Chapter 27 - Blessing in disguise

6.6K 163 1
                                    

Chapter 27 - Blessing in disguise


"Miss, san ka?" Tanong nung taxi driver.


"Sa Batangas po." Mahina kong sagot.


"Sige." Sagot ni manong.


Tulala lang akong nakatingin sa labas ng bintana nitong taxi.


Nagsimula na naman mangilid ang luha ko. Shit. Nasasaktan ako. Nasasaktan na naman ako. Naramdaman ko ang maiinit na likido na dumadaloy sa pisngi ko. Agad agad ko yung pinahid.


"Iha, mukhang may problema ka ah?" Tanong ni manong driver habang tinitingnan ako sa rear mirror.


"Ganun ho ba ako ka-mukhang problemado?" Tanong ko.

Ngumiti naman si manong.


"Iiyak ka ba ineng kung wala kang problema?"


Napatawa na lang ako ng mapakla.


"Oo nga ano. Nagka LQ lang po kami ng asawa ko." Sabi ko naman ng malungkot.


"Asawa?! May asawa kana neng? Ang bata mo pa ah. Sabagay, uso naman ngayong mabuntis ng maaga ang mga kabataan tapos magpapakas--"


Agad ko namang pinutol ang sinasabi ni manong.


"Hindi pa po ako nabubuntis! Grabe naman. Naka fixed marriage po kasi ako, hanggang sa naging totoo na yung pag iibigan namin." Sabi ko naman kay manong.


"Ay ganun ba iha? Pasensya kana ha. Bakit ka naman pupuntang batangas? Ang layo nun ah." Sabi ni manong.


"I need some space. Masyado na po kasi akong nasasaktan eh. Ayoko po muna silang makita." Sagot ko.


Kung para sa iba, simpleng problema lang 'to. Wag nilang iisiping hindi ako nahihirapan dahil simple lang. Ang hirap kaya! Ang sakit sakit sa puso.


"Hindi mo dapat tinatakasan ang problema iha. Ikaw din, malay mo pagbalik mo ng maynila, naagaw na sayo ang asawa mo."


Bigla naman akong napaisip dun. Pano nga kung ganun ang mangyari? Ayokong maagaw sya sakin ni Althea! Ayoko. Hindi ko kaya. Pero nasasaktan talaga ako kapag nakikita sila. Pero naisip kong mas masakit pala kapag tuluyan ng naagaw sayo ang mahal mo.


Walang ano ano,


"Manong. Pasensya na po pero pwede po bang ihatid nyo na lang ulit ako pauwi sa manila?" Tanong ko.


"Oo naman ineng. Ayos lang. Basta, pay the charges. Hehehe."


Napatawa naman ako kay manong.


"Oo naman manong. Mayaman kaya ako! Hahaha. Di lang halata." Biro ko. Inayos ko yung sarili ko, mukha pa pala akong bruha. Lecheng Frilla yun!


***

Umuwi ako sa bahay namin ni Jbnget. 6 pm na din. I checked the kitchen, wala. CR, downstairs, wala din. Binuksan ko yung pinto ng kwarto namin. Nandun si Jbnget sa may sofa bed, natutulog.


I went to my walk-in closet at nagbihis ng pangtulog kahit maaga pa.


Kumuha ako ng kumot at kinumutan ko si Jbnget.


"You know what? I don't hate you. I'm just jealous and afraid that time. Natatakot akong maagaw ka sakin ng iba. Ang sakit lang kasing isipin na inuna mo pa ang ibang babae kesa sakin. Nakakainis ka." Sabi ko sakanya habang nakaupo ako sa sahig. Nakatagilid ang pwesto nya, nakaharap sakin.


"Isa pa yung Frilla na yun. Basta basta na lang nananabunot. Kainis. At yang si Althea, kinukuha ka na unti unti sakin..." Napasinghap ako. Nag uunahan na namang tumulo ang mga luha ko.


Haaay. Para akong tanga dito. Kinakausap ang tulog.


Nagulat ako sa biglang pagtayo ni Jbnget at niyakap ako. T-teka? Hindi sya tulog?


"K-kanina ka pa ba gising?" Tanong ko.


Hindi nya sinagot ang tanong ko. Instead, hinigpitan nya pa lalo ang pagkakayakap nya sakin.


"I'm sorry." Bulong nya. "Hindi ko alam na sobra na pala kitang nasasaktan because of my stupid actions. Sorry talaga."


Unti unti nang tumigil ang pagpatak ng luha ko sa mata pero napahikbi ako. Shet! Ano ba yan, para akong bata.


"Please stop crying. Reyshengot, sorry na. I love you." Still, I'm not responding.


"Pero si Althea ang first priority mo." Cold kong sabi.


"No. You're my first priority. Not her. Nagkataon lang na kailangan nya ko kanina."


"At ako? Hindi ba kita kailangan?" Tanong ko.


Nag buntong hininga sya.


"It's not like that. Reyshengot, her dad passed away an hours ago."


I froze. Hindi ako makagalaw. Namatay ang daddy nya? Yet, nakikipag kumpetensya pa ko sa atensyon na binibigay samin ni Jbnget. Ang sama ko...


"Sorry. Siguro nga, kailangan ka talaga nya. I know that feeling. Ang mawalan ng daddy. Kaya siguro nga, she needs you." Sabi ko kahit nagseselos pa din ako.


"Thanks for being open minded. Kaya mahal na mahal kita eh."


Sabi nya at humarap na sakin. Niyakap nya ko ulit.


"Anong tingin mo kay Althea?" Tanong ko sakanya.


Tumingin sya sakin ng matagal.


"Kapatid." Sagot nya.


Finally, A smile curved into my lips.


"Sigurado ka? Kapatid lang?" Pabiro kong tanong.


Piningot nya naman ang tenga ko.


"Oo naman. Wala kayang makakapalit sayo. Ikaw lang ang nagpapabilis at nagpapabagal ng tibok ng puso ko. Ikaw lang ang mahal ko." Sabi nya at mabilis akong hinalikan sa labi.


"Dapat lang! Kasi kapag ako, pinagpalit mo don. Mata nyo lang ang walang latay." Sabi ko.


"Baliw ka. Kumain na nga tayo." Sabi nya at hinila na ko papunta sa baba para kumain.


Salamat kay manong driver kanina. Blessing in disguise din sya. Kung hindi dahil sa words of wisdom nya, siguradong nasa batangas pa ko ngayon at nagda-drama. Buti na lang at okay na ulit kami ni Jbnget. I really love this guy.

My Rude Husband (Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon