Chapter 30 - Loser or winner?
"Magbihis kana. Hintayin kita sa back stage ha?" Sabi ni Jbnget bago ako pumasok sa dressing room. Ngumiti lang ako.
"Alright." I said.
He just kissed my forehead at sinaraduhan ko na yung dressing room. Nandito na yung ibang candidates na busy sa pagbibihis at pagre-retouch.
"Hi Ms. Grey, good luck po." Sabi ng isa kong ka-block.
I nodded at her.
"Thanks. Good luck din." Sagot ko.
Kinuha ko na yung gamit ko at nag bihis na. My sports wear is so... waaah! Ang ganda. Ang galing talagang pumili ni Trix. Sya kasi ang pumili nito eh. I so love it. But wait—where's Trixie? Bakit wala pa sya dito para magbihis? Nagmadali na ko pagsusuot nang sports wear, konting retouch at dali dali akong lumabas ng dressing room. I feel something.. parang nafi-feel kong may hindi magandang mangyayari. Ugh. Is it just me? Sana naman imagination ko lang yun.
Hinanap ko sya sa iba't ibang parte ng hall. I also checked the CR, pero wala. Kahit si Althea the bitch, missing in action din. Sht naman. Nasan ba sila?
Hindi na ko nag dalawang isip pang lumabas. Pero iba ang nakita ko, ibang iba sa hinahanap ko...
Althea and Jbnget were kissing torridly. Nanlalambot yung tuhod ko. Ito ba yung nararamdaman kong may masamang nangyayari? I think, ito nga. Napapikit ako ng mariin, nag unahang lumabas ang luha sa dalawa kong mata. I closed my fist. In this situation, gusto kong manapak pero sobra akong nanghihina. Ang sakit sakit.
Hindi pa din nila napapansin ang presensya ko, pero bago ako tumalikod nakita kong tumingin sakin si Althea. Wala na kong pakialam, dali dali na kong naglakad pabalik sa loob ng hall. Pinunasan ko yung luha ko. I didn't expect this. Ang sakit sakit lang. Parang sinasaksak yung puso ko ng paulit ulit.
Bigla na lang may humawak sa balikat ko. Ang strange ng feeling. Nilingon ko sya, "R-renz? Ahmm, bakit?" I faked a smile. Nandito pala sya.
He didn't answered. Instead, he pulled me. Dinala nya ko sa isang room, katabi ng dressing room. Medyo madilim dito. Ano bang problema nito?
"Bakit mo ko dinala dito?" Walang emosyon kong tanong.
"Grey, you can cry on my shoulder." Napatingin naman ako sakanya. Nakita ba nya?
"Nakita mo d-din?" Nanghihina kong tanong.
He just sighed. "Yes. I have seen everything. I know you're so much hurting right now. I can be your comforter. Iiyak mo lang." Sabi nya. Hindi na ko sumagot pa, kusa na lang akong yumakap sakanya at umiyak ng umiyak. Tanging paghikbi ko lang ang maririnig sa room na ito.
Inakbayan nya ko at pinatong yung ulo ko sa balikat nya. Di na ko nakapag pigil. Tumunghay ako at kinagat sya sa braso.
"Aww!" Hinimas nya yung parteng kinagat ko. "Aso ka ba? Bakit mo ko kinagat? Ikaw na ngang kino-comfort eh."
Nakakagigil kasi eh.
"Naiinis ako kay Jbnget at kay Althea. Sorry ah? Nangangagat kasi ako kapag malungkot ako eh. Aaaah! They are cheating on me. Curse them!" Paglalabas ko ng sama ng loob.
Puchang gala naman oh! Bakit kasi sila naghahalikan? Bakit nakikipaghalikan si Jbnget sa ibang babae? Napaka landi. Nakakainis. Nakakasakit..
BINABASA MO ANG
My Rude Husband (Revising)
Roman pour AdolescentsNaranasan mo na bang maloko? Eh ang ipakasal ng mga magulang mo sa isang istranghero? At ang istrangherong ito pala ang gagamot sa sugatan mong puso at muling magpapa ibig sayo.