Chapter 21 - Jealous
Naglakad ako papunta kina Frilla.
Aba! Yakap nya pa din ang asawa ko. Tofu! Gusto nya bang madoblehan?! Bwisit!
"Bakit kayo magka yakap?" Mataray at mataas ang tono kong tanong.
Nanlaki naman yung mata ni Jbnget. Nakakagulat bang mahuli ng asawa habang may kayakapan kang iba? Tsk. Talaga.
"Ikaw ba ang may gawa nito sakanya?" He asked coldly.
Na-stiff naman ako sa tono nya sakin. Nag iwas ako ng tingin.
"What if, yes?" I casually said.
Nagbago naman ang expression nya. Kumunot yung noo nya.
"SEE?!! SHE PUNCHED ME! SHE BULLIED ME! SHE HURTED ME!! GOD!"
Napa simangot naman ako sakanya. Kapal nya! Anong akala nya? Siya ang kakampihan ni Jbnget.
"Bakit mo naman yun ginawa?!"
Wow. Napa taas naman ako ng kilay dun. Ano bang problema nila! Naiinis na ko ha! Ramdam ko naman ang kamay ni Trix sa balikat ko.
"Bakit di mo tanungin 'yang kabit mo?! Gago!" Sigaw ko. Hinawakan nya ko bigla sa braso. Shet! Ang saket.
"Ano ba?!! Nasasaktan ako!"
He just flashed a expressionless face.
"Di ka dapat nanununtok ng iba! You're too violent!"
Sino ba si Frilla para sya ang kampihan mo? Di ko yan mabanggit. Nanghihina na ko. Ang sakit pala ng di ka kampihan ng taong mahal mo. Pwede pamura? TANG INA.
"I'm going home.." Mahina at malamig kong sabi.
Binitawan nya na ko. Hinila ko si Trix pero nakatayo pa din sya sa harap nila Frilla.
"Fuck you!" She raised her middle finger to Frilla.
Literal naman akong napanganga. Trixie.. natatawa ako sayo pero di ako makatawa ngayon.
Hinila ko na sya at naglakad na. Pero bago kami makalayo, nilingon ko muna sila na nag uusap na ngayon. Peste!
"Hoy James!" Lumingon sya. Sinamaan ko sya ng tingin. "Kayo na ba?! Congrats!"
With that, we left.
***
"NAKAKA INIS SILA!! MAGSAMA SILA!! SA HELL!! CURSED THEEEM! WAAAH!!" Kanina pa kong sigaw ng sigaw. ANO BA KASING MERON SA KANILANG DALAWA?! SILA NA BA? Tapos ano, makikipag annul sakin si Jbnget tapos mag sasama na sila?! Ugh! Di ko yon matatanggap!
"Kalma Grey. Nakakainis naman si Frilla! Akala mo kung sinong naabuso! Diba dapat ako ang niyakap ng asawa mo! Napuruhan din naman ako eh!" Sabi ni Trix.
Sinamaan ko naman sya ng tingin.
"Baliw ka ah! May hidden desire ka ba sa asawa ko?!!" Nandito ngapala ako sa bahay nila. Ayokong umuwi! Never!
"Hahahahaha! Joke lang! Ano ka ba! Asa! Harry pa din!" Natatawa nyang sabi.
Napangiti lang ako ng bahagya. Pero deep inside, naiinis pa din ako! Gaaah! Kakalbuhin ko yung Frilla na yun! Peste sya!!
Kumain nalang kami ng dinner ni Trixie. Wala na ngapala syang magulang. Yung ate nya wala dito. Nag sleep over daw sa bahay ng kaklase.
*Phone rings*
Di ko pinansin. Psh. Sino naman yun. Alas otso na ng gabi eh.
*Phone rings*
"Sagutin mo na yan Grey. Baka asawa mo na yan. Nag aalala sayo. Ayieee!"
Tiningnan ko lang sya ng masama. Nag aalala her face! Tsk.
Padabog akong tumayo at sinagot ang tawag ni.. Jbnget.
"Oh?"
"Reyshengot.."
Ang hina ng boses nya ah.
"Problema mo?"
"Nasan ka?--JAMES! TARA KAIN NA!--Sandali may kausap ako!--Uhh, sorry!--Hello? Reyshengot? Nandyan ka pa?"
Di ako nakasagot. Boses ni Frilla yun ah. Ganitong oras? Magkasama pa din sila? Saan? Sa bahay namin? Leche. Nakakainis! Nakakagigil.
"Kumain na muna kayo ng Gf mo." Cold kong sabi.
"Ha? Ano bang sinasabi mo?"
"Wag mo muna ko kausapin. Busy kami. Ge bye!"
After that, I hanged up.
Nanginginig ang kamay ko. Gabi na pero magkasama pa din sila? So, anong sunod nilang gagawin? Yung ano..
Napa hawak nalang ako sa chest ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Ang sama ng pakiramdam ko. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Dapat ba akong magalit sakanya? Pakiramdam ko, he's cheating on me. I feel insane. Feeling ko, umikli lalo yung buhay ko sa sakit na nararamdman ko eh. Di ko na alam. Ano ba kasing kaugnayan nila ni Frilla? Bakit ganun sila ka-close? Nagseselos ako...
BINABASA MO ANG
My Rude Husband (Revising)
Teen FictionNaranasan mo na bang maloko? Eh ang ipakasal ng mga magulang mo sa isang istranghero? At ang istrangherong ito pala ang gagamot sa sugatan mong puso at muling magpapa ibig sayo.