Chapter 10 - Play under the rain

9.2K 198 3
                                    

Chapter 10 - Play under the rain

"Flat topssss! Habulin mokooo!" Sabi sakin ni Josher habang tumatakbo. Nandito na kami ngayon sa Garden nila. Tumakbo naman ako at hinabol sya. Lagot ka saking bata kaaa!

*BOOOGSH!*

A..ARAAAY!

Napatid ako sa isang paso. Ang sakit! Yung noo ko ang unang dumapo sa lupa. Peste!

"Flat tops? Ayos ka lang? Waaah!! James! James! May dugo si Flat tops sa Noo!" Sigaw ni Josher. D-dugo? Ugh. May dugo ako sa noo? Hinawakan ko yun at,  halaaa! Meron nga.

"F*ck. Anong nangyare sayo Fla--Reyshengot? Halika nga. Gagamutin kita. Kahit kelan talaga, napaka tanga mo!" Sabi nya sakin habang hinihila ako.

Nahihilo ako.

"Teka.." Mahinang sabi ko.

"Baket?" Tiningnan nya naman ako.

Amp. Liyo na talaga ako. Blurred na ang paningin ko hanggang sa nawalan na ko ng malay...

***

I opened my eyes slowly. Una kong nakita ang puting kisame. Sh*t! Nasa hospital ba ko? Fvck. NOOO! Inilibot ko ang tingin ko sa paligid. Confirm. Nasa hospital nga ako. Marahas kong pinagtatanggal ang mga naka kabit sakin. Yung swero tinanggal ko din. Nakita kong nagdudugo ang likod ng palad ko kung saan ko tinanggal ang swero pero di ko nalang yun pinansin. Wala na kong pakialam. Ang gusto ko lang ay makalabas sa lugar na 'to.

Nasa may lobby na ko ng hospital nang may humigit sa wrist ko.

"Where are you going? Bakit ka aalis?" It's Jbnget.

I just pulled my wrist away from him.

"Let me go." Cold kong sabi sakanya.

Mukhan naman syang nagulat. Hindi ganito ang tono ko kapag nakikipag usap. Pero, ayoko talaga dito eh. I can't stay here any longer.

"Bumalik na tayo sa room mo. Kelangan mong magpahinga." Sabi nya habang nakatingin sakin ng seryoso.

"Ayoko! Aalis na ko! Ayoko dito.." Nanghihina pero mataas ang tono kong sagot.

"Bakit ba? Magpapa CT scan at Xray ka pa! Baka kung anong naapektuhan na dyan sa loob ng ulo mo." Sabi nya.

I froze. Nakatitig lang ako sa floor. Di ko alam kung kakabahan ba ako o ano. Ayoko sa lugar na 'to. Pinilit kong hilahin sakanya ang kamay ko at good thing, maluwag ang pagkakahawak nya. Tumakbo ako paalis at dali daling pumara ng taxi.

"San kayo ma'am?" Tanong nung driver.

I realeased a deep sigh. "Sa south cemetery po."

***

Pagkadating ko sa South cemetery. Agad akong naglakad papunta sa puntod ni.. daddy.

"Dad.. I miss you." Malungkot kong sabi habang naka indian seat sa grass. Hinaplos ko yung lapida nya at pinagpagan ng konti yun.

"Dad. Dad.. Bakit di ko pa din matanggap na wala kana? Dad.. Alam mo ba? Ayoko talaga sa hospital, alam kong alam nyo po yon. Ayokong marinig nanaman ang boses nila.. nang mga doctors. Dad, dalawang taon na pala ang nakakalipas simula ng mawala kayo. Ang tagal na pala." I looked up. Teary eyed na kasi ako. Pinipigilan kong wag umiyak pero, naluha pa din ako.

"Dad.. Good news! Naka move on na ko kay Laurence. Ang saya diba? *sob* Pero bakit pakiramdam ko, hindi pa din ako *sob* masaya? Dahil ba alam kong hindi na ko—"

"GOTCHA!"

Asdfghjkl!!

"Jbnget?" I called him. Pinunasan ko yung mga luha ko sa pisngi.

"Umiiyak kana naman? Pero good to know! Naka move on kana sakanya!"

