Chapter 35 - The pictures

5.6K 125 3
                                    

Chapter 35 - The pictures


Pagkarating ko sa bahay, nadatnan ko si Jbnget na nakaupo sa couch sa living room.


"Tara na." Sabi nya ng di tumitingin sakin.


"Sige." Mahina kong sabi.


Sabay kaming lumabas at sumakay kami sa kotse nya.


Buong biyahe, tahimik. Sobra na kong nabibingi sa katahimikan. Babasagin ko na sana ito nang inunahan na nya ko.


"San ka galing kanina?" He asked. Napatulala naman ako sa baba, sasabihin ko ba ang totoo? But, I'm afraid that he will be mad at me. I don't want that happen.

"Nag crave kasi ako bigla sa ice cream eh. Bumili ako sa malapit na convenient store." Sabi ko ng hindi tumitingin sakanya.


I heard him sighed.


"I just wonder why didn't you make me come with you, eh kakain ka lang naman pala kanina." He said seriously.


Nakaramdam naman ako ng guilt, ayoko ng nagsisinungaling sakanya pero kailangan. I mentally cursed.


"Di ko din ineexpect na matatakam ako bigla sa ice cream eh. Hahaha." I faked a laugh.


He looked at me and smiled.


"You're crazy kiddo." Sabi lang nya at nag focus na ulit sa pagda-drive. Thank God, we haven't end up to a misunderstanding. But still, nagi-guilty pa din ako. Some jerk kissed me while I have a boyfriend--scatch that--A husband. Nakakainis lang.


***


Nakarating na kami sa mall. Medyo madami na ding tao, may suot kami ni Jbnget na cap at nakatungong naglalakad. Nang makarating na kami sa backstage, nagtanggal na din kami ng cap. Nandun na sa stage sila Jared. Nag seset up na sila ng mga gagamitin nila.


I faced Jbnget, "Goodluck panget. Punta kana sa stage."


He just kissed my forehead.


"Sige salamat." Sabi nya.


Pumunta na ko sa mga upuan, dun ako pumwesto sa pinaka unahan.


Pinanood ko lang silang mag set up ng mga mic at instruments na kailangan nila. May ilang kababaihang nag sisigawan na, tsk. Wala pa eh.


Pagkatapos nilang mag set up, pumunta na sila sa kani-kanilang pwesto. Si Jbnget, nakatayo na sa harap as a vocalist at as a handsome guy na din, nasa kanya ang spotlight and attention ng lahat.



"Good evening everyone. The first song that I'm going to sing is Natataranta. So, I'll start now. Hope you like it." He smiled sheepishly and took a glanced at me.


Tumahimik ang lahat at maayos na nakinig kay Jbnget.


Napapadalas ka ng gabi gabi, naglalalabas dyan sa tabi tabi


He traveled his eyes on the audience and quickly stared at me, he smiled. I smiled back.


At inuumaga na sa pag uwi, magpapalit lang at lalakad ng muli


Akala ko ba, tayong dalwa'y nagkasundo, diba pangakong magbabago? Pero ba't nagkaganto, ohh



Tumungo sya saglit at mabilis na tumunghay, his eyes had an effect. It seems fierce and fearful just like the message of the song.


Natataranta na, natataranta na, di mapakali ang isip kakaba-kaba
Natataranta na, natataranta na, bakit nga ba may mali sa nadarama? ♪
Natataranta na, natataranta na, sabihin mo nga kung ako lang bang nag iisa? Ako'y natataranta na, natataranta na


Medyo umiindak pa ng konti ang katawan nya. Psh. Nagpapa-hot ba sya? Well, effective.


Kakantahin nya na sana ang sunod na stanza nang biglang namatay ang ilaw, tumigil sa pagtugtog ang Ultimate phantom. Bumukas kasi bigla ang white screen sa likod nila. May caption na lumabas, para syang presentation sa MS powerpoint.



It's dedicated for you, James Brian Cy. You need to discovered something.


Nakaramdam ako ng kaba. What is this? Napako ang atensyon ng mga tao doon sa screen.



Miske si Jbnget, nakatingin lang dun. Bigla nalang may lumabas na picture sa screen, I was shocked. Lahat ng mga taong nanonood na may kilala sakin, napatingin sakin... nang masama.


Ang picture na yun, magkayakap kami ni Charles.


Lalong sumama ang tingin sakin ng mga tao nang lumabas pa ang isang picture, picture na magkalapat ang labi namin ni Charles. Napapikit ako ng mariin. Doon nagtapos ang presentation na sa tingin ko'y sisira ng relasyon namin ni Jbnget.


Napalingon sakin si Jbnget, his eyes are full of anger, disappointment, coldness and madness. They are all because of me. Napatungo na lang ako at nag unahan ng lumabas ang mga luha sa mata ko, shit. I'm so stupid, I let that guy kissed and hugged me. Now, this is the consequence. I hate myself. I hate Charles...

My Rude Husband (Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon