Chapter 26 - Tears

7.2K 164 0
                                    

Chapter 26 - Tears



Bago ako umuwi sa bahay, dumaan muna ako saglit sa 7-11 para mag chill saglit. Bumili ako ng magnum ice cream at mineral water. Nasa tapat lang ang 7-11 na ito ng Lim-Cy University. Tanaw na tanaw ko dito ang gate ng LCU. Kumain lang ako ng kumaing ng ice cream.


May biglang umupo sa tapat ko. I looked at.. him.


"Laurence? Anong ginagawa mo dito? Long time no see ah." Sabi ko sakanya.

Ngumiti lang sya at pinisil ako sa pisngi.

"Oo nga eh. Busy kasi. Pasensya na! Hahaha. Gusto ko lang mag chill." He replied.


"I never demanded your presence. So, don't apologize. Sige, mag chill tayo." I said and flashed a smile.


Nag kwentuhan lang kami about our own lives. Kinamusta ko naman si Bella. Medyo malaki na raw ang tummy nito at nagkaka mood swings na din. As usual, buntis eh. Dun lang daw sya nahihirapan sa pagbili nang pagkain na pinaglilihian ni Bella. Minsan daw kasi, bigla nitong nati-tripan ang mga pagkaing unusual na mabibili dito sa Manila.


Habang nagkwe-kwentuhan kami ni Laurence, napadako ulit ang tingin ko sa may gate ng LCU.


Nag init bigla ang ulo ko sa nakita ko. Althea kissed Jbnget on the nose or.. lips? Nakatalikod kasi sya sa direksyon ko. Nung humiwalay sya sa ASAWA KO. Kumaway na sya, sign na aalis na sya at kinawayan din sya ni Jbnget pabalik habang nakangiti pa. Nyeta! Parang hindi sya hinalikan ah.


What the heck?! Sanay na ba syang hinahalikan ng ibang babae? Napatayo ako sa upuan ko.


"Bakit? Is there something wrong, Grey?" Laurence asked in a concerned tone.


"Nothing. Aalis na ko ah? Sige bye. See you around."


Agad agad akong lumapit sa may gate ng LCU. Nakatayo pa din doon si Jbnget.


*BOOOG!*


I punched his tummy hard.


"Ano yon ha? Bakit ka nagpapahalik sa ibang babae?" Inis na inis na tanong ko.


"Ang sakit nun ah! Ano ba kasi yun? Sinong humalik sakin?" Nagtataka nyang tanong.


Nag cross arms ako.

"At nagmamaang maangan ka pa dyan? Diba hinalikan ka nung Althea na yun? Todo ngiti ka pa nga dyan eh. Maharot!" Sabi ko.


"Ako? Hinalikan ni Althea? Why would she do that? Mag kakabata lang naman kami eh." Childhood friend! Great.


"Kitang kita kong hinalikan ka nya sa ilong or sa labi. Basta, she kissed you and you smiled! Aaah! I hate you." Pasigaw kong sabi at tsaka naglakad paalis.


"Reyshengot! Let me explain first please!" Sigaw nya. Binilisan ko pa yung lakad ko.


Nakakainis! Nakakaselos. Tama ba namang ngumiti pa pagkatapos halikan ng kababata nya? Urgh. Asar!


Bigla na lang ako nakaramdam ng yakap mula sa likod.


"Yes I smiled.." He whispered. I felt something hurts on my chest. Ugh. "But she didn't kissed me. Pinaihip ko lang sakanya yung mata ko kasi napuwing. Syempre ngumiti ako kasi natanggal na yung dust. Ang selosa mo talaga."


Napangiti naman ako. So, di pala talaga sya hinalikan nung Althea na yun. Humarap ako sakanya.


"Sure ka ah? I trust you. I always do. Kaya sana wag mo sisirain yung tiwalang yun. Sorry din kasi sinuntok kita at pinagbintangan." Bulong ko sakanya at niyakap sya.


My Rude Husband (Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon