Chapter 34 - Unwanted kiss
Naglalakad ako papunta sa department ni Jbnget, ako na ang susundo sakanya. Ang tagal nya eh. Malayo pa lang ako, kita ko na agad syang naglalakad palabas ng classroom nya.
"Reyshengot, Bakit parang balisa ka?" Tanong nya ng magkalapit kami. I plastered a smile.
"Hindi naman. Why would I?" Sabi ko. Bakit naman ako mababalisa? Psh.
"Hmmm. Alright. By the way, may gig kami ng Ultimate Phantom mamaya. Sama ka?" He asked.
"Sige." Sagot ko.
Sa di kalayuan, kita ko si Althea na nakatayo habang nakatingin sa malayo. Iniwas ko na lang yung tingin ko sakanya.
"Sabihin mo nga sakin ang totoo? May nangyari ba?" Sabi nya at tumigil sya sa paglalakad, he looked at me seriously.
"Wala. Wag ka nga." Sabi ko at umiwas sa tingin nya.
"You're not the real Grey Shelle Lim. May sumanib ba sayo? You're acting weird, engot." He said and flicked my earlobe.
I sighed, "Ayos lang ako. Don't mind me."
Naglakad na ko, sumunod naman din sya.
"Kakaiba ka talaga ngayon. Sa halip na sigawan mo ako kasi tinawag kitang engot, iba ang sagot mo. Kalmado pa. Ano ba? May problema ka ba? Kasi alam mo, I'm here to listen." Sabi nya at niyakap ako mula sa likuran. Napahinga naman ako ng malalim, ano nga bang problema ko? Miske ako, hindi ko din alam. Ampupu!
"I don't have a problem. Tara na Jbnget, uwi na tayo." I said in a low voice.
"Ayoko. Sabihin mo muna." Sabi nya pa at sinubsob yung mukha nya sa leeg ko.
Aish. Pasaway!
"Wala nga akong problema. I'm just PMS-ing." Pagsisinungaling ko, wala naman ako ngayon eh.
He released a deep sigh.
"Okaaay fine. Basta pag may problema ka, sabihin mo agad sakin, We are one." He said and gently kissed my hair.
Naglakad na kami papunta sa parking lot para umuwi.
***
After fixing myself, naupo muna ako sa couch ng kwarto namin. Relax relax. Bigla namang nag vibrate ang phone ko.
From: (Unknown number)
Let's talk please. I'm here at park on your village. I'll wait.To: (Unknown number)
Who are you?After 10 minutes, hindi pa din sya nagrereply. Hindi ko alam kung anong sumanib sakin at tumayo ako sa couch. I sighed.
"Jbnget, may pupuntahan lang ako saglit." Paalam ko sakanya.
Tiningnan nya naman ako ng seryoso.
"Pero aalis na tayo in a bit." Sagot nya.
"It'll be quick. Promise!" I told him.
Lumapit naman sya sakin at niyakap ako.
"Samahan na kita." Umiling lang ako sakanya.
"Wag na. Ako na lang. Alis na ko." Sabi ko at humiwalay sa yakap nya.
"Take care, Reyshengot. Wag tanga ha? See you later." Tumango na lang ako at dumiretso na palabas. Malapit lang naman dito ang park eh.
Naglakad ako papunta sa park, pagkarating ko doon, hindi ko inaasahan na sya ang makikita ko. Shemay. Siya ba ang nagtext sakin? But, why?
I took a deep breath.
"Charles? Anong kailangan mo?" Bigla syang lumapit sakin at niyakap ako. Nagulat naman ako sa ginawa nya.
"I just missed you." Napailing ako. I feel something wrong.
"Uuwi na ko." Tumalikod ako sakanya pero bigla nya kong hinila paharap sakanya at marahas akong hinalikan sa... labi.
Nanlaki ang mga mata ko, pilit akong pumipiglas pero masyadong madiin ang pagkakakapit nya sakin. Kinagat ko ang labi nya, napahiwalay sya sakin. Bakit pakiramdam ko, hindi lang kami ang tao dito? Shit. Kung ano ano ang iniisip ko. The thing that matter here is, he kissed me.
Sa sobrang inis ko, sinuntok ko sya ng napakalakas sa mukha. Ano bang problema nya? Is he on drugs?
"Why did you do that? I hate you!" Sigaw ko. Tahimik lang sya habang pinupunasan ang dugo galing sa kaliwa nyang pisngi, yung parteng sinuntok ko.
"Because, I love you. I really love you Shelly! Since we're kids, mahal na kita." Sabi nya, akmang hahawakan nya ko pero agad akong umatras.
"No. You don't love me. Because, if you do, you would never do this!" Mariin kong sabi at agad syang iniwan. Bago ako maka alis sa lugar na 'yun, nakita ko si Althea. Nakangisi sya sakin at tumalikod na din. Posible kayang may kinalaman sya dito? Posible...
BINABASA MO ANG
My Rude Husband (Revising)
Teen FictionNaranasan mo na bang maloko? Eh ang ipakasal ng mga magulang mo sa isang istranghero? At ang istrangherong ito pala ang gagamot sa sugatan mong puso at muling magpapa ibig sayo.