Chapter 9 - Untitled
Nandito kami sa condo unit ni Renz. Dito daw sila magpapractice. May music room dito. Astig nga eh.
"Favor naman oh!"
Sabi ko sakanila. Napatingin naman silang lahat sakin.
"Ano?" Tanong nila.
"Pwede ba tayong mag group selfie? Pleaseee!!"
Naisip ko kasi si Trixie eh. Ipapakita ko sakanya. Di ko sya naisama, Idol pa naman nya ang Ultimate phantom.
"Ano namang pumasok sa utak mo Reyshengot?"-Jbnget
Inirapan ko lang sya.
"Basta! Dali na kase!"-Ako
"Ipopost mo sa facebook 'no? Hahaha." Sabi ni Drell.
Saulo ko na pangalan nila. Sinaulo ko na.
"Gago! Hindi 'no! Tsk. Wag na nga lang kung ayaw nyo! Remembrance lang eh! Andamot." I pout.
"Tampo agad oh! Remembrance? May cancer ka ba Grey? Pfft."
Sinamaan ko naman sya ng tingin. Gagong Jared 'to.
"Pakyu! Psh. Wala! Wag nyoko kausapin! At ikaw Jbnget, Sa sahig ka matutulog mamaya!"
Sabi ko. I crossed my arms.
"Asa ka!! Tara na nga, Mag selfie na tayo. Pagbigyan ang engot kong asawa. Bwaaak! Kadiri isiping may panget na engot akong--AWWW!"
Sinuntok ko sya sa braso. Grabe naman kse tong walang modong to! Inatake nanaman nang sakit nya. Tsk. =__=
"Tara na mag selfie."-Harry
Ngayon ko lng sya narinig mag salita. *0*
"Sige." Sabi ko at nilabas sa bulsa ko yung iPhone 5s ko.
Nag selfie na kami nang 3 beses at ayun, Nagsimula na silang mag practice.
Ang galing nila kahit practice palang. Napapa palakpak nga ako minsan eh. Hihi.
***
"Guys, Break muna!" Sabi ni Jbnget.
Bumaba naman agad silang lahat sa mini stage.
"Ang galing galing nyo!" Sabi ko sakanila habang inaabutan sila ng juice.
"Idol mo na kami? Hahahaha." Maangas na sabi ni Renz. Psh.
"Hindi pa din! Mas magaling pa din ang silent sanctuary! HAHAHAHA!" Sabi ko.
"Abaaa! Gusto mong katos ha, Greeey??"-Drell
"Hoy hoy! Wag mong kakatusan ang asawa ko.."
O.o
>///<
Pinagtatanggol nya ba ko?!
"AKO LANG ANG MAY KARAPATANG KUMATOS SAKANYA!"
*TUUUK!*
>_____<
"Ughhh! Pangeeet! Masakit yun ah!! Heytchuu!"
Sigaw ko sakanya pagkatapos nya kong katusan. Lagi talaga syang panira ng mood! Bwiseeet.
After 10 mins. Kumain na kami ng dinner. Nagpa deliver sila sa KFC. Di daw kasi sila marunong magluto eh. -___-
"Marunong ako magluto! Nagpa deliver pa kayo!" Sabi ko sakanila.
"Talagaa?! Yaan muna. Wala din naman akong ingredients ng pangluto dito eh. Next time nalang Grey!" Sabi ni Renz.
"Sige sige! Ipagluluto ko kayo nang madami next time!"
BINABASA MO ANG
My Rude Husband (Revising)
Novela JuvenilNaranasan mo na bang maloko? Eh ang ipakasal ng mga magulang mo sa isang istranghero? At ang istrangherong ito pala ang gagamot sa sugatan mong puso at muling magpapa ibig sayo.