"Oy ikaw! Kanina ka pa dito 'no?" Tanong ko habang nakatingin sakanya ng masama.

"Kalma kalma! Oo kanina pa ko dito. 5 minutes ago. Buti nalang, madali sundan yung taxing sinakyan mo!" Sabi nya habang tatawa tawa pa. Tss.

Buti nalang ginulat nya ko at nagpakita agad sya, Kasi kung hindi.. naka naituloy ko na yung sinasabi ko kay dad at nalaman nya pa ang di dapat malaman.

"Tsk. Bakit ba sinundan mo pa ko?"

"Baka kasi mapano kana naman! Tatanga tanga ka pa naman. Tss!" Sabi nya sabay yuko.

"Teka.. Concern ka sakin?! Wow! Nahuhulog kana ba saken?"

Bigla naman syang napatingin sakin at nag iwas ng tngin.

"H-ha? Syempre hindi! Wag kang feelingera! Asawa kita Reyshengot! Pag may nangyare sayong masama. Patay ako sa mommy natin.."

Eh?

Ramdam ko ang pag init ng pisngi ko. Ano bang nangyayare sakin? Ugh.

"Gago!" Yun lang ang tangi kong nasabi at nag iwas ako ng tingin. Baka makita pa nya ang pamumula ng mukha ko, pagtripan pa ko.

"By the way, Bakit ba ayaw mo sa hospital?" Napatingin ako sakanya at napakunot ang noo ko.

"Takot ako sa injections!" Sabi ko ng hindi sya tinitingnan. Nakatitig lang ako sa langit. Malapit na mag sunset.

"Di nga? Di naman yun ang dahilan mo eh! Tss." Sbi nya.

"Yun yon! Psh. Ano pa bang pwedeng dahilan?"

"Sabagay. Tingnan mo oh! Sunset na. Alam mo ba yung kasabihan, kung suno daw ang unang tao na makakasama mo sa panonood ng paglubog ng araw, sya na ang makakasama mo habang buhay." Sabi nya habang nakatitig sa langit. Napatitig ako saglit sa mukha nya. Naka ngiti sya ng konti. Ang gwapo nya. Geez. Ano ba yan. Binalik ko nalang ang tingin ko sa Sunset. Naisip ko yung sinabi nya. Totoo ba yon? Kung totoo yun, Si Jbnget ang makakasama ko habang buhay ganun? Di ko pa nakakasama manood ng sunset si Laurence kaya siguro naghiwalay kami. Hindi kami ang para sa isa't isa.

"Reyshengot, Naniniwala ka ba don?" Ulit na atnong ni Jbnget.

"Hndi ko alam. Ikaw ba? Naniniwala ka?" Tanong ko. He smiled boyishly. Shet! Ang gwapo nya tlaga! Bakit ba ngayon ko lang na-appreciate yun? =___=

"Gusto kong maniwala." Sagot nya. Nagtaka naman ako dun.

"Edi paniwalaan mo." Sabi ko.

"Psh. Alam mo ba, nagmahal na ako noon. Nung 9 years old ako. Pero di ko kilala yung batang yun na minahal ko. Nanood kami noon ng Sunset pero nagkahiwalay din naman kami. Gusto ko syang makita ulit at malaman kung sino sya." Sabi nya.

Bigla namang bumilis ang tibok ng puso ko sa di malamang dahilan.

"Wow. Ang bata mo pa nun para makaramdam ng ganun ha." I said and raised my eyebrow.

"Ewan ko ba. Basta, Minahal ko sya alam ko yun sa sarili ko. She's very different among the other girls. May picture nga kami bago sya mahiwalay sakin eh." Sabi nya at kinuha ang wallet nya. Bubuksan nya na sana yun nang biglang bumuhos ang malakas na ulan.

Shemay! Basang basa na ko. Sa halip na sumilong kami, Inenjoy nalang namin ang ulan. We played under the rain.

I feel so happy. Buti nalang nandyan si Jbnget para pasayahin ako at dahil din sakanya kaya ko nakalimutan si Laurence. I owe him a lot.

***

Author's Note

Magkakaroon ako ng new story entitled Black Star Academy. Sana basahin nyo, pipilitin kong matapos yon kagaya nitong MRH. Thank you!

My Rude Husband (Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon