Chapter 28 - Selfish mang pakinggan

6.9K 184 4
                                    

Chapter 28 -  Selfish mang pakinggan


Friday


"OMG. Kinakabahan ako para mamaya Grey!" Sabi ni Trixie habang pinapaypayan ng kamay ang mukha.


"Chill lang. Kaya natin 'to. Okay?" I told her while smiling.


"Waaah! Sana nga. Grabe! Sino kayang magiging Ms. Fashion designer 2014? I'm so excited." Sabi pa nya.


"Ako. Hahahaha." Pabiro kong sabi.


"Lakas! Pero kung ikaw nga, lilibre mo ko ng peppero ah!" Sabi nya.


"Asa pa namang ako ang mapili."


"Basta pag ikaw ang napili, bigyan mo kong tatlong kahon ng peppero!" Hinampas ko sya ng mahina sa braso.



"Oo na. Ge."



"Yeeeey!" Napailing na lang ako at sumandal sa sofa.



Nandito kami sa bahay namin ni Jbnget. 12 noon pa lang naman. 6:30 pm ang simula ng Fashion designing night.



"Oh eto na ang snacks nyo." Nakasimangot na sabi ni Jbnget habang inaabot samin yung pinahanda ko sakanyang snacks namin.



"Bakit parang badtrip ka?" Tanong ko. Bago pa sya makasagot, tinanong ko pa sya ulit. "Dahil ba inutusan kitang maghanda?"



Umupo sya sa tabi ko.



"Hindi 'no. Wala 'to."



"Anong wala yan? Eh halos magmukha ka nang angry bird dyan eh." Sabi ko.



"Tsk. Wala nga sabi."
.

Nilapit ko yung mukha ko sa tenga nya.



"ARAAAY!" Sigaw nya habang hinihimas yung tenga nyang kinagat ko.



"May hindi ka ba sinasabi sakin?" Tanong ko habang naka cross arms.



"Reyshengot, buntis ako."


*Pak!*


Nakatikim sya sakin ng sapok.



"Ano bang problema mo panget? Tofu. Lalo kang pumapanget pag naka simangot ka." Sabi ko at dumampot ng chips delight.



"Ang gwapo ko kaya. At dahil sa sobrang kagwapuhan ko kaya ako namomroblema ngayon." Huh? Anu daw?



"Sabihin mo nga sakin ang problema mo! Nakakairita kana eh." Reklamo ko at humarap sakanya.



"Ang gwapo ko nga kase." Akmang sasapukin ko sya ulit nang, "Joke lang! Tss. Si Frilla at si Althea kasi."



Kumunot yung noo ko.



"What's with them?" I asked him.


"Gusto nilang maging escort nila ako mamaya sa F.D.N kapag rumampa sila. Eh sabi ko ayoko kasi ikaw lang ang pa-partneran ko. Ayun, kinulit na nila ako ng kinulit. Etong si Frilla nakakairita, si Thea naman, nakakaawa. Mahalaga din kasi sakin si Thea eh." Napatitig naman ako sakanya. Gusto nilang maging escort nila ang asawa ko? No no no.



"You won't be able to be one of their escort later! Ako lang okay?"


Ngumiti naman sya.



"Oo naman. Kaso kasi, si Thea kawawa naman. Wala syang escort mamaya." Sabi nya ng medyo malungkot.



"So anong gusto mong mangyare?" Walang emosyon kong tanong. Mukhang alam ko na kung saan ang punta ng usapang 'to.



My Rude Husband (Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon