Chapter 16 - Untitled

7.4K 203 2
                                    

Chapter 16 - Untitled


Nagpunta kami ni ex—Laurence sa Ice cream parlour. Umorder lang kami ng ice cream. Sa medium-sized cup lang ang akin, di kasi talaga ako mahilig sa ice cream.


"Laurence, ano bang pag uusapan natin?" Seryoso kong tanong habang nilalaro laro yung ice cream ko.



"Ah eh," He scratched the back of his head, "Gusto ko sanang mag sorry."


Bakit naman? Dahil ba nung.. err.


"Wag na!" I pinched his nose. He loves pinching his nose back then. "Ayos lang 'no! At saka, masasaktan din naman kita talaga noon eh. Inunahan mo lang ako, naka fixed marriage ako."


Bigla namang sumeryoso yung mukha nya.


"F-fixed m-marriage?" Nauutal nyang sabi.


I nodded. "Yes!"


"Nagustuhan mo ba sya?" Parang malungkot nyang tanong. Malungkot? San ko naman nakuha yon. Bakit naman sya malulungkot. Bigla naman akong napayuko sa tanong nya.


"Hindi ko sya nagustuhan. Kasi.." I paused. Nahagip kasi ng mata ko si Jbnget kasama si Harry. He looked at me coldly before they left. Galing sya sa may bandang likod namin. Ibigsabihin, kanina pa sya dyan? Bago ko pa sya tawagin, dali dali na syang umalis.


I sighed.


"Di ko sya nagustuhan Laurence." I smiled bitterly. "Kasi mahal ko na sya."


Nagulat naman sya sa sinabi ko.


"Totoo ba yan?" Tanong nya.


"Bakit naman kita lolokohin? Tsk." I tried to change the topic. "By the way, bakit kayo nag break ni Bella?"


Kumunot yung noo nya.


"Di kami nagbreak." He sighed. "Kahit ayaw ko ng relasyon namin, di ko sya magawang hiwalayan. She's a good woman."


Nagtaka naman ako. Ayaw nya ng relasyon nila at... she's a good woman?! Nakakagulat.


"Oopps. Teka!" Natatawa nyang sbi. "Alam kong nagtataka ka kung bakit ayoko sa relasyon namin at dun sa sinabi kong good woman si Bella."


I gave him an explain-it-or-else-you're-dead-look. Hahaha. Mukha namang na-gets nya.


"Haay! Naging kami lang kasi buntis sya."


Anak ng pitong tupa!


"Tapete ka Laurence!! Nabuntis mo yung babaeng yun habang tayo pa?! What the fuck?" Bulyaw ko. Napatingin naman samin yung ibang tao. Nag peace sign nalang ako.


"Ano?!! Hindi 'no!" Nag iwas sya ng tingin. "Hindi ako ang ama ng pinagbubuntis nya. Tinakasan sya at ako ang napag alaman ng mga magulang nyang nakabuntis sakanya. Napilitan na din ako kasi nakiusap sakin si Bella. Nagi-guilty nga ako eh. Kasi nag suggest ako noon kay Bella na ipalaglag nalang yung dinadala nya."


Bigla ko naman syang binatukan. Loko to ah! Pero in fairness, di halatang buntis si Bella.


"Pero napahanga nya ko." He smiled, "Sabi nya sakin nun, ayaw daw nya ipalaglag yung bata kahit daw inabandona sila nung dati nyang boyfriend, Di daw dapat idamay yung bata. Ayos lang daw na maging batang ina sya basta mabuhay lang ang anak nya."


Napanganga naman ako. Now I know, she's really a good woman! Dapat lang na hindi nya ipalaglag yun pero bakit naman sya nagpabuntis agad? Well, baka di naman sinasadya.


"Ang bait naman nya. Tama lang yung desisyon nya! Pero wait, bakit ayaw mo nung relasyon nyo?" Nagtataka kong tanong sa kanya.


"Because, there's no love between us." Yumuko sya. "Di ko sya mahal at ganun din sya sakin."


I looked at him seriously.


"So, Tinutulungan nyo lang pala ang isa't isa?" Ngumiti ako. "Dapat pala magpasalamat ako sakanya kasi, kahit papano pinapasaya ka nya. Di ko na kasi magagawa 'yun ngayon."


Ngumiti naman sya ng konti.


"At, magpapasalamat din ako kay James Brian Cy. Kahit di mo banggitin, Sigurado akong sya ang nag comfort at nagpasaya sayo when we hurted you unintentionally." He sighed.


Napangiti nalang ako ng mapakla. Naalala ko na naman ang mga panahong yon. Dati, si Laurence ang dahilan ng kalungkutan ko. Ngayon, Yung lalaking tumulong sakin para mag move on at nagpasaya sakin, siya yung nakakasakit sa damdamin ko ngayon. Ugh.


"So balik tayo sa topic, You love him? Alam nya ba yan?" He asked while smiling.



Napailing na lang ako.


"He didn't know." Sabi ko.


"Ha?! Bakit?" Tanong nya.


"I'm afraid of rejection." I sighed. "And I'm afraid of ain't being loving back."


Ngumiti lang ako ng pilit.


"At hanggang kelan mo balak itago yan, Grey Shelle?!" Tanong nya sakin. Like a boss!


"Hanggang kaya ko." Mahina kong sagot.


"Heh! Wag kang martyr! Show him that you love him or magtapat kana sa kanya." He smirked evilly.


"Bago ka pa maunahan nang iba. Sunggaban mo na!" Dugtong pa nya.


"Asa pa namang maagaw sya sakin ng iba! Kasal na kami 'no!" Sabi ko nang naka crossed arms.


"Pwede rin." Sabi nya.


Nag pout nalang ako. Naalala ko yung eksena nila nung babaeng kasama nya kanina. Urrrgh. Nag iinit na naman yung dugo ko. May asawa na sya! Tapos, nagagawa pa nyang lumandi. Galing!


"Hoy beb! Maawa ka sa tissue!" Sabi ni Laurence.


Napatingin naman ako sa tissue na hawak ko, punit punit na.


"Ano bang dapat kong gawin?!! Nakakainis naman!" I pouted.



"Confront him. Ipagtapat mo na ang dapat nyang malaman." He smiled widely.


"Sigurado ka bang di ako masasaktan dyan? Natatakot ako beeeb!" Reklamo ko habang sinusuntok suntok sya sa braso.


"Aray ko naman beb! Basta, Ipagtapat mo lang. Kung sabihin nyang mahal ka din nya, magpa-party ka at kung sabihin nyang ayaw nya sayo, eh magbigti kana.." Sinamaan ko sya ng tingin. "Hahaha joke lang! Tanggapin mo nalang." Sabi nya.


Kaya ko bang tanggapin? Hays.


"Sana mahal nya din ako." Mahina kong sabi.


Laurence tapped my shoulder.


"Ikaw si Grey Shelle Lim! Walang problema ang di mo kayang lampasan. Diba?" He smiled.


I smiled back. "Yeah right! Kaya ko 'to! Aja!"


We laughed. Hooo! Sana masabi ko na para gumaan na ang pakiramdam ko. Napabuntong hininga ako.

My Rude Husband (Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon