Ayan. Nakapili na ko ng portrayer ni James Brian. So cute, Kookie! <3
***
Chapter 6 - Harsh Comforting
Bumaba ako papunta sa salas. Nasan na ba yung asa—
"Sino kayo?!!"
Sigaw na tanong ko sa mga poging lalaki sa salas namin. Tumakbo ako papunta sa kusina para kumuha ng tinidor. Magnanakaw ba sila?! Pero hindi halata eh. Pogi. Hinde hinde! Kahit pogi sila, pwedeng magnanakaw din.
"Hoy panget! Bakit ka may hawak na tinidor?!"
Biglang sulpot ni panget na JB.
"Ay kalabaw na lumalangoy! Ulul. Walang ganun! Uwe!"
Dire diretso kong banggit.
"Baliw ka talaga eh noh?! Teka, ibaba mo nga yang tnidor mo. Hindi magnanakaw ang mga kaibigan ko!"
Ha? Kaibigan.. Kaibigan nya? At teka, Mind reader ba sya? Bumalik ako sa salas. Nilapitan ko silang apat. Tinitigan at tiningnan ulit. Aha!
"Kayo yung nasa Tv!! Yung.. ano nga ba yun.."
"Ultimate phan--"
"Oo! Yon! Ultimate panty band! Kayo yon diba?! Bakit kayo nandito? Ha?"
Bigla naman silang nag poker face lahat. Including, JB.
May mali ba kong nasabi? Nagkamot ako ng batok. Ano ba yan. Ang sama ng tingin. TT_TT
"Heleeer! Bakit ganyan kayo makatingin? May masama ba kong nasab—"
"Panget! Tss. It's PHANTOM. Not PANTY! Engot ka talaga kahit kelan!!"
Sigaw sakin ni Jb. Sinamaan ko lang sya ng tingin.
"Di ako engot! Masama ba magkamali ha?! Masama?"
"Oo! Masama! Panget ka kasi."
Abaa!! Talagang! -.-
"Gusto mo talagang mabugbog noh?! Lapit ka dito dali!! I'll kick you where it hurts the most!!"
Nanlaki naman yung mata nya.
"Ugh! Baliw kang babae ka! Aish. Ilayo nyo nga sakin yan. Mababaliw yata ako eh!"
Ako pa? Sya nga tong baliw e!
"Pare, Chill. Asawa mo yan. Hahaha." Sabi ni di ko kilala.
Nakalimutan ko kasi pangalan nila eh. Mahina ako makatanda ng names.
"Kahit na! Ang sarap kutusan eh!"
Grr. Nakakainis! Sya nga tong masarap kutusan eh. Sa lungs!
"Wala ka talagang modo kausap eh noh?! Psh. Makatulog na nga. Wag kang tatabi sakin ha! Sa sahig ka o sa sofa, Kung nauulul ka naman, Sa bubong ka matulog! Sige goodnight!!"
Sabi ko at padabog na umakyat na. Narinig ko namang tumawa yung mga kaibigan nya at inalaska sya. Psh. Buti nga!
***
Kinabukasan
Ramdam ko yung braso at hita ko na nakayakap sa isang malaking unan. At nakayakap din ung unan sakin, Teka? Kelan pa nagka braso ang unan?
*blink blink*
O__O
Bakit kayakap ko ang mokong na to?!
Pinagmasdan ko ang mukha ng lalaking katabi ko. Long eyelashes, straight eyebrow, strong jaw, pointed nose, red lips, kissable. Parang ang sarap halik--UGH!! Ano ba tong iniisip ko?! Minamanyak ko na ba ang asawa ko? Err.
Bakit ba di ko pa din tinatanggal ang pagkakayakap ng hita at braso ko sakanya?! Pati yung braso nya na nsa bewang ko? Nakakailang. Err.
Tinitigan ko yung mukha nya, Ngayon ko lang napansin, Ang gwapo nya pala. Hindi lang sa TV, Pati sa close up. Waah! *shake head* Ano bang nangyayare saken?
"Still staring at my perfect face? Huh?"
Asdfghjkl!!
"G-gising ka?!"
Gulat kong tnong.
"Kanina pa. Masyado yatang napasarap yung pagtitig mo sa mukha ko." He smirked.
Tinanggal ko yung yakap ko sakanya at umupo nalang sa kama.
"Bakit ka sa tabi ko natulog?!" Tanong ko. Sabay titig ng masama sakanya.
"Sus! Gusto mo din naman? Ayoko sa sofa at sa sahig no! Simula ngayon, Tabi na tayo matutulog. Pabor yun sayo beb!"
B-be..beb?
Akala ko nakalimutan ko na lahat. Hindi pa pala, Nandito pa din yung sakit. Biglang bumalik sa alaala ko yung araw na yun sa park. Ramdam ko yung mainit na tubig sa mata ko na tumulo sa pisngi ko.
"Reysheeel?! Ah! Sorry. Tinry ko lang naman kung masasaktan ka pa din eh. Gusto ko lang malaman kung nakarecover kana. Pero di pa pala. Tahan na! Mukha kang tanga umiyak! Tss."
Ang lalaking toooo! Iniinis nya ko lalo.
Yumuko lang ako. Di ko mapigilan ang luha ko. Kusa nalang silang pumapatak.
Naramdaman ko namang yinakap ako ni Jb. Lalo akong naiyak, Hagulgol na. Waaah! Ano ba naman ako?! I look very pathetic.
"D-di k..ko al..alam *sob* kung pano magmo-move o..on. *sob* Sabi nya kasi ak..ako lang. Naniwala ako p..pero *sob* HINDI NAMAN P..PALA!! *sobs*"
Bakit nya ba ginawa yun? Di ko matanggap eh. Ang sakit.
Niyakap ko nalang tong walang modo kong asawa. Huhu.
"Tumahan kana nga. Mag breakfast nalang tayo. Gutom lang yan! Ang panget mo umiyak. Kaya tigil na!!"
Saway nya sakin habang tinatap ang likod ko. Nakasubsob naman yung mukha ko sa balikat nya.
Kinalma ko muna yung srili ko. Bago humiwalay sakanya. Ang harsh nya mag comfort grabe.
Huminga ako ng malalim. KAYA MO YAN GREY! Di dapat iniiyakan ang walang kwentang tao. Dahil sigurado, Masaya na sya ngayon. Di nga siguro ako ang makakapag pasaya sakanya. Yung Bella na yun? Baka mas masaya sya dun. Ang sakit naman isipin nun. Pero, Kailangan ko na talaga mag move on. Simula ngayon, Kakalimutan ko na sya. Pinunasan ko ung mukha ko gamit ang palad at ngumiti ng malapad.
"Tara na kumaen! Gutom lang talaga' to!" Sabi ko sakanya at ngumiti.
"Ok kana? Yan, mejo nagmukha kanang tao. Ngumiti kana lang lage. Pero tandaan mo.. PANGET KA PA DIN. Haha tara na sa baba."
Inakbayan nya ko at naglakad na kami papuntang kitchen.
BINABASA MO ANG
My Rude Husband (Revising)
Teen FictionNaranasan mo na bang maloko? Eh ang ipakasal ng mga magulang mo sa isang istranghero? At ang istrangherong ito pala ang gagamot sa sugatan mong puso at muling magpapa ibig sayo.