Chapter 31 - Fulfilled

6.6K 167 1
                                    

Chapter 31 - Fulfilled

Saturday morning

Katatapos ko lang mag breakfast in bed, naisipan kong maligo muna. Ayoko talaga lumabas ng kwarto ko eh. Kung pwede lang, ayoko muna ng bisita ngayon. Kahit nga yung mga maids, si mommy, kuya Blue stephen ayoko papasukin dito eh. Wala lang talaga ako sa mood kumausap ng ibang tao ngayon. Dito ako umuwi sa mansion namin imbes sa bahay namin ni Jbnget, sino ba namang tanga ang uuwi sa bahay ng karelasyon nyang sinaktan sya? Wala naman siguro, maliban na lang kung dakilang martyr ka. Tsk. Makaligo na lang. Baka maiyak na naman ako ng di oras.

Nagbabad na lang ako sa bath tub, nakatitig lang ako sa mga bubbles na nagtatakip sa katawan ko. Ramdam ko na naman yung maiinit na likidong dumadaan sa pisngi ko. Ang sakit palang makita yung taong mahal mong may kahalikang iba 'no? Tapos makikita mo pa silang masayang nag uusap? Hindi pa 'to nangyayari noon samin ni Laurence, talaga palang kakaiba yung relationship namin ni Jbnget kesa dun samin ni Laurence. Oo nga't mas masaya, kakaiba, pero mas masakit at mas mahirap pero mas mahal ko sya eh. Hindi ko kayang mawala sya sakin. Ikamamatay ko sa sobrang sakit.

*tok tok*

Sino naman kaya 'to?

"Sino yan?" Malakas kong tanong.

"Grey may bisita ka!" Sabi ni Kuya. Ayoko nga ng bisita eh. Ang kulit naman!

"Paalisin mo nalang." Sagot ko habang nakahiga pa din sa bath tub ko.

"Ayaw eh. Makulit. Hindi daw sya uuwi hanggang hindi mo sya nakakausap."

Si Jbnget kaya yun? Gusto na ba nyang makipag ayos sakin? Somehow, nakaramdam ako ng saya.

"Sabihin mo, saglit lang." Sagot ko.

"Okay okay. Nasa garden sya." After that, narinig kong naglakad na sya paalis.

Nagbanlaw na ko ng sarili at nagpunas. I went directly to my walk in closet, pagkatapos kong gawin ang rituals ko pagkakatapos maligo ay lumabas na ko ng kwarto. Parang lumulundag yung puso ko habang naglalakad, papatawarin ko ba sya kung sakaling humingi sya ng tawad? Di ko alam. Pero shit, nakakamiss ang lalaking 'yun.

As I reached the garden, I had felt disappointed yet surprised. Hindi si Jbnget ang bumisita sakin, nakakalungkot naman. Haaay. Naka side view sakin ang isa kong kaaway dati pero naging kaibigan din ngayon habang hinihimas ang tiyan nya. Medyo malaki na yung tyan nya. Lumapit ako sakanya,

"Bella.." Pagbanggit ko sa pangalan nya. Bakit nya ko pinuntahan dito? Nakakagulat.

"I'm so glad to see you again my bitch friend." Nakangiti nyang sabi. I smiled back.

"I'm so glad to see you too, bitch. Let's have a seat." Sabi ko at naglakad papunta sa may table dito sa garden. Umupo kami sa steel chair.

"Kamusta ka?" Tanong nya.

Napaiwas naman ako ng tingin.

"A-ayos lang. Ikaw? Ang laki na ng tyan mo." Pag iiba ko ng topic.

"Liar!" She yelled. Hala? Anong problema nito?

"Why? Totoong malaki na ang tyan m--"

She cut me off,

"Hindi yun, boba! You're a liar! Hindi ka ayos, alam ko ang nangyare. Hindi porket buntis ako eh hindi na ko updated. Duuuh?" Mataray nyang sabi. Ayt. Ganun pa din sya. Manang mana sa pinsan nya. Pinsan.. Haaay. Jbnget, wala kana bang pakialam sakin? Hindi mo na ba ko mahal? Ang sakit namang isipin nun.

My Rude Husband (Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon