Chapter 37 - Lack of trust
Halos lahat ng tao sa paligid ko, nakatingin sakin. Tinging mapanghusga, tinging nandidiri. Patuloy lang ako sa pag iyak. Bigla naman akong nakaramdam ng kaguluhan, madaming tao na pumaligid sakin, karamihan ay teenagers. Bigla nila akong binato ng crumpled papers, hindi ko alam kung san nila yun nakuha. Nakatungo lang ako.
"Kaladkarin kang babae!"
"Ang sama mo! Manloloko ka!"
"Niloloko mo lang si James!!"
"You bitch!"
"Bad girl!"
"Malandi ka!!"
Nanatili lang akong nakayuko at hindi pinatulan ang mga ginagawa nila sakin. It's my fault in the first place. Ugh. I'm so stupid. Bakit kasi nagpunta pa ko sa park eh.
Bigla namang may lumapit saking babae na matangkad. She held my cheeks, ang diin ng pagkakahawak nya. Feeling ko madudurog yung cheekbones ko, tiningnan ko lang sya ng nagtataka.
Nagulat na lang ako sa sunod nyang ginawa,
*Slaaaap!*
Napahawak ako sa pisngi ko. Do I deserve that slap? I think I do but hindi naman ako tanga para hindi maisip na wala syang karaparang gawin yun kahit may pagkakamali ako.
I flashed my anger look and slapped her too. Now we're even.
"Pwede nyo kong lahat husgahan pero hindi ang pagbuhatan ng kamay."
Pagkasabi ko nun, tumalikod na ko sakanila. Pagtingin ko sa stage, wala na dun si Jbnget. Hindi nya man lang ako tinulungan. Di ko naman sya masisisi, galit sya sakin eh. Buti na lang may lakas pa kong ipagtanggol ang sarili ko.
I went straight to the backstage, nakita ko ang ultimate phantom na nag aayos ng gamit. Nandun si Jbnget. Lumapit ako.
"Jbnget..." tawag ko sakanya. Sandali syang tumingin sakin pero iniwas nya din agad ang tingin nya.
Lumapit pa ko sakanya, I touched his face. Agad din nyang iniwas ang mukha nya. Ganun ba sya kagalit sakin?
"I'm sorry." Sabi ko. Tiningnan nya lang ako. His eyes is blank, expressionless.
"Sana mapatawad mo ko. Hindi ko nagustuhan ang halik na yun. He just f-forced me, I'm sor--" Hinarang nya yung kamay nya. Sign na tumigil ako.
"Stop it. Pwede ba? Wag ka muna magpakita sakin. Alam mo kasi, masakit eh. Please lang, stay away from me." Stay.. away.. from.. me? Napalunok naman ako. I bit my lower lip, bigla nalang akong napaiyak ulit. Ang sakit. Bakit naman ganun? Maybe I have mistakes but I'm not cheating on him. I really don't.
"Mahal kita.." mahina kong sabi.
Bigla nya namang nahampas yung lamesa sa harap nya. Nagulat ako.
He looked at me, he's really mad at me. Sh*t. What did I've done?
"Hindi pa ba sapat yung nakita ko? Niloloko mo ko." He said coldly.
Napayuko lang ako.
"Hindi kita niloloko!" Sagot ko.
"Eh anong ibigsabihin ng picture na yun?" Tanong nya. Kita ko ang kamao nya, nakatikom. Galit na galit sya, sakin..
"Hindi ko yun ginusto." Sabi ko habang patuloy na umaagos ang luha sa pisngi ko.
"But still, you kissed another man."
Napapikit ako ng mariin.
"I didn't initiate that kiss. Wala ka bang tiwala sakin?!" Tanong ko. Nasasaktan na ko. Bakit ba mas pinaniwalaan nya pa yung picture kesa sakin?
"Di ko alam.." sabi nya at tumayo na. He turned his back from me. Pinunasan ko yung pisngi ko, puno na kasi ng luha.
"I need space." He whispered. Napatingin naman ako sakanya--sa likod nya. Nakatalikod kasi sya nung nagsalita sya.
Di ko na alam kung anong mararamdaman ko. Space? Why?
"You trusted that pictures instead of me. Ang sakit. Di mo man lang ba naisip na nakipaghalikan kana din sa ibang babae? Nung nakita ko yun, live pa. Mas masakit. Nag sorry ka, pinatawad kita agad. Because, I trust you. Pero ikaw, it seems you don't trust me anymore. Hindi mo ko mahal..." Pagkasabi ko nun, agad akong tumakbo paalis. Nilagpasan ko lang sya habang may tumutulong luha sa mga mata ko. Why can't he trust me? Bakit kailangan nya pa ng space? Nakakainis. Nakakalungkot. Sino bang kumuha ng pictures na yun? Ang sarap nyang i-salvage! Urrrgh. Di ko na alam ang gagawin ko!
"Stay strong." Napalingon naman ako sa nagsalita, I saw Renz.
"What?" Tanong ko, pinunasan ko naman yung luha ko sa pisngi.
"Problema lang yan, mag asawa kayo. Don't let that pictures ruined your relationship, kapit bisig dapat." He gave me an encouraging smile.
Ngumiti ako ng pilit,
"Salamat Renz." Sabi ko at agad naman syang umalis.
Kapit bisig... Stay strong... Sana hindi lang ako ang kumapit, sana sya din. Sana hindi nya ko sukuan, dahil hindi ko kakayanin.
BINABASA MO ANG
My Rude Husband (Revising)
Teen FictionNaranasan mo na bang maloko? Eh ang ipakasal ng mga magulang mo sa isang istranghero? At ang istrangherong ito pala ang gagamot sa sugatan mong puso at muling magpapa ibig sayo.