Althea Shin on the media, take a look! :)
***
Chapter 25 - The new student
Pagkatapos kong magluto ng spaghetti, carbonara, lumpia at sisig. Nag gawa naman ako ng dessert, macaroni salad lang tapos kumuha nalang ako ng brownies sa ref.
Dinala ko na yung mga pagkain sa dining table.
"Alam mo bang kanina pa kaming takam na takam sayo--este sa luto mo. Amoy pa lang, nakakagutom na eh." Sabi ni Drell habang pangisi ngisi pa.
"I take that as a compliment." Sagot ko na lang.
Nagsimula na kaming kumain.
"Ang sarap mo talaga magluto Reyshengot." Puri ni Jbnget na katabi ko lang.
"Bolahan101." Sabi ko.
"Seryoso. Ang sarap talaga, para tuloy akong nasa langit." He said and winked.
"Manahimik ka na nga lang dyan kung ayaw mong idiretso kita sa langit." Mataray kong sabi.
"Sungit mo ah. Buti naman nababawasan na kaengotan mo, napapalitan yata ng kasungitan."
Sinamaan ko naman sya ng tingin.
"James Brian Cy! Gusto mo bang matulog sa labas?!" Inis na tanong ko.
"Reyshengot naman eh. Nag jojoke lang kaya ako! Para sakin, ikaw ang pinaka matalino at pinaka magandang babae sa lahat. Kakaiba ka pa sa kanila. Kakaibabe, kakaibabe. ♪" Sabi pa nya habang kinakanta yung last two words na kakaibabe kakaibabe, baliw talaga 'to. Pero infairness, kinikilig ako.
"Kinilig ako in fairness. At dahil dyan, may kiss ka sakin mamaya!" Natatawa kong sabi at kinindatan sya.
"Talaga?" Tuwang tuwang tanong nya.
"Syempre, joke lang. Masyado ka naman yatang sineswerte."
Bigla nya naman akong kiniliti sa tuhod. Waaah! My weakness.
"Kyaaaah! Jbnget! Kyahahahaha! Shet! Tamana!"
"Tutuparin mo yung kiss ko o hindi?" Tanong nya nang nakangisi.
"Oo na!" Sabi ko. Tinigilan nya na naman ang pagkiliti sa tuhod ko.
"Ehem. Ehem." Pagpaparamdam ni Renz.
"May ubo ka ba Renz?" Nagtataka kong tanong.
"Baka wala. Sipon lang to Grey. Sipon." Umiikot pa yung mata nya habang sinasabi yan. May silahis ba 'to? Tsk.
"Sipon? Sa lalamunan? Pano nangyare yun?" Tanong ko pa. Tofu! Di ko magets.
"Sa wakas! Nagbalik na ang totoong Reyshengot! Engot kana ulit! Congrats!" Sabi ni Jbnget at niyakap pa ko habang kinakalog. Kinutusan ko naman sya.
"Tigilan mo nga ako! Di sabi ako engot e.h" Naiirita kong sabi.
"Tama sya pre. Hindi sya engot, slow lang." Sabi pa ni Jared sabay tawa nila ng malakas.
Napailing na lang ako sakanila. Tama nga yung kasabihang Tell me who your friends are and I'll tell you who you are. Pare parehas silang loko loko eh.
***
Kinabukasan
I'm now walking in the hallway. Nagulat nalang ako nang may kumulbit sakin sa likod.
"Hi miss. Can you tell me where the Dean's office is?" She sophisticatedly asked.
Ang ganda nya. Mukha talaga syang elite tas ang hinhin pa.
"Sure. Just follow me." Nakangiti kong sagot.
We walked together toward the Dean's office.
"Here. Pwede na ba kitang iwan?" I asked her.
Ngumiti naman sya bigla
"Yes. But before that, May I know your name?"
I just smiled at her.
"I'm Grey Shelle. How about you?"
Inabot ko yung kamay ko sakanya.
"I'm Althea Shin. Thankyou sa paghatid." Sa wakas nagtagalog rin. Nosebleed ha!
"No problem. Sige alis na ko."
Nag ngitian lang ulit kami at umalis na ko. Bakit kaya parang may kakaiba sa ngiti nya? Well, maybe it was just my illusion.
Naglakad na ko papunta sa classroom. Tumabi ako kay Trixie. Nakasimangot sya.
I poked her arm.
"Anong problema mo?" Tanong ko sakanya.
"Kainis kasi si Harry eh! Ugh! Naalala ko nanaman." Nag pout pa sya.
"Ano ba kasing nangyare? Share." Sabi ko at medyo inilapit pa sakanya yung upuan ko.
"Di ko maintindihan kung bipolar ba sya o sadyang pinaasa nya lang ako eh. Bigla ba namang nanlamig at umiwas sakin? Wala naman akong ebola. Peste sya! Kaasar." Naiirita nyang sabi.
I just tapped her back.
"Kalma Trix. Wag ka muna mag isip ng negative okay? Mag tiwala ka muna kay Harry. Baka may dahilan sya kaya sya umiiwas. Chill ha? Okay lang yan." Niyakap nya naman ako.
"Thank you, Grey."
Ngumiti lang ako sakanya.
***
Dismissal
Nagtext ako kay Jbnget na pumunta sya sa garden at dun kami magkita.
Pagkarating ko don, hindi sya nag iisa. Kasama nya si Althea Shin. Nagtatawanan sila. Close sila?
Lumapit ako.
"Hi there. Magkakilala kayo?" Tanong ko.
Ngumiti sakin si Althea. May iba talaga sa ngiti nya. Psh. Ako lang ba or talagang may kakaiba?
"Yes we are. Grey Shelle, he's J--"
Nagsalita ako agad.
"Magkakilala kami. Magkakilalang magkakilala." Sabi ko at nag wink sakanya.
"Ganun ba? Busy ka ba James?" Ngumiti sya sa asawa ko ng pa-cute. Nakaramdam naman ako sakanya ng inis. Aish! Ewan ko ba.
"Hindi naman. Baket?" Sabi ni Jbnget kay Althea.
"Can you tour me to the whole campus right now? Gusto kong masaulo eh." Sabi nya.
"Yun lang ba? Sure." Tumingin si Panget sakin. "Sama ka Reyshel?"
Umiling lang ako.
"Sawa na ko sa university KO. Kayo na lang. Enjoy na lang kayo." Sabi ko.
Lumapit ako kay Jbnget. I gave him a peck on the lips.
Namula naman sya bigla.
"Bye Jbnget ko!" Sabi ko at nag wave sakanya tsaka ako naglakad paalis.
Nakita ko namang tinaasan ako ng kilay ni Althea. Woah, mataray din pala sya. Ano naman kayang problema nya sakin? Ewan ko sakanya. Wapakels.
BINABASA MO ANG
My Rude Husband (Revising)
Teen FictionNaranasan mo na bang maloko? Eh ang ipakasal ng mga magulang mo sa isang istranghero? At ang istrangherong ito pala ang gagamot sa sugatan mong puso at muling magpapa ibig sayo.