Chapter 23 - Hug
Magkasabay kaming naglalakad ni Jbnget papasok ng school. Baka langgamin kami kung maghahawak kamay pa kaya sabay lang.
"Anong oras ang vacant mo engot?" Tanong nya.
Binatukan ko naman sya.
"Magtatanong na nga lang. May lait pa! Psh. 11:30 to 1:00 pm. Ikaw?"
"Hahaha. 12:00 to 1:30 pm." Natatawa nyang sabi.
Ano kayang nakakatawa dun? Lalaking 'to talaga.
Dumiretso kami sa cafeteria para mag breakfast. 8 am pa lang naman eh. 8:30 pa klase namin.
"Anong gusto mo?" Tanong ni Jbnget.
"Ikaw." I said while smirking.
"Kikiligin na ba ko? Tss. Engot ka talaga. Ano nga kasi?"
I just pout my lips.
"Naglalambing lang eh. Burger, spaghetti at sprite sakin."
Kinurot nya naman ang ilong ko.
"Upo ka muna. Oorder lang ako. I love you engot." Sabi nya at hahalikan sana ako sa pisngi pero hinarang ko agad yun ng palad ko.
"Chu chu. Alis na. Gutom na ko." Sabi ko.
Nakasimangot lang syang lumakad papunta sa counter. Natawa nalang ako.
"Did you girls heard the news? The pretty and famous bitch Bella was pregnant. Like OMG. That's hilarious!" Napalingon naman ako sa tatlong babaeng naglalakad papasok dito sa cafeteria.
Tss. Frilla and the chipmunks. Hahaha.
"Seriously?! She's probably a slut!" Sagot nung alalay nya.
"Yes. She is. Akalain mo yun, may mas bitch pa pala kesa sa isa dyan." Sabi ni Frilla pagkalampas sakin. Tumingin pa sya sakin ng masama.
"Maybe, they didn't use protection. Ha ha." Sarcastic na sabi nung isa pang alalay ni Frilla.
Di ko na napigilan ang sarili ko. Tumayo ako at lumapit sakanila.
"Wala ba kayong magawa sa mga buhay nyo?" I asked in a cold tone.
"Bakit ka ba nangingialam sa may usapan ng may usapan?" Naiiritang sabi ni Frilla.
I placed my right hand to my waist.
"Eh bakit nyo pinakikialaman at pinagtsi-tsismisan ang buhay ng iba?!" Malakas kong sabi habang nakatitig sakanila ng masama.
Napatingin naman yung ibang students samin.
"So what? Bakit mo ba sya pinagtatanggol?" Tanong ni alalay 1.
"Wala ka ng pake dun. Kayong tatlo... wala kayong karapatan sabihan si Bella ng kung ano ano. Di nyo sya kilala para husgahan nyo sya ng ganun. At dahil pinainit nyo ang ulo ko..." I snapped my fingers. "Guard!"
May tumakbong dalawang guards sa harap namin.
"Guard, sino ako?" Nakangisi kong tanong.
"Ma'am Grey Shelle Lim. Bakit po?"
"I want you to give these three girls a punishment." Hinawakan ko yung baba ko na parang nag iisip. "1 week detention. Paglinisin nyo sila ng CR sa second floor ng Fashion designing department for two weeks. Ang umarte at magreklamo, ipalinis mo na pati school ground. All clear?"
Napatulala naman sila sa akin pati ang ibang nakiki nood.
"Alright mam, masusunod. Oh kayong tatlo, bukas kayo magsisimula." Sabi ni manong sa Frilla and the chipmunks.
BINABASA MO ANG
My Rude Husband (Revising)
Teen FictionNaranasan mo na bang maloko? Eh ang ipakasal ng mga magulang mo sa isang istranghero? At ang istrangherong ito pala ang gagamot sa sugatan mong puso at muling magpapa ibig sayo.