Chapter 12 - Afraid

8.7K 189 2
                                    

Chapter 12 - Afraid

Tanghali na kong nagising kinabukasan. 11 am na din. Sunday na, ginawa ko na yung morning rituals ko at dumiretso sa kusina sa baba. Tulog pa si Jbnget. Sa tabi ko na naman sya natulog, ang bwisit na yun talaga! Tsk.


Nag simula na ko magluto. Talent ko din to no. Hehe.


After ko magluto ng Brunch namin. (Breakfast+Lunch) Umakyat ako sa taas para gisingin na si Jbnget. Pero pagbukas ko, naabutan ko syang... tokneneng! Topless at naka boxer lang.


Bigla naman akong nagtakip ng mata.


"WAAAH!! Jbnget! Mag ayos ka nga!" Sigaw ko habang nkasilip sa may palad ko. Kita ko ang *gulp* 6-pack abs nya, ang hot nya. Gosh! >///<


"Ang arte! If I know, matagal mo ng hinihiling ang gantong pangyayare noh! Wag kanang tumanggi!" Sabi nya at naramdamam ko ang braso nya sa balikat ko. Tinanggal ko na yung pagkakatakip ng kamay ko sa mata ko. Hay! Salamat! Bihis na sya.



Mahihimatay yata ako e! Jusmeng lalaki to!



"Ang kapal talaga ng mukha mo kahit kelan eh noh? Psh!" Sabi ko at naglakad na kami.



"Nagsasabi lang ako ng totoo. Wag kang bobo." Sabi nya habang pinipitik ako sa tenga.



"Ugh! Tigilan mo nga ko! Bwisit ka talaga! Matapos kita ipagluto ng Brunch oh!" Sabi ko ng makarating kami sa kitchen.



Nagluto lang naman ako ng kanin, sinigang, bacon, hotdog at spicy beef steak.



"Wow! First time! Buti naman, May naitulong ka din dto! Tsk tsk." Sabi nya.



Leche talaga kahit kailan.


"Wala man lang thank you Jb? Psh!" Sarcastic ko namang sabi.



"Wala! Hahaha! Namnamin mo! Wala talaga!" Sabi nya habang nakangisi.



Jusko. Kayo na po bahala sa lalaking may sayad na to. Malala na eh.



Kumain nalang kmi.



"Wow! May talent *chew* ka pala talaga *chew* sa pagluluto noh?" Sabi nya habang ngumunguya.



"Ako pa! Sabi sayo eh!" Sabi ko ng ngiting ngiti.



"Pero engot ka pa din! Pfft." Sabi nya. Sinamaan ko lang sya ng tngin. Gago talaga. Hmp!



Pagkatapos naming kumain ni Jbnget, Naghugas sya ng pinagkainan namin. Naka apron sya na Hello kitty. Akin yun e. Haha! Nakakatawa sya. Dali dali kong kinuha ang iPhone ko at pasimple syang kinuhanan ng pic. Naka sideview sya. Kunware nagtetext lang ako. Pfft. Mukha syang bading.



Ibenta ko kaya to sa mga fans nya? Magkano kaya kikitain ko? Bwahahaha!



Pagkatapos nyang maghugas ay naupo sya sa sofa sa salas namin. Di pa din nya tinatanggal yung apron.



"Hoy Jbnget! Bagay sayo yang apron ko! Pffft." Sabi ko nang mapang asar. Sinamaan nya lang ako ng tingin.



"Gaga! Hmp. Tatanggalin ko na nga. Psh." Sabi nya sabay tanggal nung apron. Gasp! Topless nanaman sya. Bakit ko pa ksi sya napagtripan? Aish.



"Mag damit ka nga Jbnget!! Ugh!" Sabi ko sabay takbo sa may ref, dali dali akong kumuha ng malamig na tubig. Bigla kasing natutuyo yung lalamunan ko kapag nakakakita ako ng abs. Seryoso.



"Hoy ayos ka lang?" Tanong ni Jbnget na katabi ko na ngayon. Tiningnan ko sya at shit! Topless pa din. Oh jusko! My weakness! Ugh!



"M-mag damit k-kana nga." Nauutal kong sabi.



"Bakit?" Naka ngisi nyang tanong at lumapit pa lalo sakin.



"WAAAH!! Lumayo ka nga!" Sigaw ko at lumunok ako ng tatlong beses. Pag di sya lumayo sakin! Baka kung anong magawa ko. Jeez!



"A-YO-KO." He smirked and leaned closer to me.



Fuckshit! God, I'm sorry sa magagawa ko!



*SPLAAASH!*



"ACCCKK! Bakit mo ginawa yon?!" Inis na sigaw nya.



Binuhusan ko sya ng tubig na nasa basong hawak ko.


Guess what?


Lalo syang naging hot sa paningin ko. Ramdam ko ang pag init ng mukha ko.



UGH! Ano bang nangyayare sakin? Damn.



"Ayaw mo kasi mag damit eh! Siguro naman, magbibihis kana noh? Psh. Goodluck naman sayo kung di ka lamigin jan." Cool kong sbi at naglakad na paakyat. Phew. Dahil ba sa abs nya kaya ako nagkakagnito? Or iba na. SHIT! Di ko na alam.



"Ang engot mo talaga Reyshengooot!! Amp!" Sigaw nya mula sa baba.



Binelatan ko lang sya at tumakbo na papunta sa kwarto namin.



Bigla akong dumapa sa kama.



Naalala ko yung tanong nung Lola nya kahapon na di ko nasagot dahil biglang pumasok sina Josher at Jbnget sa kotse. Salamat sakanila. Tapete naman.


"Do you like him? Do you like James?" Nag echo sa isip ko ang tanong na yun.
*Dugdug dugdug dugdug*



Yung puso ko. Para nanamang may nagkakarera sa loob sa sobrang bilis. Naramdaman ko na din to dati.. kay Laurence.



Isa lang ang ibigsabihin nito. Napahinga ako ng malalim at parang may nagbara sa lalamunan ko.



The hell. Pano na ko nito? Ayoko na maramdaman 'to.


Ang pakiramdam na ganito, ayoko ng maramdaman. Si Jbnget, Hindi ko alam kung masusuklian nya ang pagmamahal ko sakanya. Ugh! Pagmamahal na ba to o pagkagusto lang? Pero sana, gusto ko lang sya. Ayoko ng lumala pa 'to. Baka masaktan nanaman ako.. ayoko na. Masyado na kong nasaktan noon. Tamana yon. Once is enough.


***


"Hey Reyshengot! Here." Sabi ni Jbnget at may inabot syang ticket.



"Para san yan?" Tanong ko. Dahan dahan akong umatras para di kami masyado magkalapit. Ayoko nang mapalapit sakanya. Kahit asawa ko pa sya.



"Para yan sa Mini concert namin next week. Sa Ford International School gaganapin yan. Sa Coliseum dun! VIP ka tapos eto ang backstage pass ticket mo." Sabi nya sabay abot nung isa pang ticket. Tinanggap ko naman 'yon.


"Sige pupunta ako. S-salamat." Sabi ko at nag iwas ng tingin.



"Oy Reyshengot, May sakit ka ba?" Nagtatakang tanong nya at hinawakan ako sa noo. I felt something sparked inside me. Bigla ko namang sinanggi yung kamay nya palayo at tumayo sa sofa bed. Nakayuko lang ako habang nilalagay yung tickets sa mga gamit ko.



"Ano bang nangyayare sayo?!" Pasigaw na tanong ni Jbnget sakin. Tiningnan ko lang sya.



"Wala. Wala lang ako sa mood." I said coldly.



"Di ako naniniwala! Di ka naman ganyan makipag usap sakin eh!" Sabi nya.



"SINABI NG WALA LANG AKO SA MOOD EH! Ang kulit!" Bigla kong sigaw at dumiretso na sa kama. Nagtalukbong lang ako ng kumot, Napaluha nalang ako. Bakit ko ba 'to ginagawa? Di ko na maintindihan ang sarili ko. Natatakot akong masaktan ulit. I'm afraid.



Di ko na narinig pang magsalita ulit si Jbnget. Nakaramdam nalang bigla ako ng guilt. Tsk. Pinilit ko nalang yung sarili kong matulog...

My Rude Husband (Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon