahuli na ko sa balita!" She pinched my waist. "Magkwento ka mamaya!"
Napatawa nalang ako sakanya.
"Oo na! Hihihi." I replied and focused my attention on the stage.
"Ehem ehem. Good evening everyone!" Bati ni Jbnget sa mic.
"WOHOOOOO!!" Sigawan ng mga tao. "JAMES MYLABS! ANG HOT HOT MOOO!!" Sigaw ng ibang babae.
Acck. May asawa na yan! AKO. Tss.
"Salamat! Sa lahat nang nandito, thank you sa pagpunta at pagsuporta sa Ultimate phantom." Sandaling nagkatitigan kami, "This is our first song.."
Natahimik ang crowd. Nag simula na silang tumugtog.
*NP: PERFECT - BY: SIMPLE PLAN*
Natapos na syang kumanta. Ang ganda ng boses! Lalo akong naiinlove sa lokong 'to.
Eto ang unang beses na narinig ko syang kumanta at para talaga syang professional. Well, magagaling din ang mga kasamahan nya pero sakanya lang nakatuon ang atensyon ko.
"Nagustuhan nyo ba ang first song?" Sabi ni Jbnget sa mic hbang nakangiti.
"Oo!!" Sigawan ng mga tao. Kasama ako sa sumigaw.
"Good. Sana magustuhan nyo ang mga susunod pa naming kanta." Sabi nya at nagsimula na ulit kumanta.
Nakatapos na si Jbnget ng apat na kanta. Last song na nya. Yung apat nyang kanta ay puro Rock. Ewan ko lang ngayong last kung ano.
"This is our last song. I want to dedicate this song to someone that very special for me.." He looked at me. "Reyshengot ng buhay ko. Pakinggan mo 'to. Sana magustuhan mo."
Lubdub. Lubdub.
"Greeey! Nakakakilig!" Sigaw ni Trix sabay hampas sa balikat ko. Namula naman ang buong mukha ko.
"KYAAAAH!! Sino kaya yon?!! Gosh! Ang swerte!" Sigaw ng isang babae.
"WAAAH!! Taken na yata si JamesS!! Pamo na ako?!!"
Nagpantig naman ang tenga ko dun sa huling smigaw. Affected much. Haha.
NP: BE YOUR EVERYTHING BY: BOYS LIKE GIRLS.
(a/n: Readers, play the video on the media! Be your everything with lyrics yan. Mas maganda kung papakinggan nyo para feel na feel nyo ang scene hahaha)
Buong kanta nya sakin lang sya nakatingin. Ganun din ako sakanya. Bagay na bagay samin ang kanta. I could feel his emotions...
Ang sarap pakinggan ng boses nya. Kiligvibes!
"Nagustuhan nyo ba ang performance namin ngayong gabi?" Malakas na sabi ni Jbnget.
"Sobra!!! Wooo!!" Sigaw ng mga tao.
BINABASA MO ANG
My Rude Husband (Revising)
Teen FictionNaranasan mo na bang maloko? Eh ang ipakasal ng mga magulang mo sa isang istranghero? At ang istrangherong ito pala ang gagamot sa sugatan mong puso at muling magpapa ibig sayo.