Chapter 13 - Decision
"Sorry Grey ha. Kung wala akong maitutulong sayo. Wala din kasi akong experience. Ikaw pa nga ang meron eh! Hahaha. Joke. Pero basta, tandaan mo, nandito lang ako palagi sa tabi mo lalo na pag nasaktan ka ulit." Sabi ni Trixie habang nakangiti na nang e'encourage.
Hay. Buti nalang nandyan sya. Nandito ngapala kami sa garden ng campus. Sinabi ko sakanya yung secret romance ko toward Jbnget. Waaah! Ano bang gagawin ko?!
"Salamat trixie! Ugh! Ano bang dapat kong gawin?!! Masasaktan nanaman siguro ako kapag lumala 'to.." Pabulong nalang yung huling mga words ko. Nanghihina ako.
"Kaya mo yan! Ikaw pa, Dyosa ka! DYOSA NG KAKAPALAN NG MUKHA! Hahahaha!" Sabi ni Trixie. Binatukan ko naman sya. Nagtawanan lang kami dun. Buti naman, medyo gumaan ang pakiramdam ko.
***
Timecheck: 3:20 pm
Nakikinig lang ako sa prof ko sa Trigo. Di ko alam kung bakit kelangan ko pa ng napaka hirap na subject na to. Psh. Magagamit ko ba yan kapag naging fashion designer na ko. Tsk. Sakit sa ulo.
Natapos ang klase ko ng wala akong naintindihan. Kelan ba meron? Pamula HS, hirap na talaga ako intindihin yang mga Math ek ek na yan!
"Ang dali dali talaga ng Trigo! Gosh! Ang sisiw!" Dinig ko ang isang familiar na boses sa may likod ko. Ugh. I knew it.
Si Bella nanaman. I don't care. Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad ko.
"Hoy Grey!" Psh. Epal na Bella. Nilingon ko sya ng nakasimangot.
"Oh?" Sabi ko.
"Ang dali ng trigo 'no? Ikaw ba, nadadalian ka din ba?" Nakangisi nyang sbi. Tss. Panigurado, ipagyayabang nya sakin na magaling sya sa trigo. Pansin ko nga pamula lumipat sya dito, lagi syang nakakasagot sa Trigo. Psh. Dun lang naman sya marunong.
"Wala ka ng pakialam don. Di tayo close." I said sarcastically.
Tinalikuran ko na sya at naglakad na. Bigla nya naman akong hinawakan sa braso.
"Laurence and I broke up." She said sadly. Napatingin naman ako sakanya. I blinked my eyes twice.
"Ha?" Yun lang ang nasabi ko. Di ako makapaniwala.
"I said, wala na kami ni Laurence. Masaya kana?" Sabi nya ng pataray. Kung alam lang nya, nalulungkot din ako. Kahit naman ginago nila ako non, gusto ko pa ding mag work out yung relasyon nila.
"Why would I? I already moved on. At inlove na ko sa iba. Hindi na kay Laurence." Sabi ko nang nakatingin sakanya ng diretso.
"So, totoo nga ang balita na kasal kana." Sabi nya. Napatingin naman ako sakanya ng nagtataka.
"Oo. At ano? Aagawin mo din ba sya sakin? Ang asawa ko? Katulad ng ginawa mo sakin noon?" Sabi ko ng mariin pero kalmado pa rin.
"Nope." Ngumiti sya. "Your husband is my cousin. At kahit ganito ako, di ako pumapatol sa kadugo ko 'no. Sige dyan kana bitch. Bye!" She tapped my shoulder and left.
Napatunganga naman ako. The heck! Sabi na nga ba e! Kaya parang may napapansin ako sakanya noon pa! Kahawig nya si Jbnget. Di ko yun pinansin noon pero kaya pala sila medyo magkamukha kasi mag pinsan sila. Kaya pala rude din ang isang yon! Pinsan kasi sya ni Jbnget. Lahi na ba talaga nila yun? Pati si Josher at lola ganun din e. Tsk. *shake head* May problema pa pala ako. Etong nararamdaman ko kay Jbnget. Putspa!
***
"Sakay kana!" Sabi nya.
"Shemaaay!! Ayoko nga!! Di ako sumasakay ng motor!" Sigaw ko naman sa kanya habang naka cross arms. Pesteng Jbnget 'to! Ayaw pa mag kokotse! Ayoko sa motor, di dahil ayokong ma-haggard. Takot kasi ako eh. Kanina nya pa ko pinipilit sumakay dyan. Ugh.
Wednesday na at pupunta kami sa Main house ng family ko. Pinapapunta kasi kami ni mommy eh. Tamang tama! Miss ko na si kuya! Pero etong magaling kong asawa, gustong mag motor.
"Ang arte arte mong babae ka!! Sumakay kana lang! Kukutusan na kita dyan eh!!" Sigaw nya sakin, "SAKAY NA KASI!!"
"Leche kaaa! Ayoko!" Sigaw ko at tuningnan ko sya ng masama.
"TSS! Inaantay kana ng kuya mo!! Nagtext si Tita Pinky!!" Sigaw nya din.
At sa huli, No choice. Sumakay na din ako. Ampots!
5 pm na ngapala kaya di masyado mainit.
"Bakit ka ba sa balikat nakahawak?! Nakikiliti ako! Dito dapat!" Sabi nya at iniyapos ang mga braso ko sa may bewang nya. "Yan. Ganyan. Tanga tanga kasi! Wag kang bibitaw ha! Kung gusto mo pa mabuhay!"
Napahigpit ako ng yakap sa bewang nya nang hinarurot nya yung motor. Ang bilis! Shet. Ang bilis din ng tibok ng puso ko. Di ko alam kung dahil sa mabilis na takbo ng motor o dahil sa yakap ko ang taong gusto ko. I felt butterflies on my stomach, as stupid as people say it. Pagkagusto lang ba to o iba na?! Di ko na alam. Kinakabahan ako.
Napayakap ako ulit bigla ng mahigpit sakanya nang nag-overtake siya sa isang bus. Ghaad! Napaka reckless nyang driver!
"Jbnget!! Dahan dahan!" Sabi ko.
"Sige pero, Gusto ko mahigpit pa din ang pagkakayakap mo sakin."
*Lubdub lubdub*
Tofu! Eto nanaman ang puso ko! Bakit ba sya nagsasalita ng ganyan. Amp.
"W-wag kang mag alala.." Hinigpitan ko ang pagkakayakap sakanya. "Hindi ko luluwagan ang pagkakayakap ko sayo."
I decided to show my feelings to him. Mas mahihirapan lang ako kapag tinago ko lang 'to. I hope I won't regret this decision...
BINABASA MO ANG
My Rude Husband (Revising)
Teen FictionNaranasan mo na bang maloko? Eh ang ipakasal ng mga magulang mo sa isang istranghero? At ang istrangherong ito pala ang gagamot sa sugatan mong puso at muling magpapa ibig sayo.