Chapter 19 - Shelly

7.7K 189 2
                                    

Chapter 19 - Shelly


"As a designer of this gown, you need to represent it. All of the council likes your design Ms. Lim, we're not being bias here just because your family is one of the owners of this school but your design is so much amazing, unique.. beautiful!" Sabi sa akin nitong vice principal ng school.



Nandito kami sa office nya. Mga 5 minutes na kami dito, ako daw kasi at yung gown na dinesign ko ang magiging representative ng Fashion designing department ng school para sa contest next week.



Eh tinatamad naman ako. Ako pa yung model, ako na nga nag gawa, ako pa magrarampa. Nakakastress ah.



"Iba nalang po Ma'am! Bakit kasi ako pa?" Naiirita kong tanong.



"Maganda nga iha ang design mo among the others!"



Napa iling nalang ako. Putspa naman! Kulit!



"Psh. Oh sige na nga! May dagdag points po ba yan sa grades?" Tanong ko.



Ngumiti naman sya bigla.



"Oo naman. Malaki." I sighed in defeat. On the other side, napaproud naman ako sa sarili ko. Akalain mo 'yun? Sakin daw ang pinakamaganda.



Lumabas na ko sa Office ni Vice principal.


Habang naglalakad naman ako sa hallway, nakasalubong ko si Laurence.


"Hi beb!" Bati nya.


I smiled at him.


"Hello beb! Hahaha! Balita na?"



Ano na kayang nangyai sakanila ni Bella? I'm concerned.


"Hmmm.." Hinila nya naman ako sa may gilid, "Nagpapahinga nalang sa bahay niya si Bella. Sayang nga eh, mapapatigil sya ngayong year." Malungkot nyang sabi.



Pinat ko lang yung likod nya. "Kaya nyo yan! Basta wag kayong susuko kahit ano pang mangyare ha? Ingatan mo si Bella. Pinsan sya ng asawa ko!" I tried to changed the mood para di masyado emo.



"Yeah right." Huminga sya ng malalim at inakbayan ako. "Salamat Grey ha? Sa kabila ng nagawa ko sayo noon, maayos pa din ang pakikisama—"



May humila sakin palayo kay Laurence at,



"Baka langgamin na kayo dito ng asawa KO. Kakahiya naman sainyo. Alis na muna kami pre ha? Ge." Biglang sabat ng aking magalang na asawa. Psh. Put the sarcasm here.



Kinaladkad nya lang ako palayo. Problema naman ng isang to? Tsk.



"Bakit ba Jbnget?!" I asked while frowning.



He just glared at me. What did I do? Ugh.



"MAY. ASAWA. KA. NA. DAPAT DI MO NA KINAKAUSAP YUNG EX MO NG GANUNG KALAPIT. Ang sweet sweet nyo pa!" Sabi nya.



"Leche naman Jbnget! Wala kaming ginagawang masama ni Laurence! Nag uusap lang kami, Ano bang nangyayare sa-—teka, nagseselos ka 'no?" Saka ko lang naisip yun. Napahagalpak naman ako ng tawa. Bwahahaha.



Bigla naman syang namula. Ang cute ng asawa ko magselos!



"Hindi ako nagseselos 'no! Ang kapal mo lang na engot ka!"



Lalo namang lumakas yung tawa ko. Deny pa!



"Pffft. Shet! Hahahahaha—teka! Hahaha—ang cute cute mo! Pft!" Sabi ko habang nagpipigil ng malakas na tawa. Kinurot ko sya sa pisngi.



"Takte!! Ang pisngi ko naman Reyshengot! Oo na! Nagseselos na ko! Happy kana?"



Napangiti nalang ako ng sobrang lapad, yung halos mapunit na ang balat ko.



"Sabi na nga ba! Mwahahaha!"



Bigla nya naman akong niyakap ng pa-sakal.



"Anong pinag usapan nyo ng panget na Ex mo?" Tanong nya ng seryoso habang yakap pa din ako na parang naka sakal sa leeg ko. Tsk.



"Tungkol sa lihim naming pag iibigan! HAHAHA—araaay!" Kutusan daw ba ko. Shemay! Nagbibiro lang eh, parang gago.



"Pinagtataksilan nyo ko?!" Sigaw nya.


Pinagtitinginan na kami. Lalakeng 'to! Eskandaloso.



"Parang ganun na nga." Sabi ko.



Bigla naman syang humiwalay at naglakad palayo. Seryoso masyado?



"PANGEEET!" Tawag ko.



Ayaw lumingon. Sinundan ko naman siya agad. Ang bilis naman nito maglakad! Haba kasi ng legs!



"JB!!" Ayaw pa ren! Ugh.



May sweet endearment ba kami? Parang wala naman. Hays! Isip isip Grey! Hay. Nahihiya man ako, tumakbo pa din ako palapit sakanya at niyakap ko sya mula sa likod.



Oh God! Lamunin na ako ng lupa! Super PDA. Nakanang.



"Jbnget.." Tawag ko ng mahina. "Joke lang yun! Bakit ka ba nagwo-walk out? Lecheng panget ka! Sa tingin mo ba, magagawa kitang lokohin?"



Bumuntong hininga sya. Amp.



"Alam ko namang nagbibiro ka lang. Gusto ko lang talagang habulin mo ko! Sa susunod, wag kanang magsasalita ng ganun ha! Ang engot mo talaga kahit kelan." Humarap sya sakin at hinaplos ang mukha ko.



At sa wakas, ngumiti din. Woot woot!



"At ikaw panget!" I smirked, "Wag kang masyadong seloso. Napapaghalataang patay na patay ka sakin eh!"



Kumunot naman yung noo nya.



*PUK!*



Ugh. Pitikin daw ba ko sa ilong! Peste!



"Wag ka ngang masyadong assuming! Pasalamat ka nga mahal kita kahit yung utak mo, sing liit lang ng piso—what the shit!"


Sinapak ko siya sa mukha. Buti hindi masyado malakas, hirap gamutin ng isang 'to eh!



"Maliit ang utak ko?!" Tanong ko habang tinitingnan sya ng masama.



"Joke lang. Malaki din naman. Boobs mo lang naman ang maliit! Pffft."



WAAAH! Ang rude pa din nya kahit M.U. na kami! Kelangan nya pa ba talagang sabihin yun?



Tinalikuran ko na sya. Kainis.



"Uy!" Hinila nya ko sa wrist.



"Tse! Manyak ka!" Naglakad na ko ulit.



"Sorry na! Alam mo namang tanggap kita kahit gaano pa kaliit yan—"



*BOOGSH*
*BLAAAG*
*SCREEECH!*



What the hell?! Hindi ako yung bumugbog kay Jbnget ha!



Tiningnan ko sya, nakalupasay na sya sa sahig habang hawak ng isang lalaki.



"SINO KA PARA MANYAKIN YANG BABAENG YAN!? HUH?!" Sabi nung lalaki habang nakatingin ng sobrang masama kay Jbnget.



Agad ko namang pinuntahan sa sahig si Jbnget.



"Gago ka ah!! Sino ka ba?!" Galit na sigaw ni Jbnget.



Tama. Sino ba sya? At saka di naman ako minamanyak ni Jbnget eh, nilalait lang. Grabe naman. Sinaktan nya agad asawa ko!



"I'm Charles Mendoza. It's nice to see you again, my Shelly.." Sabi nung lalaki na nakaharap sakin.


Sh... Shelly? Cha... Charles? Di ako nakagalaw sa kinatatayuan ko. Anong ginagawa nya dito?

My Rude Husband (Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon