Chapter 42 - Collapsed
(Tuesday - 12:00 pm @Music hall)
"They don't know about the things we do. They don't know about the iloveyou's..." He sang boyishly.
"Ok. Break muna!" Sabi ni Jared.
Nandito kami sa music hall kasi may practice ang ultimate phantom para sa battle of the bands. Representative sila ng School. Ako naman? Eto nanonood. Ako daw kunware ang audience. Loner na manonood. Hahaha!
"Ngumingiti ka dyan mag isa Grey? Masyado ka yatang inlove." Mapang asar na sabi ni Drell.
I just rolled my eyes.
"Pake mo? Wag kang bitter. Porket wala kang lovelife dyan e!"
Ngumisi lang sya. Psh. Problema nito?
"Di ko na kailangan ng lovelife noh. Dahil someday, makakasal din naman ako sa taong di ko kilala." Parang may something sa tono nya. Ewan ko ba. Nvm. Baka napaparanoid lang ako. >_
Sa di maipaliwanag na dahilan. Para bang may dumaang anghel na hubo at bigla nalang tumahimik ang paligid. Nagkatinginan lang si Drell at Harry. Di ko alam pero parang may something sa tinginan nila. Aish. Clueless ako dito.
"Meron ba kong hindi alam?" I asked out of curiousity. CURIOUSITY KILLS kaya! T___T
"Madami." Sabi ni Harry at bigla na lang lumabas. Hala? Anong nangyari dun? I suddenly scratched my nape.
"Ang gulo. Bakit kasi ang chismosa ko? Pero, curiousity kills talaga e. Ang hirap! Ugh!" Bulong ko sa hangin.
Ano bang problema ni Harry? He's really a mystery to me.
"Wag mo ng alamin. Hahaha." Sabi sakin ni Jared. Narinig nya? Bulong kaya 'yun.
"Tama. Wag kang magpapaniwala sa mga curiousity kills na yan! Siguradong mga chismosa lang ang nagpakalat nyan para dumami sila. Pfft!" Ay. Narinig din ni Renz. Pero teka...
"Kayo naman yung chismoso e! Bakit kayo nakikinig sa bulung bulungan?!" Sabi ko habang tinuturo-turo pa sila.
Napakamot na lang sila ng ulo. Eh?
"Hands down." Sabi ni jared habang nakataas ang dalawang kamay.
"Hindi ba dapat hands up? Nakataas yang kamay mo e. Ano ba yan. Ang gugulo nyo." Sabi ko. Bigla nya namang ginulo yung buhok ko.
"Tanga. Dyan kana nga. Hahahaha!" Sabi nya tapos lumipat dun sa upuan sa may likuran at nag headphone na lang. Err? Tinanga nya ko. Bwisit.
"Ikaw ang tanga Jared! Lul!" Pahabol kong sigaw kahit di na naman nya maririnig.
"Want some water?" Tanong ni Jbnget habang inaabutan ako nga mineral water pero sa kabila nyang kamay ay may chocolate shake. Yun ang kinuha ko imbis sa water. :D
"I want this! Hahahahaha." I started to drink the shake.
He just frowned at me.
"Akin 'yan e." Akmang kukunin nya sa kamay ko yung chocolate shake nang ilayo ko 'yun sakanya.
"Buy your own!" I said playfully.
Bigla naman syang nag pout na parang bata. Pfft. Parang gayshit lang. XD
"Ang cute mo pangeeeet! Waaah!" Napatili ako tsaka ko sya kinurot sa magkabilang pisngi. Minsan lang yan mag pout! Kaya sulitin na! Hihihi.
"Araaay! Anshaket namansh." Sabi nya habang pinapalobo yung pisngi nyang namumula.
"At dahil ang cute mo, share tayo sa choco shake ko!" Inakbayan ko sya at pinainom dun sa choko shake KO. Hahaha.
Parang bata naman syang uminom, pagkainom nya, ako naman. Halinghinan lang kami sa choko shake with the same straw. Ako yung parang lalaki samin, kasi naka akbay ako sakanya tapos ako pa yung may hawak ng choco shake. Haha! Kaloka.
"Chalap chalap!" I said while licking my lips.
"Oo nga e! Hm, Can I kiss you reysheeeel?" Parang batang sabi ni Jbnget.
Humarap ako sakanya,
*tsup!*
"Ok na?" I said and winked at him. Tumungo naman sya habang namumula.
"Engot ka! Feeling ko tuloy, bading ako kasi kinikilig ako sayo." Sabi nya. Napatawa na lang ako ng malakas. Hahahaha. This guy don't fail to make me happy. That's why I love him! ^_____^
****
(Dismissal)
Naglalakad kami ni Trixie ngayon papunta sa Minimart na malapit sa School para mag foodtrip. Ayokong abalahin si Jbnget si practice nya e. At tsaka, I want a quality time with my bestfriend.
"Anong kakainin natin?" Nakangiting tanong ni Trix.
I placed my pointing finger on my chin. Hhm.
"Gusto ko ng pepero, chips delight, piattos, kitkat at mogu mogu!" Sagot ko.
"Ang dami ha! Takaw mo!" Natatawa nyang sabi. Tatawid na sana kami nang,
"GREEEY!! DON'T!" She shouted and pulled my hand. Ako pa lang pala yung tatawid.
Napatulala ako sa sahig. Ohmygod. M-muntik na. Muntik na kong mabangga nung bus. Sobrang konti na lang. Sa sobrang kaba at takot ko, bigla na lang sumikip ang dibdib ko. I can't breathe! Naramdaman ko na lang ang sarili ko na nakahiga sa semento. Bago ko ipikit ang mata ko, narinig ko pa ang boses ni Trix.
"GREEEEY! Anybody! Help us!!"
After that, the thing I was knew is I collapsed...
∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞♥♥♥∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞
AUTHOR'S NOTE:
Sorry po kung once or twice a week lang ako kung mag update. Graduating problems. :( HAHAHAHAHA! Daming requirements syete. Haha. Yun lang! And, SILENT READERSSS! I WANT TO KNOW YOUR SHOUT OUT. HAHAHA. Sige po. Kamsahamnida! ✌
BINABASA MO ANG
My Rude Husband (Revising)
Teen FictionNaranasan mo na bang maloko? Eh ang ipakasal ng mga magulang mo sa isang istranghero? At ang istrangherong ito pala ang gagamot sa sugatan mong puso at muling magpapa ibig sayo.