Chapter 17 - Confession in Ford International School

7.9K 217 3
                                    

Chapter 17 - Confession in Ford International School


"Reyshengooot! Pakibilisan!" Sigaw ni Jbnget mula sa labas ng walk-in closet. Nagbibihis pa ko eh.


"Saglit naman! Pagkalabas ko mamaya, may kutos ka sakin!" Pabiro kong sigaw.


Papunta kasi kami sa mini concert nila ng Ultimate phantom sa dati nilang school eh. Ngayon na kasi yun. Today is saturday.


"Aba! Basta, bilisan mo!!" Sigaw nya pa.


Tsk. Napaka rude talaga. Sinuot ko na yung Doll shoes ko at lumabas na. May salamin at personal hygienes na sa loob ng walk-in kaya dun na ko nag ayos. I was wearing mini skirt partnered by long sleeves na naka tuck-in and doll shoes.


He looked at my face down to my foot and to my face again then he shook his head. Oh? Anong problema nya? Nabaliw nanaman.

"Hoy Jbnget! Umayos ka nga!" Tinapik ko sya ng mahina sa pisngi, "Mukha kang engot dyan. Tara na nga!"

Hinila ko na sya pababa para salubungin ang mga band mates nya.


"Hi Greeeey!" Sabay sabay na bati nila.


Nag smile lang ako sakanila.


"Hyper nyo ah! Di ba kayo kinakabahan?" Tanong ko.


"Of course not! Magaling kami masyado para kabahan pa." Maangas na sagot ni Jared. Tss.


"Talaga lang ha. Ge, payag na." Mataray kong sabi at naglakad na palabas. Sumunod naman sila agad.


Sa van ni Drell kami sumakay.


***

FORD


Nasa parking lot na kami ng Ford International School. Nakita ko na ang aking bestfriend. I gave her VIP ticket, syempre naman.

"Grey!!" We hugged each other.

Lumipat naman ang tingin nya sa mga lalaki sa likod ko. Biglang nanlaki ang mata nya.


"WAAAAH!!" Pinaypayan nya pa muna ang mukha nya ng dalawa nyang kamay at tumakbo palapit kina Jbnget.


"ULTIMATE PHANTOM BAND!! OMG!!"


Haha. Sabi na eh.

"Ah eh, hi?" Naiilang na bati ni Renz sakanya.


"Harry!!!" Bigla niyakap ni Trixie si Harry at tumalon talon.


Pfft.


"Ahm. C-can't breathe!" Sabi ni Harry.


"Sorry! Ohemgiee! Ang gwapo gwapo mo Harry!! Crush kita matagal na!" Tili ni Trixie.


Napaubo naman si Harry.


"Pardon? Anong pangalan mo?" Harry asked.


Bigla namang kuminang ang mata ni Trix.


"For real?!! Tinatanong mo ang name k-ko?!! SHIT! Over na to! Ako si TRIXIE SANTOS! BFF ni Grey!" Hyper na hyper na sabi nya.


"Ah ok." Lymipat naman ang atensyon ni Harry sa mga kabanda nya. "Tara na sa loob. Pack up na tayo. Ah Trixie, Nice to meet you but we need to go."


Ngumiti nalang si Trixie.


"Sure! Papanoorin kita! Goodluck honey ko!" Si Trix na nagpapacute pa.


Bigla namang nanlaki ang mata ni Harry pero binalik nya naman ulit yun sa dati.


"Hehehe. S-sige."


At naglakad na sila, sumabay na din si Trix. Si Jbnget lang ang di sumama sakanila at ako. Medyo balik na kami sa dati. Di na ko masyado umiiwas sa kanya kasi di ko na naman pipigilan ang nararamdaman ko sa kanya pero di ko pa din naiipagtapat eh. 4 days na ang nakalipas nung nagka heart-to-heart-talk kami ni Beb.


"Oy? Bakit nandito ka pa?" Tanong ko sakanya.


Ngumiti naman sya at niyakap ako. Natigilan ako.


"B-bakit?" Tanong ko.


Yung tibok ng puso ko, ang bilis. Shit lang. Ramdam na ramdam ko yung butterflies sa tyan ko.


"Pampa-lakas lang ng loob." Sinubsob nga yung mukha nya sa leeg ko at hinigpitan pa yung yakap nya. Pakiramdam ko, Ang init na ng pisngi ko.


"I think, I'm inlove with you Reyshengot." Dagdag pa nya.


At doon na talaga ako nanghina. Yung tuhod ko, nanlalambot.


Humiwalay sya sa pagkakayakap at tumalikod na.


"GANYAN KA BA MAG CONFESS NG NARARAMDAN SA BABAENG GUSTO MO, HA?!" Sigaw na tanong ko sakanya.


Napatigil naman sya sa paglalakad. Hindi sya kumikibo, nilapitan ko sya at niyakap mula sa likuran.


"Reyshel.. bakit ka ba sumisiga—"


Pinutol ko yung sasabihin nya,


"You just thinking you're in love with me." Huminga ako ng mlalim. "Pero ako, I don't think I'm in love with you."


Bigla naman nyang tinanggal ang pagkakayakap ko sakanya at tiningnan ako ng malungkot. Bakit naman?


"YEAH! Alam ko na yan! Alam kong di mo ako gusto. Rinig na rinig kong sinabi mo yan noon kay Laurence.." Yumuko naman sya. "At siguradong, nagka balikan na kayo."


Nagulat naman ako don. Narinig nya? Kaya pala ang cold ng tingin nya sakin non.


"Sa tingin mo makikipag balikan pa ko sakanya? Sa kabila ng ginawa nya sakin?" I looked at him seriously. "Kahit na alam kong di nya sinasadya yung pananakit nya sakin, di ko sya babalikan. Kasi.. di ko na sya mahal at may iba na kong mahal."


I clung to his neck and kissed him on the lips. Smack lang.


Kita ko naman ang panlalaki ng mata nya at pagba-blush. Hahahaha! Ang cute nya. I cut the kiss.


"Siguro naman, kilala mo na kung sino yung tinutukoy ko?" I said and smiled sweetly.


"Ako ba yun?" Inosente nyang tnong. Shemay! Lalo akong naiinlab sa lalaking ito. Haaaay.

*POK!*

Binatukan ko nga.


"Araaay!!! Engot ka talaga. Bakit ba?" Inis nyang tanong.



"Ang slow mo panget! Hahalikan ba kita kung hindi ikaw ang mahal ko?!!" I asked him sarcastically.


Ngumiti naman sya ng napaka lapad.


"Akala ko.. akala ko, hindi mo masusuklian ang nararamdaman ko. I don't know when it started but I'm sure to my feelings now. Salamat. Mahal kita." He said sincerely.


"Akala ko din hindi mo masusuklian ang nararamdaman ko eh. Mahal din kita Jbnget pero.. pumasok kana! Baka magsimula na concert nyo tapos wala ka pa dun!" Sermon ko naman sakanya.


Nagtawanan lang kami at pumasok na kami sa loob.


"Goodluck Jbnget! I love you asawa ko!" Sabi ko.


Ngumiti naman sya at,


"Thankyou! I love you too engot kong asawa!" Sabi nya at bigla akong hinalikan sa pisngi.


Haaay. Ang sarap sa pakiramdam ng ganito. Maluwag na ulit ang paghinga ko. Confession in Ford International School, not bad! Theme place! Haha kidding!

My Rude Husband (Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon